Chapter 26

1K 17 0
                                    

Kim's POV

Totoo ba yung nakikita ko?

Si Ama at si Tita nag uusap?

"Bhe, tingnan mo o," turo ko kay Jill kung saan naroon ang dalawa at mukha namang masayang nag uusap. Nakangiti kasi si Tita.

Kanina nagulat ako nung kumain kami ng tanghalian. Akala ko hindi makikisabay si Tita sa amin at sa mga trabahador sa manggahan sa pagkain. Aba at nakisabay rin ito sa kamayan. Parang hindi ito ang kilala kong Mama ni Bhe. May katarayan kasi ang pagkakakilala ko don. Hindi pumasok sa isip ko na makakasabay namin siyang kumain na ganito ang set up.

Tama nga si Bhe, hindi dapat i-under estamate ang Mama niya.

"O, bakit?" takang tanong niya sa akin. Hindi yata nag gets ni Bhe ang gusto kong iparating.

"Ang Mama mo."

"Bakit? Ano naman si Mama?"

"Kausap si Itay."

"So?"

 "Nanay mo ba talaga ang kasamo mo? Parang hindi ako sanay na makitang ganyang si Tita. Nakakapanibago. Parang hindi ako sanay."

"Bakit ba? Ano ba akala mo sa Mama ko? Ang sama mo naman."

"Hindi naman.Naninibago lang ako. Hindi lag talaga ako sanay. Kailan pa natutung magkamay si Tita?"

Parang natawa pa si Jill sa tanong ko. Gusto ko lang naman malaman. Hindi naman siguro masama magtanong. Kung tutuusin wala nga akong alam tungkol sa Mama niya. Ikaw ba naman maglalakas ng loob magtanong kung alam mo na may taglay nakatarayan ito. Natural hindi di ba. Takot ko na lang.

Masaya pa ring nagkukuwentuhan sina Itay at Tita. Ano kaya ang pinag uusapan nila?

"Di ba sabi ko sa'yo do not under estamate my Mom. Marami kang hindi alam sa kanya."

"Do you mind fill me in. Para naman kahit papaano makilala ko ang soon to be biyenan ko."

"Soon to be biyenan talaga ha?!"

"Oo naman. Come on, tell me something about my biyenan."

Oo nga. Hindi ko nga alam ang mga bagay na ikinuwento sa akin ni Bhe. Kaya naman pala naging ganoon si Tita. Ngayon medyo naiintindihan ko na kung bakit ganon ang ugaling pagkakakilala ko sa kanya. Kung bakit galit siya sa mga katulad ko. Noon. 

May karanasan din pala sa sa tulad ko. At hindi maganda iyon. Kaya naman ganon na lang ang hindi niya pagkagusto sa mga kadugo ko. Maiintindihan ko na siya ngayon. At handa akong patunayan na hindi lahat ng les ay ganon. Meron din naman matino na katulad ko. At handa kong patunayan iyon.

Matagal ko na ring pinag iisipan. Gusto ko ng magpropose kay Jill. Ayaw ko ng mawala pa siya sa akin. Sabihin na nilang madamot ako wala kong paki. May nabili na rina kong ring na may initial namin pareho. Ako na ang handa. Ang kaso hindi alam kung ano ang isasagot ni Jill sa akin. Oo alam ko mahal niya ako, kaya lang hindi ko alam na magpapatali siya sa akin.At isa pa, kailangan ko pang humanap ng magandang tiyempo.

"O, ano na ang nangyari sa'yo? Nasa tabi mo na ako ang layo pa ng lipad ng isip mo.Baka may iba ka ng iniisip ha? Sino iniisip mo?"

"May naisip lang, sino agad ang tanong. Hindi ba pwedeng ano muna?"

"At ano naman ang naisip mo aber?"

"Secret ^____^ "wala pa akong balak ireveale as early as now ang plan ko. Need to make a perfect plan. 

"Ano nanaman yang nasa isip mo ha?"

"Malalaman mo rin. Tara doon tayo."

Tama na ang pahinga. Tumulong na kaming dalawa sa mga pamimitas ng mangga. Magkatulong sa paghawak ng panungkit. Hindi makaakyat sa puno si Bhe nandito kasi ang Mama niya. Mapapagalitan siya.

Hapon na kami bumalik ng bahay. Nauna na roon si Auntie Hermie after makapahinga from launch ay umalis rin ito dahil dadaan daw ito ng palengke. Kaya naman may nakahanda ng makakain pagdating namin. Eto ang gusto ko pag narito ako. Bawal ang magutom. Laging may makakain.

Nag alok rin ng tulong si Tita sa pagluluto ng aming hapunan. Dalawa sila ni Aunti Hermie na nagtulong sa kasusina. Si Itay kasi ay sa likod bahay tumuloy at binisita ang mga alagang manok panabong matapos magmeryenda. At kaming dalawa ni Jill, syempre nagkulong muna sa kuwarto ko. Quality time with my Bhe.

"Namiss mo ako ng sobra no?"

Kailangan pa bang itanong yun. Obvious naman sa higpit ng yakap ko. Parang ayaw ko na nga siyang bitiwan sa higpit ng yakap ko.

"Hindi kita namiss," sabay tulak niya sa akin palayo. "Kasi miss na miss kita. Sobra," dugtong ko at muli siyang niyakap ng mahigpit. Kahit yata abutin kami ng magdamag ng ganito ayos lang.

"Bhe..." malambing kong sabi sa puno ng kanyang tainga. Hindi pa rin kami naghihiwalay ay power hug naming dalawa.

"Hmmmm..."

"Will you spend a life time with me?"

"Why ask?"

"I want you by my side 'till the day I die."

"Emo?" nakangiti niyang tanong sa akin na bahagyang lumayo para matingnan ako sa mata. "Hindi bagay sa'yo."

"Minsan lang  ito pagtiyagaan mo na."

Sa kuwarto lang kami habang sila naman sa labas ay busy sa par prepare ng dinner. Cuddling habang naghihintay na tawagin kami para kumain. Na miss ko ng sobra ang natural niyang bango. Kahit na pawisan kanina mabango parin siya sa pang amoy ko. 

"Bakit parang sobra lambing mo yata ngayon?" tanong ni Bhe sa akin. Nakaupo lang kami sa bed habang naksandal siya sa akin nakakulong siya sa mga braso ko at sa blikat niya ang ulo ko.

"Malambing naman talaga ako."

"Hindi, iba yug ngayon. Ang bilis ng beat ng heart mo. Nararamdaman ko."

"Excited lang kasi kasama na kita muli ngayon."

Para sa akin we are perfect family na. All of us, eating ng sabay sabay. Having a great conversation during meal. No awkward moment. Last thing i expected na magkakaroon kami ng happy moment na kasama si Tita, pero heto ngayon everything went so well,

Best Christmas gift I could ever receive.

A complete family. Kahit wala na si Mom.

Happy life together with my loves ones and the love of my life.

Ano pa ba ang mahihiling ko sa mga oras na ito? Wala na. Kontento na ako.

I am ready t face the coming year with a wide smile on my face.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaWhere stories live. Discover now