"Kaya kayo.." Aniya at tinuro ang lahat pati sina Addie na nandun lang sa gilid.


"Treat her good. If you can't help with saving the realm, treat her good. Kami na ang bahala sa putanginang realm na 'to."
Aniya at tsaka kumuha na ng isang bote ng wine at tinungga ito.


"And you, Van Saint. Hindi pa ako tapos sa 'yo."
Aniya habang tinuturo si Blu. Lucas took a glance at Zia before sitting back down at tsaka tumingin kay Jayden.


"So, may dadagdag pa ba?"
Tanong niya habang dahan-dahan nang kumakalas ang hawak nina Walter kay Xy na parang kumalma narin dahil sa mga sinabi ni Lucas.


Jayden sneakily fist bumped Seth pero naningkit kaagad ang mga mata ni Wilder nung makita niya ito.


"Wait, w-what was that?"
Tanong niya kaya agad na tumingin ang mga Tito niya sa kanya. "What was what?" Painosenteng tanong ni Jayden kaya naningkit narin ang mga mata nina Reed habang nakatingin kina Jayden.

"Wait, you planned this?" Tanong ni Atlas kaya nagkatinginan naman sina Ash at Xy.


"Planned what?"
Pasimpleng tanong ni Seth. Lucas' jaw clenched again at lumalim naman ang tingin ni Zia sa mga Tito niya. Seth gave up and huffed out a breath. "Fine, we planned it. We just need to get your anger out of your system." Aniya kaya agad na tumayo si Xy, pumasok sa mansion at lumabas na may dalang baseball bat.

Agad namang nataranta sina Ash at tsaka pinigilan si Xy.


"Bitawan niyo ako! Papatayin ko 'tong mga gurang na 'to!"
Galit na sabi ni Xy habang winawasiwas ang baseball bat na hawak niya. "Damnit, Wen! Tito mo parin 'yan!" Ash grunted while he was holding Xy down. Tumayo narin si Archer para tulungan siya.

"Si Tito Jayden 'yung puruhan mo." Sambit ni Wilder na nandun lang sa gilid kaya napaawang naman ang bibig ni Jayden at tumingin kay Wilder.

"You called Zia a mess." Sumbat ni Wilder sa kanya habang naguguluhan namang nakatingin sina Audin sa kanila. "Anong meron? Anong nangyayari? Naguguluhan ako." Inosenteng tanong ni Audin at tumingala kay Reed.


"They planned this conversation all along."
Sagot ni Reed pero mas lumukot ang mukha ni Audin dahil dito. "Plano? Anong plano?" Naguguluhan niya paring tanong.


"Sinadya nilang tawagin tayong magulo at laitin si Zia para mailabas ng team 'yung hinanakit nila gaya nung mga sinabi nina Reed at Blu sa Team Alpha at 'yung mga sinabi ni Lucas kay Xy. They want us to voice out our anger about this issue. I believe, I'm quite impressed."
Pagpapaliwanag ni Archer kay Audin.

Mas lalo lang kumunot ang noo ni Audin.

"May hinanakit kayo?" Tanong niya kaya agad na natawa sina Reed dahil dito.


"Baby, I would never call you a mess. Mamatay na ang nagsabi nun."
Sambit ni Jayden at niyakap pa si Zia.


"Sinabi mo 'yun kaya mamatay ka na.. po."
Inis na sabi ni Zia sa kanya kaya agad na napaubo si Jayden habang humagalpak naman ng tawa sina Walter at Baxter sa kanya.

Natawa narin si Archer na kanina pa nananahimik at nakikinig lang.


"'Yan! Kung sino-sino kasi tinuturuan mo ng pagiging demonyo mo! Taste your own medicine, you scammer!"
Natatawang sabi nina Duke at Baxter kay Jayden na sinusuyo parin si Zia. Zia just gave up and gave her uncle a pat on the shoulder para sabihin wala na sa kanya 'yun.

Xy already calmed down at umupo na muli habang minamasahe na ni Dolly ang balikat niya dahil parang aatakihin na ito sa puso dahil sa sobrang stressed nito.

Midnight Angels: The Warحيث تعيش القصص. اكتشف الآن