Chapter 5

1.3K 17 1
                                    

"Kim lapit na ang sem break ha, saan mo plano magbakasyon ?" tanong ni Tina.

Buhat ng mag birthday ito at makasama si Kim sa kanila dito mas lalong naging close si Kim, compare sa iba na nakakasama rin naman niya. Pero most of the time din naman niya. Pero iba ang closeness na meron sila ni Tina. 

Hindi ito ilang na kasama siya kahit minsan ay tinutukso na ito ng ibang tropa. Biro lang naman dahil na naman ng mga ito na may girlfriend na si Kim.

Bale wala lang naman kay Tina ang mga panunuksong iyon. Okay lang daw. Basta enjoy nya ang company ni Kim yun lang mahalaga.

"Kim lapit na ng sem break ha, saan ka magbabakasyon?" si Tina during join study nila.

 Agricultural engineering ang course nilang magkakatropa. At pagdating sa study ay study talaga. Lahat sila seryoso sa course na kinuha nila. Kaya madalas kaapg may mga exam sabay-sabay sila kung magreview. At pagkatapos ay sama sama ring lumalabas para mag unwind.

"Outing tayo," suggest ng isa.

"Tama summer naman," segunda ng isa pa.

"Sige sama ko dyan," si Tina. "Ano Kim?"

"Hindi ko alam, baka kasi pumunta akong Manila."

Ang plano niya bisitahin si Jill sa bakasyon. Miss na niya ito ng sobra. Gusto naman niyang makita ito ng malapitan at hindi puro sa webcam. Lalo pa't feeling niya ay kailangan niyang bumawi dito sa nangyaring noon.

"Schedule natin ang outing bago ka pumuntang Manila. Overnight lang naman tayo. Para lang  kompleto tayo,"suhestiyon pa rin ni Tina. Alam niya ang dahilang kung bakit gustong pumuntang Manila ni Kim. 

"Tama. Para makasama ka."

After ng join study ng grupo ay kanya kanya na sialng uwi. Sabay sabay ang iisa ang way which is halos lahat ng kasama nila except kina Kim at Tina.

Walking distance lang naman ang bahay ng classmate nila sa bahay nina Tina kaya naglakad na lang ang dalawa. Doon na lang maghihintay ng masasakyang tricycle si Kim pauwi sa bahay ng tiyahin.

"So anong gagawin mo sa Manila? Dadalawin mo siguro girlfriend mo no?" panunukso pa nito kay Kim habang naglalakad sila.

"At sina Papa."

"Pero mas yung eagerness na makita siya?"

"Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Miss ko na siya," sagot ni Kim na mas sa sarili niya sinabi at hindi sa kausap.

"Gusto ko syang makilala."

Doon biglang napaisip si Kim. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Jill pagnalaman nito na close siya kay Tina. Selosa pa naman ito kaya hindi niya nababanggit ang pagiging malapit dito. Ayaw niyang pag isipan siya ng kung anu ano ni Jill kaya hindi niya mabanggit ditoang tungkol sa kasabay. Iba pa naman ang takbo ng isip mahal niya kapag nagseselos.

"O, dito na ko. Samahan na lang muna kitang maghintay ng tricycle bago ako pumasok."

"Hwag na ok lang ako. Pumasok ka na sa loob."

"Ano ka ba? Ayokong mag alala kung nakauwi ka na ba o hindi, unless makita kitang nakasakay na."

"Bahala ka."

Hindi naman nagtagal at may dumarting na rin masasakyan si Kim pauwi.

"Ingat," bilin pa ni Tina bago umalis ang sasakyan.

Habang biyaha\e pauwi ay naisipang tawagan ni Kim si Jill.Alam nito na may group study bago pa sila ay nagpaalam na siya rito para kung sakaling hindi niya agad mareplyan ang text alam na nito ang dahilan.

"Hi Bhe..."

"Oo, pauwi na ako..."

"Okay lang. Bhe lapit na sem break namin. dalawin kita sa bakasyon..."

"Ha? Bakit?...."

"May ganun?..."

"Looking forward pa naman ako sa bakasyon dahil gusto na kitang makita..."

"Kelan pa tayo magkikita?..."

"Matagal pa yun...."

"Hindi mo ba ako namimiss?..."

"Manong sa tabi na po," para ni Kim na nasa tenga pa rin ang phone. "Dito na ako sa bahay..."

"OL ka ba? Chat tayo. Miss na kita. Sobra..."

"Text me pagnakauwi ka na..."

"I love you Bhe..."

Ang tiyahing dalaga lang ang kasama ni Kim sa bahay. Kapatid ito ng ama at matalik na kaibigan ni Aunt Clarisse.

Mabait si Aunt Hermie. Medyo may edad na rin ito ngunit wala pang asawa. Para na ring ina ang niya rito at parang anak rin ang turing nito sa kanya. Maliit pa lang siya ay namwalan na siya ng ina at ito na tumayong nanay niya. Kaya malapit ang loob nila sa isa't isa at maging sa kaibigan nitong si Aunt Clarisse ay malapit din ang loob niya.

"Mabuti at dumating ka na, kanina pa kita hinihintay," salubong nito sa kanya.

"Bakit po?" magalang niyang tugon mtapos na magmano. 

"Dumaan rito ang Papa mo kanina,"

"Ho, nasan na po si Papa?"

"Lumuwas na rin."

"Ano ginawa niya rito, hindi man lang niya ako hinintay at hindi nya rin po sinabi na pupunta siya ngayon. Ang Papa talaga kahit kailan," naiinis na sabiniya.

"Sandali lang siya rito may inihatid lang. Surpresa daw sa'yo," nakangiting wika ng tiyahin."

"Ano naman po iyon?"

"Nasa kuwarto mo na."

"O, e bakit ganyan kayong makangiti? Anong meron?"

"Wala. Tara na nga sa loob," aya nito.

Yari sa kawayan ang buong bahay maging ang mga gamit sa loob ay gawa rin sa kawayan. Pagpasok pa lang sa pinto ay napansin na agad ni Kim ang babaeng nakatalikod na nakaupo sa kayawang sofa.

"Aunt Clarisse?" tawag niyang hindi sigurado sa tinawag. Masaya itong sumalubong sa kanya at niykap ng mahigpit. "Ano pong ginawa nyo rito?"

"Maydi nadalaw lang. Kamusta ka na? Bakit parang medyo namayat ka?"

"Medyo stress lang po sa school. Kayo po kamusta na? Sino po ang tao ngayon sa Suavis?"

"Eto kailangan na rin ng bakasyon kaya dinalaw ko ang Tia mo.At isa pa matagal na akong hindi napapasyal dito."

"Mamaya nyo na ituloy ang kamustahan nyong dalawa. Magbihis ka na at sabay sabay na tayong maghapunan. Nakaluto na naman ako," awat ng tiyahin sa kuwentuhan nila ni Aunt Clarisse.

"Sigurado akong magugustuahan mo ang pasalubong sa'yo na Papa mo."

"Kasabay ho ba kayo ni Papa papunta rito."

"Oo. LaKad na at tingnan mo na ang pasalubong sa'yo," tulad ng tiyahin ay kakaiba rin ang ngiti nito. 

Ano ba ang pinadala sa kanya ng ama at ganun na lang kung makangti ang dalawa.

Naiiling na tinungo na lang ni Kim ang sariling silid upang alamin ang ipnadala sa kanya.

Madlim ang kabuuang ng kanyang silid ng sa pagbukas niya ng pinto. Sabagay madilim na rin sa labas  at sarado rin ang kawayang bintana kaya hindi rin makakapasok ang liwanag.

Sa pagbukas ng ilaw ay tumambad sa kanya ang sinasabing pasalubong sa kanya ng ama. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na libro pagkakita rito. Kaya naman pala ganun na lang ang ngiti ng magkaibigan. Dahil iyon sa sinasabing pasalubong sa kanya.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaWhere stories live. Discover now