“Wow, parang ngayon lang may baby na ngumiti sa akin.” Sabi ni Cyrus.

“Yes, mas madalas na siyang ngumiti ngayon.” Sabi niya at inilagay ang baby basket sa loob ng opisina niya kasama ang ibang gamit pa nito.

He should get a new bassinet na pwedeng ilagay sa opisina niya sa tuwing dadalhin niya r’on si TJ. Sa mga kasunod na buwan ay sikip na si TJ sa baby basket na dinadala niya.

“Baby! Hello, baby.” Si Karen iyon mula sa likuran nila. Gaya ni Cyrus ay nginitian din ni TJ si Karen. “Sobrang cute mo talaga.”

“You’re in a good mood, Cosmos?”

TJ squealed again and smiled at him. Lumawak pang lalo ang ngiti niya nang hawakan ni TJ ang pisngi niya.

“Napaka cute niyo. Nasaan ang baby mama?” Tanong ni Karen.

“Oh, nasa Cebu. Anyway, I need to call her.” Sabi niya at marahang tinulak si Karen palabas ng opisina niya. Iniupo niya si TJ sa kandungan niya habang nakasandal ito sa kanya. It is easy to know what to do lalo pa at kung may baby book ang anak mo at doktora ang asawa mo. Lahat ng development at kailangang gawin ay nakasulat doon, babasahin mo na lang.

Nag request siya ng video call kay Hannah at agad itong sumagot. TJ smiled and squealed again when he saw Hannah’s face on the screen.

“Hi, my love. How are you? Are you in Daddy’s office?” Tanong ni Hannah at nakatitig lang siya rito.

God, she’s so beautiful.

“I miss you already, hindi nakatulog si Nanay kagabi.”

“I think he knows you’re away. Nakailang gising din siya kagabi, palagay ko ay hinahanap ka niya.” Sabat niya.

“Sa crib ba siya natulog last night?”

“No, sa living room kami natulog na dalawa kagabi.”

“Bakit? Pwede naman kayo sa kwarto, mas komportable r’on.”

“Well, if you’ll allow me there …”

“It’s fine, Tom, for Jabril. Pwede niyong gamitin ‘yung kwarto.”

“Okay.”

“Magtatrabaho ka ba ulit bukas?”

“No, I’ll take a leave of absence. Friday naman bukas at ayaw ko ring ibyahe ng ibyahe si TJ, bago mapagod siya sa byahe.”

“Oh, okay lang naman if d’yan kayo mag stay sa bahay mo kung may trabaho ka pang gagawin. I hope he’s not too much of a bother.”

Sa bahay mo. That used to be your house too.

“Hannah, he is my son too. He doesn’t bother me. I’ll never be busy kung si Jabril ang involve. I always have time for my family.” Sabi niya rito.

Even for you.

“Thank you, Tom.”

“No, thank you for letting me.”

Tumango lang si Hannah at inilipat na nitong muli ang atensyon sa anak nila.

He will forever be thankful to Hannah for letting him know his son. Hindi niya alam kung ano talagang dahilan kung bakit hinahayaan siya nito, pero habang buhay niya iyong ipagpapasalamat kay Hannah.

“Have fun in Dad’s office and behave. Okay, my love?” Sabi ni Hannah sa anak. “Uuwi rin ako kaagad after ng seminar.”

“Do you want me to pick you up?” Alok niya rito.

Counter PlayWhere stories live. Discover now