CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Hindi mo pwedeng lagi na lang takbuhan ang problema, Dan".

"I know".

"Paano nila nalamang nandito ka"?

"They have ways".

"Banko 'yarn"? Natawa kami parehas.

"May naghahanap sa'yo Dan". Singit ng kung sino.

Napatingin ako dito pati kay Dan. Nakita ko ang pagkatensyon niya, kaya hinawakan ko ang kamao nitong nakakuyom sa ibabaw ng kaniyang mga hita.

"Kaya mo 'yan.". Nginitian ko ito kaya gano'n rin ang ginawa niya. "Let's go"? Tumayo ako habang hawak pa rin ang kamay niya. Tumango ito at tumayo na rin.

Sabay kaming nagtungo papuntang sala habang magkahawak ng kamay.

"Daniel". Tawag sa kaniya ng sa tingin ko ay Tatay niya.

"Let's go home. Your fiance is waiting for you there". Malambing na sambit sa kaniya ng Nanay niya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Dan sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kaniya.

"No. I don't want to". Matigas na sagot nito.

"Daniel. 'Wag matigas ang ulo mo". Sambit naman ng Nanay niya.

"Sabi ko po, ayoko. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal".

"At susundin mo 'yang katigasan ng ulo mo"? Singit naman ng Tatay niya.

"May mahal na 'kong iba".

Pakiramdam ko, nagpawis bigla ang mga kili-kili ko dahil sa sinabi ni Dan. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Napasubo yata ako rito. Damn!

"And who the hell is she"? Tanong naman ng Nanay niya.

Aba, huwag niyo akong mathe hell, the hell jan. Hindi ako impyerno, ano.

"The woman next to me". Yumuko naman ako bilang pagbati sa kanila.

"H-Hello po". Bati ko, pero hindi naman nila iyon pinansin.

Taray... Mga peymus.

Ilang segundo kami binalot ng katahimikan bago nagsalita ang Tatay niya.

"Do you think we're stupid enough to believe that"? Napatanga naman kami sa Tatay niya. "Umamin ka sa amin na hindi babae ang gusto mo, tapos ngayon may Girlfriend kang ipapakilala sa amin? Gano'n ba katanga ang tingin mo sa amin"?

Masama akong napatingin kay Dan na nakatingin rin pala sa akin. Napakamot naman ito sa likurang bahagi ng ulo niya.

Anong purpose ng pagpapanggap na 'to kung nagladlad na pala siya?

"You will marry her whether you like it or not para maging tunay kang lalaki! It's a sin to be a faggot"! Lumapit ito kay Dan at kinuwelyuhan niya ito. "Kahihiyan ka sa angkan"!Naramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Dan sa kamay ko.

"Sir". Lumapit sa amin si Aaron at hinawakan niya ang braso ng Tatay ni Dan. Nakatingin lang ako kay Dan.

Imbis na awa ang maramdaman ko sa kaniya, naiinis ako. Naiinis ako dahil hinahayaan niya lang na tapakan ng mga 'to ang pagkatao niya. Malalim akong napabuntong hininga.

At, another scam na naman po ang pagbabago ko, bow.

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at hinawakan ang balikat ng Tatay niya, sabay tulak dito, dahilan para mapabitaw siya sa pagkakakwelyo niya kay Dan.

Kung nung una nahihiya ako sa mga magulang niya, ngayon ay wala na akong pakielam kung maging bastos man ako o ano.

"Wala hong masama sa pagiging bakla. Kung may masama man dito, iyon ang pagiging matapobre niyo. I don't care kung maging bastos man ako sa paningin niyo. As if I also give a damn. Pero mahal at tanggap ko si Dan maging kung ano o sino man siya. Hindi ba rapat bilang magulang niya, kayo ang unang tatanggap sa kaniya, hindi yung kayo pa ang unang manghuhusga sa pagkatao niya. For me, it's better to be a faggot, than be like you na straight nga, hindi naman makatao".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ