/15/ Remembrance

214 20 2
                                    

CHAPTER FIFTEEN:
Remembrance

ART

Natapos kami sa paglalaro at nanalo ako sa unang laban, kitang kita ko sa mga kilos niya na hindi niya ginustong matalo at parang nagsisising kinalaban pa ako. Tumayo siya at akmang maglalakad papalayo. Pinigilan ko siya at siya ngayon ay nakatitig sa akin na tila ba nadismaya.

"Oo na, anong ipapagawa mo sa akin?" nasa mababang tono niyang sinabi.

"Irereserba ko nalang yung ipapagawa ko sayo mamaya." tugon ko dahil ayokong dito naming gawin ang ipapagawa ko sa kaniya.

"Ano ba kasi iyon?" tanong niyang muli.

"Akin nalang muna 'yon, mamaya mo nalang malalaman." paliwanag ko at inabot muli ang kaniyang kamay. "Tara naman dun sa basketball." anyaya ko.

Parang mabigat ang loob ni Ash kaya naman gumawa ako ng paraan para mawala iyon.

"Ganito Ash, kapag natalo mo ako sa game na ito, gagawin ko naman ang gusto mong ipagawa sa akin." sinabi ko at ako ay ngumiti.

"Seryoso 'yan ha.."
"Oo naman, wala ka bang tiwala sa akin?"
"Malapit na akong mawalan ng tiwala sayo." naiinis niyang sinabi.
"Maniwala? Hinayaan mo nga kong matulog sa tabi mo tapos mawawalan kapa ng tiwala sa akin?" panunukso ko.

"Sayo kasing kama 'yon, baka kasi may masabi ka pa kapag hindi kita pinahiga doon." naiirita niyang sinabi.

"Sus, ewan ko sayo..." Kumuha ako ng isang bola at ibinigay ito sa kaniya. "Mauna kana sa pagtira, pagbibigyan kita."

Kinuha niya ang bola at nagsimula nang magshoot ng mga ito. Talagang pursigido siya sa paglalaro at ngayon ay nakikita kong nakaka pitong score na siya. Napagdesisyunan kong maglaro na din pero babagalan ko lang para maging mas mataas padin ang score niya sa akin.

"Ang bulok mo namang magpasok!" pabiro niyang sinabi sa akin kahit siya ay pinagpapawisan na.

"Makikita mo nalang kapag naipasok ko itong bola ko." pabiro ko din sinabi habang parehas kaming nalundag upang maishoot ang mga bola.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang oras na nakalaan para sa aming paglalaro at nakita kong lamang siya sa akin ng apat na scores.

"Pano ba 'yan, nanalo ako!" pagmamayabang niyang sinabi. "Mukhang kailangan mong sundin ang sasabihin ko ah."

"Sige na, ano iyon?" tanong ko habang pinupunasan ko ang aking pawis.

"Para quits na tayo, huwag mo nalang gagawin yung ipapagawa mo dapat sakin mamaya." sinabi niya at napangiti nalang ako. Sayang, hindi ko magagawa sa kaniya yung gusto kong ipagawa ko kay Ash.

"Ang duga mo naman eh, hindi ko tuloy maipapagawa yung gusto kong ipagawa sayo." paliwanag ko.

"Anong maduga? Basta patas lang..." saad niya. "... May isa pa tayong kailangang puntahan." sinabi niya at itinuro niya ang mga kwarto na para sa mga videoke.

"Ako pa talaga yung hinamon mo sa kantahan? Eh hindi nga ako magaling doon."
"Alam kong magaling ka Art kaya hinahamon kita..." saad niya.
"Anong gagawin naman natin sa loob?" tanong ko.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon