‘Yung tipong, hindi nila iniintindi ang nararamdaman ng isang tao.Walang pakealam.’Yung tipong sila lang ang masaya kahit na yung taong pinagtatawanan nila, nade-deppressed na.

“Ianna?”

Napalingon siya sa kaniyang likuran at doon nakita niya si Shatile na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Nasa likod siya ng isanmg building. Hindi niya alam kung papano siya nasundan nito at kung bakit siya kinakausap nito.

“S-shatile? A-anong ginagawa mo dito?” humihikbi niyang saad. Nilapitan naman siya nito.

“Bakit ka mag-isa, okay ka lang?” nagtataka siya, bakit ba siya nito kinakausap?

“H-ha? N-naku huwag mo kong kausapin, p-pag nakita ka n-nila, a-awayin ka ng mga yun.” Tukoy niya kina Elai. Ayaw niya rin kasing idamay pa si Shatile sa problema niya.

“Kahit naman hindi kita kausapin, Ianna, binubully parin nila ako, e” malungkot nitong saad saka humarap ito sakaniya. “Pasensya kana, Ianna ha, kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ka. Gusto kitang maging kaibigan, Ianna.”

“Pero—”

“Malapit na ang graduation day, ‘di ba dapat ay maging mag-kaibigan na tayo?” Tama si Shatile, isang buwan nalang ay graduation na nila. Next week nga ay mag sisimula na ang kanilang practice para sa graduation. “Huwag mo nalang pansinin sina Elai. Huwag kang papaapi, Ianna. Everything will be alright soon.”

Dahil sa sinabing iyon ni Shatile ay para bang nagkaroon siya ng lakas ng loob.

“Salamat, Shatile. Hindi ko talaga inaasahan ang paglapit mo.”

“Bakit naman hindi? Tara na sa classroom? Kailangan pa nating gumawa ng ating speech sa graduation.” Pag-aaya nito. Oo nga pala, ito ang valedictorian at siya naman ang salutatorian, kailangan nga nilang gumawa ng speech nila.

Hindi pa naman tapos ang 4th grading pero sinigurado na nang teacher ang mga ranks nila.

Mabuti nalang nandiyan si Shatile, kahit papano, hindi niya naramdaman na mag-isa siya. Sabay silang pumasok sa classroom ni Shatile kaya naman nakita nilang napataas ang kilay nina Elai at Lynna ng makita sila ng mga ito.

“Oh my gosh! Look guys, nagsama ang malandi at ang pangit!” halakhak ng mga kaklase nila ang naririnig sa buong classroom. Nakita naman niya ang pagkuyom ng palad ni Shatile kaya hinawakan niya ito.

“Huwag mo nalang pansinin, Shatile.” Bulong nito. Ayaw na rin kasi niyang mapaaway pa ito.

“Hoy Ianna! Balita ko, ikaw raw ang salutatorian?” napalingon naman siya kay Lynna. “You know what girl, huwag ka nalang umattend sa graduation! Magiging madumi lang ang stage!”

“Atleast ako ang Salutatorian at si Shatile ang Valedictorian, Lynna. Eh ikaw?” ngumisi siya at taas noong saad niya.

“Anong sinabi mo?” Galit na napatayo si Lynna.

“Ang sabi ko mga bobo kayo. Ano bang pinaglalaban niyo? Yang mga ganda at yaman niyo? Ikaw Elai, hindi kapa ba sawa sa pag aastang mayaman mo? Kahit anong pag-papaganda at pagkukunwari mo, nilalangaw parin ang YT-channel mo!” dagdag niya. Mabuti nalang talaga at nandiyan si Shatile para iparamdam na kahit papano wala siya sa ibaba. Sabi nga nito, huwag dapat magpa-api.

Akmang susugurin na sana siya nito ngunit biglang pumasok si Teacher Zeffy kaya naman ay umatras ito. Nginisian niya si Elai at lihim silang nagtawanan ni Shatile. Kulang nalang ay umusok sa galit ang ilong nito.



***



KINABUKASAN kitang-kita ni Elai kung papano magtawanan sina Shatile at Ianna sa labas ng classroom nila. Break time nila iyon at naiwan sila ni Lynna sa loob ng classroom. Naiinis siya dahil nakikita na naman ni Elai ang mga ngiti ni Ianna, pati na rin si Shatile.

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now