Chapter 17

1K 17 0
                                    

Kim's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na malayo na si Jill. Parang hindi ko yata kayang mawala siya sa akin ng ganong katagal. Dalawang taon? Dalawang taon kaming hindi magkakasama? 

Ang akala ko kakayanin ko. Pareho naman kaming nag extend ng effort  para magkasama kami nung may oras pa. Every week kung hindi siya ako ang napunta sa kanila para magkasama kami. Naging close na nga ako kay Tita dahil sa dalas namin pagpunta sa kanila. Siguro kung may isang bagay na hindi ko inaasahan ay yun yong naging tanggap na ni Tita ang relasyon namin ni Jill. Nakita naman niya kung gaano kamahal ang anak niya. At nakita rin niya kung gaano ako kamahal ni Jill. At pareha kaming masaya. Hindi nga ba ang number one na wish ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang kaligayahan ng mga ito.

Kahit nung una parang hindi ko gusto ang gagawin niya, ayoko naman maging selfish. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi niya nakamit ang kanyang pangarap. at ayokong dumating ang time isumbat niya sa akin ang mga bagay na iyon. Para rin naman sa kabutihan niya ang gusto niyang  gawin. Sino ba naman ako para pigilan ang aking pinakamamahal.

Hanggang ngayon sariwa pa rin sa aking alaala ang huli namin eksena sa air port. Ako ang naghatid sa kanila ni Tita. Halos madurog ang puso ko habang ko sa mga oras na iyon. Ayaw ko ng bitiwan pa siya at hayaang lumayo sa akin. Siguro kung sarili ko lang ang iniisip ko sa mga oras na iyon baka hindi na siya nakasakay ng eroplano. Itinakas ko na siya. Nagpakalayo layo na kaming dalawa.

Ganon ba talag pag nagmahal? Lahat ng sakit kaya mong tiisin para lang sa taong mahal mo. May mga bagay ka na hindi mo alam na kaya mo palang gawin until such time. Magugulat ka na lang na nagawa mo na pala.

Hindi ko ikakaila, oo natatakot ako sa maaaring mangyari. Masydong mahaba ang dalawang taon. Natatakot ako na baka habang naroon siya sa malayo ay malimutan na niya ako. Yun lang naman ang isang ikinakatakot ko ang mawala siya sa akin. Ako na maraming insecurities sa katawan. What if makahanap siya ng iba habang nasa ibang bansa siya?

"Kim ano ka ba? Huwag kang gumawa ng sarili mong multo," saway ni Kim sa sarili. 

Madalas namamalayan na lang niyang tulala siya sa isang tabi at laging lumilipad ang isaip.

"Ganito rin kay si Jill?." ang lagi niyang tanong. "Naiisip kaya niya ako ngayon?"

"Kim....Kim...." narinig niyang tawag mula sa malayo.

Mabuti na lang at may mga kainigan siyang nakakatulong makabawas sa lungkot na nararamdaman niya ngayon.

Ito ang mga lagi niyang kadamay kapag kailangan niya ng kausap. Lalo na si Tina. Lagi lang itong nasa tabi niya pagkailangan niya ng kasama.

 May pupuntahan nga pala sila ngayon ni Tina. Kailangan nilang bisitahin ang mga bagong punla sa green house. Agad na ring tumayo s Kim sapagkakaupo sa balkonahe at sumakay sa sarili nito ng bisekleta. Mabuti na lang at mahabang pang ibaba ang suot niya at hindi na niya kailangang magpalit. Inabot lang niya ang base ball cap na nakaabit may pinto at ready to go na siya.

"Mukhang malayo nanaman ang nililipad ng utak mo ha?" tukso nito sa kanya ng makalapit rito. "Lagi na lang ba talagang ganyan?"

"Hindi maiwasan, tara na," at nauna na niyang pinaandar ang bisekleta. HIndi naman nagtagal at sabay na sila ni Tina na nagpipidal.

"Nakapag usap na ba kayo?"

Alam ni Tina na bihira na kaming makapag usap ni Jill na cam to cam. Nasa magkaibang time zone kami. Idagdag pa na masyadong busy ang school life namin pareho.  Sa ngayon kontento na kami pareho sa mga text message and e-mail. Kuwento lang mga nangyari sa buong araw. Kamustahan. Sabihan ng feelings. Kung gaano na namin ka miss ang isa't isa. Naging on line diary namin pareho ang e-mail, since na magkahiwalay kami nakadetails na sa e-mail ang feeling namin pareho.

"The usual pa rin."

"Malalampasan nyo rin yan. Hwag kang masyadong depress dyan. Mahal ka non hindi ka ipagpapalit nun sa iba," words of encouragement mula pa rito.

Lately naging normal na kay Tina na ang pagbibigay ng words of encouragement na may kinalaman sa amin ni Jill. Lagi nitong ipinapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ni Jill, ei hindi ko naman nalilimutan yun. Ewan pero malaki ang ipinag iba nito mula ng magkausap sila ni Jill noon. Hanggang ngayon nga pareho nilang ayaw ipaalam sa aking kung ano ang pinag usapan nila. Sige ng dalawa ang may sikreto.

"O, saan ka na ba nakarating? Natahimik ka nanaman dyan," pukaw nanaman nito sa atensyon niya. "Karera tayo," hamon pa nito sa kanya. "Ang mahuli magtreat ng meryenda."

Mabagal nanaman ba akong magpatakbo at hinahamon nanaman ako ng karera nito?

"Sure."

May sarili kaming susi ng green house sa campus. Walang hassle sa amin na pasukin ang campus kahit walang pasok at may guard na nagbabantay. Kilala na kami nito dahil madalas ganito ang gawi namin, ang silipin ang aming mga tanin.

Sa kabutihang palad lahat ng mga punlang aming itinanim ay nabuhay naman. Kami na ang may green thumb! Maari na rin naming silang ilipat sa ibang taniman upang mapalaki ang maayos. 

 Matapos madiligan at maalisan ng mga munting damong nagsisimula ng tumubo ay iniwan na rin   namin ang gree house. Nagyaya na kasi si Tinang umuwi dahil ililibre ko pa siya. Oo natalo ako sa race.Lagi naman. Hindi ko nga alam kung bakit tinatanggap ko pa pag hinahamon niya ako ng karera e alam ko naman ang kalalaasan. Mabilis kayang mag bike yon kahit bako bako ang daan. 

Squidball and kwek kwek lang naman ang katapat niya o kahit na anong street food na available at tapos kahit na anong palamig na panulak.  

Sa bayan kami nakaraiitng na dalawa sa kahahanap ng makakain. Naglipana ang mga nagtitinda doon. Hindi na nika kailangang magtulak ng karito para makabenta sila na mismo ang nilalapitan. Hindi pa sila pagod sa paglalakad.

Sige lang eat all you can ang drama naming dalawa. Hanggat kayang kumain sige lang walang problema.

Parehong nakahiga ang aming mga bike sa damuhan habang busy kami sa pagkain ng kwek kwek at fishball.

"Lagi ka na lang talunan," aba nilebre mo na nga nakuha pang mangantiyaw.

"Ayaw mo non lagi libre meryenda mo."

"Kailan mo kaya ako matatalo?"

"Hwag kang mainip dadating din tayo don," ganti ko sa pang aasar niya. 

"Sige pa magkaroon na ng motivation na talunin ako, pagbibigyan kita. Kahit anong price na gusto mo ibibigay ko. Basta ba kaya ko. Ngayon palang mag isip ka na."

"Yabang mo talaga."

Kung kanina ay nag uunhan kami ngayon naman pauwi ay mabagal lang aming takbo.

Medyo dumidilim na rin kasi. Ikaw ba naman ang mawili sa panonood ng basket ball. Hindi na tuloy namin napansin ang oras.

"O, pano ba yan dito na ako,"ng makarating kami sa tapat ng bahay nila. "Ingat na lang pag uwi. Salamat nga pala sa meryenda."

"Sige na pumasok ka na," pagtataboy ko sa kanya. sigurado kasi iisa pa ng pang aasar yon bago kami maghiwalay.

"Inform mo na lang ako paghanda ka ng talunin ako."

Sinasabi ko na nga ba!

Mabuti na lang may naging kaibigan akong tulad ni Tina. Malaki rin ang naitulong niya sa akin lalo na kung nalulungkot ako. kahit papaano nalilimutan ko ang pagkamiss ko kay Jill kahit sandali kapag magkasama kami.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaWhere stories live. Discover now