KABANATA 6

19.6K 675 91
                                    

KABANATA 6

JEWEL

Naisip ko na magpalamig muna rito sa isang bar na nakita ko habang naglalakad para magpahangin. Suot ko pa rin ang disguise ko, baka mamaya ay makilala ako ni Sir.. Marami ding tao at maayos naman ang bar na napasukan ko. Pumunta ako sa harapan ng bartender at umorder ng juice lang. Hindi naman ako umiinom.

"Miss, why don't you try our liquior? We have new experiment."

Umiling ako, "No thanks." sabi ko sa foreigner bartender.

Tumingin nalang muna ako sa paligid at tinignan ang bawat nagkakasiyahan. Minsan iniisip ko na kaya ba sila nagpupunta rito para mag-alis ng problema o talagang magsaya lang? Ilang porsyento kaya ng tao rito ang nagsasaya lang? Tingin ko kakaunti.

Minsan hindi alam ng tao kung ano ba talaga ang gusto nilang gawin. Minsan nagiging komplikado ang sitwasyon oras na magkamali sa pagpili. Parang ako, umalis ng batangas kasi hindi ko alam ang gusto kong gawin. Kaya ayon, dahil sa maling pagpili ko sa gagawin ay naging komplikado lalo ang sitwasyon.

"Your drinks, Miss."

Nilingon ko ang bartender at nilapag niya ang juice ko. Humarap ako rito at kinuha ang baso.

"Thanks."

Ngumiti lang ito kaya hindi ko na pinansin at humigop ng kaunting juice para hindi agad maubos.

"Gago ka, ah!"

Napatigil ako ng makarinig ng rambulan. May lalake na may sinuntok na lasing na lalake. Agad na nakakuha ng atensyon iyon ng lahat.

"Tangna mo, Pre! Esteban 'yan!" sigaw ng isang lalake.

"Huh?" tila naman namutla ang lalakeng sumuntok doon sa lasing na lalake.

"Patay ka." sigaw ng ilan kaya napaatras ang lalake lalo na nang tumayo ang lalakeng lasing. Pamilyar sa akin ang suot nito. Tumayo ako at tinignan mabuti. Hinubad ko ang fake glasses na suot ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Sir!

"You." tinuro ni Sir ang lalake kaya nagkukumahog na agad na  lumuhod ang lalake.

"B-Boss, hindi ko alam. Patawarin niyo ako."

"You are dead." natawa si Sir, "like my love."

Natahimik ang lahat at maging ako. Halos gegewang-gewang sa pagtayo si Sir sa sobrang kalasingan.

"Huh?" ani ng lalake na naguguluhan sa sinabi ni Sir.

"Iniwan niya ako! Iniwan niya ako!" sigaw niya kaya napatakip ako ng bibig at biglang naawa sa kanya, "pero hahanapin ko siya." tumawa siya kahit na kita ko ang kalungkutan sa mata niya, "Esteban ako, ha! Esteban ako."

Bigla siyang napaupo kaya napasinghap ako. Humilata siya sa sahig kaya agad na nagbulungan ang tao. Hinanap ko kung may kasama ba siya maski bodyguards, pero wala.

Agad na lumapit ako at pagtingin ko ay tulog na siya.

-

"Ayusin mo naman ang lakad mo. Nahihirapan ako, e."

Akay-akay ko siya at hirap na hirap ako dahil bukod sa malaki siya kumpara sa akin ay mabigat siya buhat na hindi siya makalakad ng maayos.

"Tssk.. K-Kapag nahanap ko siya, patay siya sa akin." bulong niya kaya napalunok ako.

Napapikit ako sandali dahil bakit ba ginagawa ko ito? Dapat ay lumalayo na ako sa baliw na 'to. Pero nakakaawa naman na iwanan nalang.

Dumilat ako at naghanap ng taxi na maaaring sakyan namin para ihatid ko siya sa bahay niya. Nang makakita ay agad na pumara ako.

Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now