II

7.3K 143 1
                                    

Flower in the Rain II

The untold story of Vincent

Written by: Kimmy

Chapter II

"Uy ano yan?" Biglang sulpot ni Eryl sa aking likod. Hawak-hawak ko ang isang papel na bigay ng Dean. Isa yung application para sa mga studiyanteng gustong makapag-aral sa Australia.

Nasa catwalk kami at naka-upo sa nakalinyang mga benches.

"Application to study in Australia, bigay ng Dean. Qualified raw ako at si Hans," tugon ko sa kaniya.

"Talaga? Wow!" Kung maka-wow ang isang 'to parang babae. "Buti pa kayo, pero no doubt about it sa ating lima kayo ni Hans ang malaman ang utak."

"Sus! Kayo din naman ah! Tamad nga lang," ani ko sa kaniya at sinunod ng mahinang tawa.

"Kanina pa namin kayo hinahanap, andito lang pala kayong dalawa!" Turan ni Ben kasama pa ang dalawa, sina Sebastian at Hans.

"Congrats sa inyong dalawa mga 'tol!" Tinapik ako sa balikat ni Sebastian.

"Congrats pare! Nakakainggit kayong dalawa," usal rin ni Ben.

"Huwag niyo muna kami i-congrats wala pa naman ang exam! Pati hindi pa naman kami sigurado kung makakapasa kami ni Vincent," ani ni Hans. Kahit kailan napaka-humble talaga nitong kumag na 'to pero sabagy totoo naman 'yun.

"Papasa lang kayo niyan! Kayo pa!" Sabi ni Ben, kahit pabling ito at maloko minsan pero hindi maitatangging napaka-supportive ang lokong 'to. Nakakalungkot naman kung sakaling makakapasa kami ni Hans at iiwan namin ang tatlong itlog na 'to.

"Hoy paparating na ang chika babes ni Vincent!" Tili ni Sebastian, ang gago kung maka-chika babes ay talagang gusto ko ang Sadakong iyon. Sh*t! Lagi na nila akong inaasar, paano ba naman kasi halata na kay Zoila ang pagpapa-cute niya sa akin. She' so desperate to get mybattention. Nung isang araw wala akong kawala nang lumapit siya at inabutan na naman ako ng cupcake! Darn! At sa harap pa ng mga unggoy na 'to!

Pinapahiya talaga ako ng Sadakong ito! Sinasagad na talaga niya ang pasensiya ko!

"Tssss! Tara na nga! Sinisira niyo naman ang araw ko!" Naiinis kong sabi at dinampot ang mga gamit ko at nagpatiunang lumakad. Sumunod naman ang mga loko, kaso naririnig ko ang panay bulong nila at sinusundan ng halakhak!

"Seriously Vincent, mukhang ang lakas ng tama ni Zoila sa 'yo ah," natatawang turan sa aking Ben. Eto ang pinakagrabe kung mang-asar sa akin.

"Gusto ko sanang sabihin sa inyo dati pa, na may napapansin akong kakaiba kay Zoila. 'Yung laging nandiyan siya kung saan tayo," sabi ni Hans. Nyemas pati ba naman ikaw?! "Pero hindi na natin kailangang malaman pa iyon dahil lantaran na ang ginagawang pagpapa-cute niya kay Vincent."

"Hay salamat! Ang akala ko ng dati ako ang sinusundan ni Zoila. Kinikilabutan ako!" Natatawang sabi ni Ben.

"Sos! Ang sabihin mo sobra ka kung maka-assume! Hahaha! Si Vincent ang crush ni Zoila!" Si Sebastian. "Akala mo lahat ng babae may gusto sa 'yo."

"Sebastian the crab! Bitter ka lang!" Tugon nito.

"Hindi noh!" Todo tanggi naman ni Sebastian.

"Hoy Vincent!" Hinila ni Eryl ang backpack ko. "Tss!" Yun lang ang isinagot ko! Naiinis na kasi ako sa Zoila, Zoila, Zoila, Zoila at marami pang Zoila! Naalibadbaran na ako sa pangalan niya!

"Ang tahimik mo naman Vincent! Hahaha ang pikon mo talaga!" Tinawan ako ni Eryl. P*nyeta! Mag-wo-walk out na talaga ako ngayon.

"Huwag ka naman masyadong harsh kay Zoila Vincent, mukhang mabait naman ang Sadakong sinasabi mo," seryosong sabi ni Sebastian.

The Untold Story of Vincent [completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن