/18/ Isaw

179 20 2
                                    

CHAPTER EIGHTEEN:
Isaw

ART

Alas kwatro na nang umaga nang ako ay magising, mahimbing parin ang tulog ni Ash sa kama at napagdesisyunan ko nang bumaba upang magluto nang pang-umagahan namin. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw kaya naman inunahan ko nang buksan ang bawat bintana sa baba at iniayos ang amg kurtina.

Sunod kong inasikaso ang takure at sinalinan ito nang tubig galing sa gripo. Ipagtitimpla ko nalang nang kape si Ash para kapag bumangon na siya ay may maiinom na siya bago ko pa matapos ang pagluluto. Sunod kong inilabas ang ham, hotdog, at pancit canton upang lutuin ito para sa aming umagahan.

Mayamaya pa ay narinig kong may naglalakad sa hagdanan kaya naman napalingon agad ako.

"Art, ang aga mo namang gumising..." medyo paos niyang sinabi at kinukuskos ang kaniyang mga mata. "Four o'clock palang ah..."

"Pasensya na Ash kung nabigla ka sa paggising, ganito talaga yung oras nang gising ko kapag may pasok, tsaka maaga din talaga yung kailangang punta natin sa school." paliwanag ko.

Nang makababa siya at umupo sa sofa na inaantok pa ay bigla niyang napansin na wala na siyang tshirt na suot.

"Art, bakit wala akong damit?" nagtataka niyang sinabi.

"Hindi mo alam yung ginawa mo kagabi?"
"Hindi, hinubaran mo ba ako?" tanong niya at ngayon ay nagtataka parin siya.

"Hindi ah, bigla kang bumangon tapos naghubad ka nang tshirt. Tapos bigla mong sinabing naiinitan ka." Saad ko dahil ayun naman talaga ang nangyari kagabi. Hinahango ko na ang mga pagkain na aking naluto at sunod na inilagay sa isa pang lutuan ang pancit canton.

"Hays... Grabe hindi ko manlang pansin..." tugon niya at humiga nang diretso sa sofa.

Hindi ko nalang din sasabihin na pumaibabaw siya sa akin habang natutulog at parang bata sa sobrang likot. Halos hindi na nga din ako nakatulog dahil sa ginawa niya kaya napagdesisyunan ko nang bumalik kagabi sa bubungan at tapusin ang landscape na hindi ko naituloy kahapon. Natulog naman kaagad ako nang matapos ko iyon dahil sobrang bigat na nang mata ko noon.

"Ang payat mo pala 'no... pero bakit ang takaw mo?" pabiro kong itinanong sa kaniya habang nakahilata sa sofa.

"Matakaw na ba ako, Art?" tanong niya habang nakapikit.

"Oo, halos lahat na yata kinakain mo eh." sinabi ko habang hinahalo ang pancit canton sa pinggan.

"Hoy hindi naman lahat, may hindi pa naman ako nakakain..." marahan niyang ipinaalam sa akin habang hinahati ko nang maigi ang parte niya sa pancit at sa akin.

"Ano pa ba yung hindi mo nakakain?" seryoso kong itinanong.

"Ikaw."

Halos maipatak ko sa lamesa ang dalawang tinidor na hawak ko at napahinto ako sa pag-aayos.

"ISAW! Isaw pala, isaw yun..." nakapikit niyang sinabi habang nakahawak sa noo niya. Nakahilata padin siya sa sofa at tila hindi ninanais na bumangon dahil sa inaantok pa siya. "Hindi pa kasi ako kumakain nang isaw... Isaw yun..."

Pinipigilan kong tumawa dahil sa mga sinabi niya ngunit wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga nalang.

"Hindi ka pa nakakakain nang isaw?" tanong ko.

In Time (COMPLETED) (BXB)Where stories live. Discover now