Hindi naman nito kasalanan kung pinanganak itong maganda at lalong hindi naman nito kasalanan na nagustuhan ito ni Kit. Kaya hindi niya lubos maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis siya dito. Siguro, naiinggit lang siya. Tanggap niya naman iyon sa sarili.



***



KINABUKASAN, naisipan ni Shatile na gumamit ng make up. Gumising talaga siya ng maaga upang mapaganda ang sarili. Sa tuwing nakikita niya kasi ang grupo ni Elai at pati na rin si Ianna ay para bang nanliliit siya sa sarili. Kaya naman napag isip-isip niya na gumamit ng make up.

“Maganda ka, Shatile.” Usal niya sa sarili at ngumiti. Binuksan niya ang isang box ng make up. Ang iba ay gamit na at ang iba ay hindi pa ito nabubuksan simula noong mabili niya ito. Sanay na sanay na siyang mag make-up, pero sa loob lang ng kaniyang kwarto siya nagkakaroon ng lakas ng loob.

Sa totoo lang ay na adik na adik siyang bumili ng make ups kaya nga marami na siyang collection. Iba’t ibang klase at brand. Natutuwa kasi siya sa tuwing sinusubukan niyang mang-gaya ng ibang mukha. Dahil kuhang kuha niya talaga ito.

Nahihiya lang talaga siyang ipakita ang talent niyang iyon sa mga tao. Sinimulan na nga niyang ayusan ang sarili. Pinakinis niya ang kaniyang mukhang puno ng tigidig gamit ang full coverage foundation na ka-skin tone niya.

Napangiti siya nang makitang ang kinis na nga niya at kahit papano ay lumalabas ang ganda niya. Nagkilay pa siya at naglagay ng mascara liquid gel. At dahil lagi siyang nakasalamin ay pinalitan niya ito ng contact lenses na  may grado. Pakiramdam niya ay nagibang tao siya. Para madagdagan ang ganda niya ay naglagay siya ng kaunting pinkish blush sa pisngi niya at gumamit pa siya ng lip gloss na may kaunting kulay red.

Handa siyang labanan ang grupo ni Elai. At gusto niyang talbugan ang ganda ni Ianna. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaroon ng lakas ng loob nang mga oras na iyon. Basta nagising nalang siya na para bang may nag udyok sakaniyang pagandahin ang sarili.




***



“SO ito ang youtube account mo, babe?” tumango si Ianna kay Kit habang inaabot dito ang papel kung saan nakalagay ang email address at ang youtube account niya.

Na i-kwento kasi ni Ianna na nakiki-wifi lamang ito sa isang department store sa bayan para makapag upload ng video. At baka hindi siya makaka punta sa bayan ngayong gabi dahil may lagnat ang inay niya at walang nag-aalaga kay Woni.

Sa halos isang buwan na sila ni Kit at talaga namang nagtiwala na siya dito. Buong buo na ang tiwala at pagmamahal niya sa binata. Ito kasi ang kauna-unahang naging kasintahan niya.

“Okay lang ba talaga na ikaw nalang mag-upload ng video ko?” ibinigay rin niya sa nobyo ang copy ng mukbang video niya na ia-upload ng lalaki.

“Ako ang bahala babe.” Saad nito. Mabuti nalang at narinig nina Elai ang pag uusap nila at eto nga ang nagsabi na may wifi sila Kit. Pumayag naman ang nobyo na siya na ang bahalang mag-upload.

“Salamat, babe. I love you.”

“I-I l-love you, too babe.” Sa tuwing nag a-I love you ang nobyo ay nauutal ito. Hindi nalamang niya pinansin iyon ang mahalaga ay ramdam niya naman ang pagmamahal nito.

“Wow! Ang sweeeeet!” Nakangiting sabi ni Lynna. Maya maya pa ay nawala ang ngiti nito ng mapadpad sa pintuan ang mata nito. “Look who’s coming! Oh my gosh! Shatile?”

Lahat nga sila ay napunta sa babaeng papasok palang sa pito. It’s Shatile at mukhang naka-soot ito ng make up. Ayos naman ang make up ni Shatile, bagay sa mukha nito at mukhang natural. Kung hindi nga nila alam na may tigyawat ito ay hindi pansin na may gamit itong make up.

GRADUATION DAY|COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora