III

7.1K 178 2
                                    

Flower in the Rain II

The untold story of Vincent

Written by: Kimmy

Chapter III

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Hans sa akin.

"Gusto ko na kasi jumingle! Saan ba ang CR dito?" pasigaw kong sabi para marinig niya, ang ingay kasi. Halos hindi namin marining ang isa't isa.

"Labas ka ng convention tapos sa kaliwang banda ng hall naroon ang CR ng mga lalake," ani Sebastian sa akin.

"Uy ikaw, saan din punta mo?" Tanong ni Eryl kay Bennedick.

"Sandali lang, puntahan ko lang si Mia," tugon nito. Tsk! Ang gagong 'to hindi nawawalan ng babae kahit saan mapunta.

"Tsk! Ikaw na talaga!" Natatawang sabi ni Eryl.

"Oh kala ko ba jijingle ka?" Tanong ni Sebastian.

"Oo na! Pupunta na po!" I said in a sarcastic voice.

Iniwan ko ng ang grupo at sinimulan maglakad palabas. Natagalan ako ng konti, siguro mga limang minuto bago ako nakalabas. Ang dami kasing studiyante at medyo madilim sa loob at marami-rami na rin ang sumasayaw sa gitna.

Disco raw kuno!

May ilang estudiyante rin ang nasa hallway, may magkaibigan meron din mga magnobyo.

Hinanap ko ang CR, tsk! Saan ba banda? Akala ko ba sabi ni Sebastian sa kaliwang banda. P*nyeta! Naiihi na talaga ako.

Lakad pa ako ng lakad hanggang sa dumating ako sa pinakadulo. May narinig akong kung ano sa aking likuran kaya agad akong lumingon.

Wala namang tao...

Huwag niyong sabihin may multo ang convention hall?!

Pinagpatuloy ko ang paglakad, ayun na naman ang tunog ng mga paang nakasunod sa akin...

Hindi ako matatakutin pero...

This time parang... OO!

Sh*t naman! Bakit walang katatao-tao! Wala bang gustong mag-CR!

Binilisan ko ang paglakad, hindi ako lumilingon...

Mahirap na baka may multo talaga...

P*nyetang CR! Saan ka na ba?

Uy... Ayun! Lumiko ako. Halos tumatakbo na ako sa labis na takot. Agad kong sinara pabagsak ang pintuan. Humihingal ako at pinagpapawisan! Grabe... Kinikilabutan ako! Dapat pala sana di na ako nag-cr! Oh kaya isinama ko na lang isa sa mga ugok!

Kinalma ko muna ang sarili ko, nawala kasi ako ng ganang umihi. Inhale... Exhale...

Mukhang okay na... Imaginations ko lang! Imaginations ko lang!

Pumasok ako sa isa sa mga compartment duon. Binuksan ko ang aking zipper. Hhhmmm... Ang sarap umihi. Hahaha! Huwag kayong bastos!

Ngunit agad din akong napatigil nang marinig kong bumukas ang pintuan. Dahan-dahan...

Eeeeekkkk...

Sh*t! Parang sa horror lang! Naraning ko ang mahihinang hakbang. Hindi iyon tunog na panlalake... Parang galing sa isang babaeng naka-takon.

Baka...

Baka...

Huwag naman...

The Untold Story of Vincent [completed]Where stories live. Discover now