KABANATA 17

15K 685 107
                                    

KABANATA 17

LUCY

Nakatingin ako sa mag-ama ko na sabay na ginagamot. Narito lang ako sa labas at nakatanaw mula sa glass wall ng emergency room.

"Kailangan mo ring magpagamot, Lucy."

Napalingon ako kay Sir Jace at muli akong tumingin sa mag-ama ko.

"Ayos lang po. Ayokong mawala ang paningin sa kanila. Baka kapag nawala sila sa paningin ko ay tuluyan silang mawala sa akin."

Hinawakan ako sa balikat nito, "Pero ikaw naman ang mawawala sa dami ng dugo na nawawala sa 'yo. Hindi nga sila mawawala, mawawala ka naman." sabi nito kaya napatingin ako sa sugat ko na hawak ko, "sige na, sumama ka na sa mga nurse. Ako nang bahala sa anak at apo ko."

Kaya wala akong choice kundi ang sundin ito. Inalalayan ako ng mga nurse at dinala sa kabilang room. Nilapatan nila ng gamot at benda ang hiwa sa tagiliran ko. Nakatitig lamang ako sa kawalan habang naiisip ang lahat ng nangyari. Pagod na pagod na ako sa lahat. Ni minsan hindi na ako sumaya man lang ng matagal.

Pumikit ako ng makaramdam ng antok. Ilang araw din ang binuhos ko para gumaling makipaglaban at ngayon ko naramdaman ang kapaguran ng katawan. Gusto ko munang magpahinga. Gustong-gusto ko.

"Mama.."

Iron? Bakit naririnig ko ang boses ng anak ko? Biglang lumiwanag ang paligid ko. At nakita ko si Iron na nakatayo.

"Mama." sambit nito kaya napangiti ako.

"Iron, halika. Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko.

"Mama, I love you."

"Iron.." nakita ko na kumaway ang isa niyang kamay. Bigla akong nagtaka.

"Lucy."

Napatingin ako bigla kay Tiago. Tumabi siya kay Iron.. Naguguluhan ako na nakatingin sa kanila.

"Patawarin mo ako kung mahina ako. Patawarin mo ako kung palagi ka nalang nasasaktan at nalulungkot dahil sa akin." ngumiti siya, "mahal na mahal kita.."

"Mahal na mahal ko din kayo. Ano bang ginagawa niyo at ayaw niyong lumapit sa akin?" tugon at takang tanong ko.

Ngumiti lang sila at kumaway sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero malungkot ako at natatakot. Pinilit kong lumapit sa kanila ngunit parang ang hirap nilang abutin.

"Tiago! Iron!" sigaw ko ng makita kong unti-unti silang nawawala.

"Lucy! Lucy!"

Napadilat ako at napasinghap. Habol ko ang hininga ko na napatingin sa taong katabi ko. Nang makita ko si Mommy Nicole ay napatingin ako sa paligid. Nandito ang pamilya ni Tiago.

"Ano pong nangyari?" tanong ko.

"Nakatulog ka dahil sa pagod. Ginigising kita dahil tila binabangungot ka."

Nang sabihin nito iyon ay bigla kong naisip sila Tiago.

"Si Tiago at Iron po? Maayos na po ba sila?"

Nakita kong hindi agad makasagot si Mommy Nicole at nagkatinginan pa silang mag-anak.

"Nag-aagaw buhay ang mag-ama."

Nang sabihin nila iyon ay agad na bumaba ako ng higaan. Hindi nila ako mapigil. Kahit masakit pa ang tahi sa tagiliran ko ay hindi ko inindan iyon. Natataranta na nagpunta ako sa ICU kung saan daw nilipat ang dalawa.

Napahawak ako sa salamin at napaiyak ng makita na maraming nakakabit sa katawan nila. Napaiyak ako.

"Huwag niyo akong iiwan, please.. Hindi ko kaya. Lumaban kayo!" sigaw ko habang umiiyak na nakatingin sa mag-ama ko na nirerevive.

Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now