"A-ano? Hindi pa ako patay? Teka ano ba ang lugar na ito? At ano pa ang aking misyon?"- sunod sunod kong tanong at bahagya naman siyang natawa.

"Una. Oo hindi ka patay. Pangalawa. Ang lugar na ito ay kakambal ng Sapphire world. Ito ay Golden Diamond world ngunit hindi mga katulad ng Sapphire ang mga nanirahan dito. At pangatlo hindi pa tapos ang laban sa Sapphire world. Kailangan mo pang gabayan ng mabuti ang iyong mga anak."- aniya sa akin.. Aminin ko na labis ang saya na aking naramdaman ngayon dahil makakasama ko pa ang aking pamilya..

"Paano po ako napunta rito?"- tanong ko sa kanya.

"Kinuha kita."- sabi nito at iniwan ako.

Ilang linggo pa ang lumipas ay tuluyan ng nanumbalik ang aking lakas at ngayong araw naman ang aking pag babalik sa academy.

Nandito na ako sa portal kasama si Sapphira ang babaeng nagliligtas sa akin.

"Mag-iingat ka ,Dannaya."- sabi niya sa akin.

"Salamat. Maraming salamat sa iyo, Sapphira.."- sabi ko rin sa kanya at niyakap siya at pagkatapos ay pumasok na ako sa portal.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng Hm's office at bakas ang gulat sa mukha ni Hm habang nakatingin sa akin.

"Hi, Hm? Did you miss me?"- nakangiti kong tanong sa kanya. At ilang beses pa itong kumurap bago tumayo at niyakap ako ng mahigpit..

"Princess, nagbalik ka."- aniya sa nagagalak na boses..

"Yes, hm at gusto ko pong makita ang aking mga kasamahan."- sabi ko sa kanya kaya agad niyang tinawag ang next teacher ng royalties at sabay kaming nagpunta sa room ng royalties.

Pagdating namin sa room ay nauna ng pumasok ang guro habang naka ngiti.

"Class, may bago kayong kaklase... Introduce yourself, princess.."- sabi ng guro at bumaling sa akin. Kaya pumasok ako at nag pakilala.

"Hello I'm Dannaya Llenn Mendez"- sabi ko sa kanila at kita ko kung paano nagbago ang kanilang mga hitsura na siyang nagpapangiti sa akin.

"Yanna?"

"Nnell?"

"Dannaya?"-

"Princess!!!"- kanya kanyang sigaw nila..

Binaba ko naman agad ang aking hoodie at matamis na ngumiti sa kanila.

"Hai! Did you miss me?"- nakangiting kong tanong sa kanila.

Agad naman silang tumayo at dinumog ako ng mahigpit na yakap ni kuya.

"Thank you nag balik ka kapatid ko.."- sabi ni kuya sa akin at binitawan ako.

Agad namang lumapit si Flame sa akin at hinalikan ako sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Mahal ko..."- sabi ni Flame..

"Kamusta ang mga anak natin?"- tanong ko sa kanya.

"Ayos lang naman.. Hinanap ka nila..."- sagot nito sa akin.

"Mommyyy..."- napalingon kaming lahat sa bagong dating. 

"Cristel, Cristan bakit kayo narito?"- tanong ni Flame..

"Because we sense mommy so we're here... mommy..."- sabi ni Cristel...

Nang makita ko ang aking mga anak ay kusang tumulo ang aking maga luha at niyakap ko sila ng mahigpit.

End of flash back

"Wow maganda ba talaga doon, mommy?"- manghang tanong ni Cristel.

"Oo, napakaganda talaga."- sagot ko.

"So, hindi niyo po nakita ang mukha ni Sapphira ,mommy?"- tanong naman ni Cristan.

"Hindi dahil hindi naman pwede. Now matulog na kayo masyado ng late.. Kayo rin magpahinga na kayo."- sabi ko sa aking mga kasamahan.

"Oo nga. Good night guys.."

"Good night."

"G'night"

Nakatulog na ang kambal kaya kami na lang ni Flame ang gising.

"Welcome back, mahal ko.. G'night. I love you."- sabi ni Flame sa akin at hinalikan ako sa labi.

"G'night. I love you too, Flame."- nakangiting sabi ko sa kanya at pinikit ang aking mga mata.

---------------

So this is the Prologue of Sapphire Academy book2.. Hope you like it...
Pasensya na rin sa typos.. Love you all...

Latest book cover i used was made by my bestfriend roeyLovesMe

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now