/14/ Pustahan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uhmmm Ash, sayo nalang itong manok ko, busog na kasi ako." sinabi ko at tumayo. "Pupunta lang ako sa banyo." Naramdaman kong tila ba naguguluhan si Ash sa mga ikinikilos ko pero pupunta talaga ako ng banyo.

Ilang minuto ang nakalipas at ako ay bumalik na sa aming kinaroroonan, halos wala nang laman na nakadikit sa buto ang ibinigay kong manok sa kaniya. Gutom na gutom talaga siguro itong taong ito.

"May problema ba Art?" tanong niya sa akin at ako'y napabuntong hininga at napangiti na lamang sa kaniya.

"Wala naman, pero ikaw yata, meron." biro ko sa kaniya at siya ay nagtataka.

"Anong meron sa akin? Gawa ba nung kinakain kong ulam?" Tanong niya. "Baka iniisip mong matakaw ako, subukan mo lang." depensa niyang sinabi at ako naman ay natawa sa sinasabi niya.

"Nakikita mo ba yung labi at pisngi mo?" natatawa kong itinanong.

"Anong meron?" tanong niya at wala siyang kamalay-malay sa kung anong meron sa mukha niya. Agad ko namang pinunasan gamit ang isang tissue ang kaniyang labi at pisngi. Nakatitig ako dito at tila ba nagulat si Ash sa aking ginawa.

"Kitang kita sa amos mo na gustong gusto mong kainin halos yung buong manok eh." panunukso ko.

Ang sarap talaga nitong kasama, hindi ko maintindihan pero ang saral saral lang niyang alagaan at asikasuhin. Kung alam lang sana ni Ash ito, baka akin na siya kahapon pa.

"Naku, sorry ha..." saad niya at uminom ng tubig "Oo na, aaminin ko na..." sinabi niya at nakaisip agad ako ng sasabihin.

"Alin? Na gusto mo na rin ako?" napatigil siya sa kaniyang pagkain at ako naman ay nakangiti sa harap niya.

"NA MATAKAW AKO, OKAY?" Halos marinig ng ilang tao sa loob ng restaurant ang sinabi niya at siya ngayon ay biglang napayuko at nahihiya.

"Ahhh, matakaw pala naman." panunukso kong muli. Sinamaan ako ng tingin ni Ash na tila ba sisipain na naman niya ako kahit anong oras.

-----

Tapos na kami sa aming kinain at iniwan nalang namin ang aming pinagkainan, napansin kong niluluwagan ni Ash ng kaniyang sinturon para daw siya ay makahinga kahit kaunti.

"Grabe nabusog ako." saad niya sabay dighay. "Salamat Art."

Iniabot ko sa kaniya ang pera. "Ito yung pambayad, ikaw nalang magbayad sa counter." saad ko. Sumang-ayon naman siya at agad na tinahak ang daanan.

Nang siya ay tumayo, bigla kong napansing parang nagiilaw ang kaniyang relo pati na rin ang aking suot. Kahit nasa counter na siya ay kitang kita kong kumikinang ang paligid ng relo na tila ba may ipinapahiwatig. Bumalik si Ash sa aking kinauupuan at ibinigay sa akin ang resibo.

"Ash, wala ka bang napapansin sa suot mo?" tanong ko. Tumibgin siya sa kaniyang damit at pantalon, ngunit sinabi niyang wala daw siyang nakikita.

"Wala naman, bakit?" tanong niya.

"Nakikita mo bang umiilaw yung relo mo at yung sa akin?" pakisuyo ko. Agad naman niyang tinignan ang kaniyang relo at ang sa akin ngunit para bang wala siyang napapansin.

"Wala naman akong napapansing umiilaw..." Tugon niya. Mayamaya pa ay untiunting nawawala ang pagilaw ng aming mga relo.

"Bakit ganon? Hindi mo nakikita yung nakikita ko sa relo nating dalawa." paliwanag ko.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon