72

65 3 0
                                    


Naaalala mo pa ba?

Ang mga alaala nung tayo pa?

Nagliliwanag ang aking mga mata,
kapag sinasabi mo ang mga katagang "Mahal Kita."

Hindi mo hinahayaan na apihin ako ng iba.

Ipinagtanggol mo pa nga ako sa kanila.

Marami pang mga nangyari na hindi ko malilimutan.

Namamasyal tayo sa lugar na gusto kong puntahan.

Kung saan tayo palaging nag-uusap at nag-aasaran.

Maraming dumating na problemang humadlang sa ating pagsasama.

Dumating din yung araw na sinabi mong, "Mahal na mahal kita na handa akong magparaya."

Hindi mo alam kung gaano kasakit noong araw na sumuko ka sa relasyon natin.

Masakit na nakipaghiwalay ka sa akin at ang mundo kong dating makulay ay naging madilim.

Nangako ka sa akin.

Sinabi mo pa nga noon, "Mahal, kahit anong mangyari, hinding-hindi kita pababayaan.

Hinding-hindi kita iiwan at sasaktan.

Mamahalin pa rin kita kahit na gumuho pa ang mundo.

Habang buhay ay merong ikaw at ako.

Hinding-hindi kita paiiyakin.

Hindi ako susuko kahit maraming hadlang sa pagmamahalan natin."

Hinihiling ko parin hanggang ngayon.

Baka pwede pang ibalik kung ano tayo noon.


mga tula ni MariNevieveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora