74

62 1 0
                                    


Alam kong nabalitaan mo.

Oo, masayang masaya na ako.

Meron akong pamilyang nabuo.

Pero hindi ka pa rin maalis sa puso't isip ko.


Masakit.

Napakasakit.

Minahal kita.

Hindi. Mahal pa rin kita.


Tutol ang pamilya ko sa ating pagsasama.

Kaya gumawa ako ng paraan upang malayo sayo sinta.

Hinanap mo raw ako.

Nag-sipag ako sa pagtatago.


Sinigurado kong hinding-hindi mo ako makikita.

At sa wakas, ika'y sumuko na.

Hiniling ko na sana may makilala kang iba.

Nakatuluyan mo ang kaibigan kong napakabait at napakaganda.


Sorry sa lahat ng nagawa ko.

Alam ko, naging duwag ako.

Hindi ko man lang nagawang ipaglaban kung anong meron tayo.

Sana mapatawad mo ako.


Ngayong may pamilya ka na,

hindi mo alam kung gaano ako kasaya.

Siguro nga, ipinagtagpo tayong dalawa.

Ngunit, hindi tayo itinadhana.


mga tula ni MariNevieveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ