-

Habang nagmamaneho siya ay nasa backseat lang si Hannah at TJ. Humihikbi pa rin si Hannah at yakap nito si TJ. Habang ang maliit na tao ay tila hindi naman naiintindihan ag ihinihikbi ng ina dahil nasa labas sila. Mas masaya ito sa katotohanang nasa labas ito.

Malikot ang binti ni TJ at ihinahampas din nito ang dalawang kamay sa bintana ng sasakyan.

Nang dumating sila sa ospital ay ibinaba niya ang mga gamit ni Hannah.

“Call me later please.” Bilin ni Hannah. Nang tumango siya ay iniabot na nito sa kanya si TJ.

“Hey, have fun and relax.” Sabi niya bago pumasok si Hannah sa loob ng ospital. Umalis na rin sila ni TJ at pumunta sa pharmacy para sundin ang bilin ni Hannah.

-

Alas otso ng gabi ay nag ring na ang cellphone niya. Si Hannah na ang tumatawag sa kanya.

“Hey, nasa Cebu ka na?” Tanong niya.

“Yes, kakarating lang namin. Si TJ?” Tanong ni Hannah.

“He’s asleep.”

“Oh.”

“Yes, pero baka magising din siya mamaya, mahigit isang oras na siyang natutulog.”

“Okay. I’ll call again later.”

“No, get some rest first. I’ll text you once he’s awake.”

“Sige, salamat.”

“No problem. Nag dinner ka na?”

“Hindi pa, mag d -dinner pa lang kami.”

“Okay, mag dinner ka na and get some rest.”

“Thanks.”

Naririnig niya sa background ang mga kasamahan ni Hannah na tinatawag ito pero nanatiling hindi napuputol ang tawag.

“Hannah?” Untag niya rito.

“Yes?”

“Thank you, and I’m sorry.” Sabi niya rito.

“I should go, please call me kapag gising na si Jabril.”

“Sure, have fun.”

He sighed and smiled sadly at their baby. He's happy they have Jabril now, but he's hoping to have Hannah too.

“You know what, son, you’re like the cosmos, you and mom. You’re my cosmos. Your mom likes it when I compare her to something like that.”

Hinawakan niya ang maliit kamay ni TJ at hinalikan iyon. Napangiti naman siya nang humigpit din ang munting kamay nito saa daliri niya.

“Gising ka na mamaya, ‘nak. Baka umiyak na ang Nanay mo kapag di ka nakita ngayong gabi.”

At iyon nga ang nangyari, nang mag message siya kay Hannah at nag set ng video call dito ay teary eyed na ito nang makita si TJ. Para namang nanibago ang anak niya dahil nasa screen lang ang mukha ng ina, pero humahagikhik pa rin ito sa tuwing tatawagin ang pangalan.

He and TJ were both staring at Hannah’s face. At may palagay siyang mas magiging excited siya kaysa kay TJ sa mga video calls na gagawin nila ni Hannah kahit pa ba ang anak nila ang dahilan.

-

Kinabukasan ay bitbit niya si TJ sa opisina. Gising ang anak niya at mukhang excited itong pumasok doon. Maigi pa ito, excited mag trabaho.

Si Cyrus pa lamang ang naroon ng dumating siya.

“Morning boss. Hey, little guy. Mas malaki ka na ngayon.” Sabi ni Cyrus at ngumiti si TJ dito.

Counter PlayWhere stories live. Discover now