KABANATA XII: Pikit-mulat

Start from the beginning
                                    

"Ano nga? Tungkol saan?" pagtumbok nito.

"A-Ano, m-may napapanaginipan kasi ako, wala akong makita tanging boses lang 'yung naririnig ko. That was mine a-and Aya's." pag-utal ko kung kaya't napakunot na lamang ang noo nito nang tiningnan ito. "I was right ganyan nga talaga ang magiging reaksyon mo." dagdag ko pa't napailing na lamang ito sabay paghinga ng malalim.

"O-Okay fine, s-sorry. Sige, pakikinggan muna kita." pagbigkas nito at napasandal na rin lamang sa upuan nito.

"Tsk. Wala eh, hindi naman ganoon kaklaro 'yung mga salita na parang bumubulong sa tenga ko. It was just like memories that we've been through." pangungusap ko't napapatango na lamang ito. "H-Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ko 'to naririnig o napapanaginipan." dagdag ko pa't napapapisil na lamang sa ulo ko.

"Sabihin mo nga sa'kin Lance, iniisip mo pa rin ba siya?" tanong pa ni Jim na nagpatigil sa aking pagkuyakoy.

"Oo at para bang hindi siya mabura-bura sa isip ko and here comes---" sagot ko kung kaya't hindi na ito natapos nang nagsalita agad ito.

"Czea?!" pagpanguna niya sa akin.

"Y-Yes! And Jim, I'm pretty sure, she is Aya." pagdiin ko't napapailing na lamang ito.

"Lance, makinig ka. Matagal nang umalis si Aya. Sa tingin mo babalikan ka pa niya? And if that happens, imposibleng mangyari 'yon dahil kinalimutan ka na niya at dapat kakalimutan mo na rin siya. It's been six years bro, think of that." pangungusap muli ni Jim na para bang napapatango na lamang ako't napapikit.

"I know." simpleng sagot ko't ayaw na lamang palakihin ang usapan.

"Ganito na lang, if that Czea is really Aya. Pakilala mo siya sa'kin." bigkas ni Jim dahilan nito't napangisi ako.

"S-Sure. If there's a time." mapangisi kong sagot sa kanya. "Huwag mo na lang 'tong sabihin kay Rex. Ayoko na lang magsalita. Hindi niya naman din kilala si Aya." dagdag ko pa at ito'y napatango naman.

"No problem bro." simpleng sagot niya.

Sa gitna ng palitan ng mga pangungusap, tumunog ang telepono ni Jim dahilan nito ang pag-antala ng usapan namin. Sinagot at tumayo.

"Sandali, I'll just take this call." bigkas ni Jim at napatango na lamang ako.

Tila bang pinatuloy na lamang ang pag-aayos ng mesa't napapaisip na naman muli. Pikit-mulat ng mga mata't napapatingala na lamang.

"Bro, aalis na pala ako, pasensya na. Tumawag kasi si Lara eh, kakain daw kami sa labas." bigkas ni Jim at napatango na lamang muli.

"Okay lang, parang ano naman 'to---" ani ko.

"Sama ka?" pagtatanong nito't napangisi na lang.

"Tangina, date niyo 'yan bro. Sige na, hinihintay ka na ni Lara." wika ko at napangisi rin ito.

"Sige, mauuna na ako." bigkas niya pa't tuluyang lumabas ng opisina.

Naiwan muling mag-isa, napag-isipang umalis na lamang din at magtungo sa baybay. Kailangan ko ng sariwang hangin at mag-iisip na lang muna ng maayos.

Agad na tumayo, bitbit ang bag at ngiti sa labi. Tuluyang lumabas ng opisina't dumiretso sa elevator.

Pumasok rito sabay pindot ng buton. Hinihintay na bumukas upang bababa sa unang palapag.

Tuluyan ngang bumukas sabay paglabas ng elevator at tumungo na sa parking area. Ngunit sa pagtapak ng aking kaliwang paa'y bumungad ang nakatayong si Direk Art sa aking daraanan.

"Mr. Director, gara natin ngayon ah." bigkas nito't hindi na lamang pinapansin sabay diretso na sa parking lot.

"I don't have time with your compliments." sagot ko na lamang at tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad habang ito'y sumusunod sa aking dinaraanan.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now