XX Finale

10.8K 227 17
                                    

The untold story of Vincent

Written by: Kimmy

Chapter XX (FINALE)

A/N: this is the finale of their love story, pero susulpot parin sila sa book 3, The Father of my Baby. Sisimulan ko na ba C1 ni Sebastian at Charlotte? Hihihi

-oOo-

SEBASTIAN~

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Zoe, I guess galit parin siya sa akin.

Masama ba kung hihilingin ko iyon sa kaniya? But then again I lover her, kaya handa akong tanggapin kung ano man ang kagustuhan niya.

"Are you still mad at me?" I muttered, looking at her in my rear view mirror. Nasa labas ang kaniyang tingin, waring may iniisip na hindi ko mabasa sa kaniyang mukha kung ano nga ba iyon. When I had no answer from her, ginagap ko ang kaniyang kaliwang kamay sanhi na siya'y napakurap, para bang napaso siya sa aking paghawak. Tiningnan niya ako, blangko parin ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.

"I'm sorry..." I whispered, throwing a gaze at her, "are you still mad at me?" I asked for the second time. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"I... I don't really want to talk about anything sa ngayon Basty..." She murmured, she brushed her hair with her bare hands. I think it really bothers her a lot, yung mga sinabi ko.

"Don't worry... Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talagang i-give up ang iyong pagiging doktor." I calmly said, kahit nasasaktan ako pero I'm willing to sacrifice for her, all because of love.

"Basty... Please..." Nasa kaniyang boses ang pagsusumao. "Ayoko munang pag-usapan ang kahit na anong bagay... Not this time."

I don't really know what's the problem, pero kung ayaw talaga niyang pag-usapan, it's okay... Nag-iba ang ambiance, there was silence between the two of us. Kahit pa mainit sa labas, pakiramdam ko mas lalong lumamig sa loob ng kotse.

I heard Zoe cleared her throat. "Basty..." She called out my name. Mas ikakabuti kung ihinto ko muna ang sasakyan nang makapag-usap kami ng mabuti.

"Sandali..." I answered, naghanap ako ng lugar kung saan ko pwedeng iparada ang aking sasakyan. Pumihit ako para harapin siya, then I saw her...

Zoe is crying...

"Hey..." Agad ko siyang nilapitan para aluhin, but she pushed me away. "What's wrong?" Nag-aalala na talaga ako.

Pinahid niya ang kaniyang mga luha gamit ang sariling palad. Yumuko siya habang nilalaro ang mga daliri sa kamay. "Basty... I need space..." She said. Is she breaking up with me?

"What?" Napaurong ako paatras. "Are you breaking up with me? We're getting married soon Zoe!"

"Please... I need time to think..." She cried.

"Why? May nagawa ba akong kasalanan? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. D*mn! Ano ba ang nangyayari?! "Is it because of what happened the other day? Yun ba? Hindi na kita pipilitin kung gusto mo parin ang iyong trabaho. God! Zoe! Wag ganito!"

"No! No!" She shook her head. "This isn't about us Basty... It's all about me!" Zoe almost shouted.

"What is it about you? Bakit hindi mo masabi sa akin Zoe?" Nagiging desperado na talaga ako.

"Please Basty!" She cupped my face. Mariin niya akong tinitigan sa mata. "Please..." Parang sasabog ang puso ko. She rested her forehead to mine. Kitang-kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha, I can sense her deep sadness. "Please..." She whispered again.

The Untold Story of Vincent [completed]Where stories live. Discover now