PROLOGUE

60 25 13
                                        

Third person's POV

Miyerkules na ng hapon ngunit hindi pa rin siya bumabangon sa kanyang pagkakahiga.Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kaniya ng kanyang kasintahan.


"I Love you ...... and that's the truth"

Tuwing naiisip niya iyon ay kusang na lamang nahuhulog ang mga luha sa kaniyang mga mata.Para siyang sinasaksak ng kung anu anong matutulis na bagay sa kanyang puso.


Maya maya pa ay bumangon siya at pumunta ng kusina.Matamlay siyang naghain ng kaniyang makakain.Wala siyang ganang kumain pero pinilit niya ang kaniyang sarili.Nangako siya sa kanyang kasintahan na mabubuhay siya.Kahit hindi niya alam kung kaya niya bang mabuhay sa kabila ng mga nangyari sa kanya.



"Mabubuhay ako pangako"sabi niya sa kanyang sarili.

At nagpatuloy na siya sa pagkain niya.Pagkatapos ay hinugasan na niya ang kanyang mga ginamit at naligo.





Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya ng bahay at naglakad lakad.Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa garden na tanaw ang isang dalampasigan.Naupo siya malapit sa isang puno.Pinagmasdan niyang maigi ang paligid.Umaasang makikita niya ang nais niyang makita.Pero tanging madilim na kapaligiran at mga bata lamang na naglalaro ang kaniyang nakita.


Napabuntong hininga na lamang siya.Tumingala siya at pinagmasdan ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan.Ang buwan na ang nagbibigay liwanag sa gabing yun.

"Mahal na mahal kita.......
Hinding hindi kita makakalimutan....." sabi niya habang nakatingin sa kalangitan.

At unti unti ng bumagsak ang mga luhang kanina pang gustong tumulo sa kaniyang mga mata.Lahat ng alaala ay nanumnumbalik  sa kaniya.Ang saya at sakit na nararamdaman niya
nung mga panahon na nagmamahal siya.

"Pangako mabubuhay ako pero hindi ko maipapangako na katulad pa rin ng dati..."


".....Susubukan ko pero di ko pipilitin ang sarili ko...."

LIESWhere stories live. Discover now