102

37 1 0
                                    


Pagpasok na pagpasok sa paaralan,

lahat ng mga estudyante ay nag bubulungan.

Karamihan sa kanila ay nagtatawanan.

Kung minamalas nga naman.


Ganito nalang palagi ang aking hinaharap tuwing umaga.

Walang pinagbago, lalong lumalala.

Maraming nagsasabing, "Wala kang kwenta."

"Ampon ka siguro ng Familia Garcia."


"Wala kang kamukha sa kanila."

"Ang pangit mo talaga!"

"Mag-ayos ka nga para naman magmukha kang tao!"

"Sinong magkakagusto sayo kung ganyan ang itsura mo?"


"Wala ka talagang pag-asa."

"Mamatay ka na nga lang para wala na kaming makitang ganyang pagmumukha!"

Tinatakpan ko nalang ang aking mga tenga,

para naman hindi ko na marinig kung ano ang mga pinagsasabi nila.


Sumusobra na sila.

Ano ba ang ginawa ko sa kanila?

Hindi ko maiwasang magtaka.

Wala naman akong ginagawang masama.


mga tula ni MariNevieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon