111

53 1 0
                                    


Naglalakad mag-isa sa pasilyo.

Ikaw agad ang nahagip ng mga mata ko.

Nakita kitang naninigarilyo.

'Estudyante ba to?'

Lumingon ka sa kung saan ako nakatayo.


Nakatitig sa mga mata mong bughaw.

Puso ko'y parang natutunaw.

Buong katawan ko'y biglang nanigas.

Agad naman akong umiwas.


Bigla namang kinabahan dahil naglakad ka papunta sa akin.

Gusto kong umalis subalit mismong mga paa ko ay ayaw akong paalisin.

"Ako nga pala si Gino."

Yun ang lumabas sa bibig mo.


"Ang gwapo mo."

Nagulat ako dahil sa nasabi ko.

Nakita ko ang pag-angat ng iyong mga labi.

Ngayon ay nakangisi.


Tumakbo ako papalayo sa kanya.

Nakaramdam talaga ako ng hiya.

Sinabi ko pa yun habang nakatayo sa harapan niya.

'Hindi ka talaga nag-iisip Aira.'


mga tula ni MariNevieveWhere stories live. Discover now