/17/ Goodnight... Art

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit naman gusto mong malaman?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang kasing malaman kung ano yung nagustuhan mo sa akin dahil feeling ko kasi, hindi ako deserving magustuhan ng kahit sino..." nakatitig siya sa akin pati na rin sa madilim na kalangitan. "Never pa kasing may nagkagusto sakin kaya nabigla ako dun sa sinabi mong may gusto ka na sa akin."

"uhhh, ganito kasi iyon Ash... Nung una kitang nakita sa school, parang ang gaan na kaagad ng pakiramdam ko sayo." agad kong ipinaliwanag at isinantabi muna ang malapit ko nang maiguhit sa sketchpad. "Sa totoo nga lang, hindi talaga ako tulog noon... Nakita kitang nakasubsob sa likuran ng classroom kaya napag-desisyunan ko na ding kunwaring natutulog para kung sakaling makita ka ni Mam, hindi lang ikaw yung mapapagalitan..." sinabi ko at nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang nalaman.

"Seryoso ka? Kunwaring tulog ka lang noon?" tanong niya habang nakalagay parin ang ulo sa aking hita.

"Oo, mapapagalitan ka kasi nang husto at mapaparusahan ka lang mag-isa kapag nagkataong hindi ako nagtutulug-tulugan..." sinasabi ko habang nararamdaman ang simoy ng malamig na hangin. "Hindi ko din malalaman yung pangalan mo kung hindi tayo nagsama sa labas ng room para balansehin yung mga libro..." paliwanag ko.

"Hindi mo pa naman sinasagot yung tanong ko talaga eh..." sinabi niya at ako naman ang napangiti nalang sa sinabi niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko at ngumiti sa kaniya.

"Kanina ko pang gustong malaman, Art." ani ni Ash.

"Ang tanging nagustuhan ko sayo, eto ha walang halong biro at pangiinsulto... Yung nagustuhan ko sayo ay yung pagiging cute mo lang sa mga bawat kilos mo..." lakas loob kong sinabi. "Tsaka hindi ko alam pero gandang-ganda ako sayo..." dagdag ko at hindi ko alam na lumabas iyon sa aking mga labi.

"Talaga? As in ayun yung mga nagustuhan mo sakin?"

"Oo, pati na rin tinuturing kita bilang nakababatang kapatid..." tugon ko.

"Hindi ba masyadong mabilis yung panahon para magustuhan mo ako?" tanong niya.

"Kapag kasi mahal mo yung isang tao o kaya naman gusto mo siya, hindi na dapat pinapatagal pa... kung sa tingin mo ay tunay at totoo ang nararamdaman mo para sa kaniya..." paliwanag ko at nagsisimula nang maging mahamog ang paligid.

"Hindi ko din kasi alam kung anong gagawin kong response sa nararamdaman mo para sa akin, hindi ko pa din kasi alam kung paano mainvolve sa ganitong sitwasyon..." paliwanag niya habang pinapakisuyo niyang masahihin ko nang marahan ang kaniyang ulo at buhok.

"Pero kung ikaw ang tatanungin ko Ash, may posibilidad din bang magkagusto ka sakin?" tanong ko.

"Hindi ko alam... Oo siguro, ewan..." Kahit alam kong hindi padin siya sigurado sa isasagot niya, ramdam ko na kahit papaano na nagbibigay siya ng pag-asa sa akin. Hindi pa siguro talaga siya handa. "Hindi naman din kasi natin malalaman ang panahon eh..."

"Pero kung papipiliin lang kita sa 'Oo' at 'Wala' , may tsansa bang magustuhan mo rin ako?" matapang at seryoso kong sinabi kahit nilalabanan ko ang aking kaba.

"Wala..." tila tumusok sa akin ang kaniyang sinabi nang bigla ulit siyang magsalita.

"Wala akong ibang pipiliin kundi 'Oo'."

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon