I'm not confident with this. Heck! How could I be confident? Sarili kong pamilya ang kakalabanin ko. Never in my fucking life did I imagine this scenario to happen.  I'm not sure about all of this but I have to try. Kailangan kong gawin 'to para wala ng problema sa amin Austine. I want him. I want him in my life kahit pa kalabanin ko ang sarili kong ama.

"I understand. Pero makukulong ba si dad nito?" Ang nag-aalalang tanong ni Ian. Gago rin to eh. Siya ang nag suggest pero siya rin ang unang nag-aalala kung makukulong si dad.

"Hindi. Hindi naman tayo santo. Hindi rin tayo ganoon kabait para i-surrender si dad sa mga ka pulisan. We have Axel and Jonas to take care of that. We just have to scare him but I'll make sure na hindi siya makukulong. Dad's not that bad anyway."

"Francis, you have to make sure that your company is ready to fight with dad's. Bonavich's Corporation can be on par with Juariz Corp but it's not yet enough. You have to be better." Pagtawag ko ng pansin kay Francis.

Bonavich's Corporation ay ang kompanya ng pamilya nila mama. Dad used to manage it alongside with our company pero noong nag 18 si Francis a few years ago ibinigay na niya kay Francis ang responsibilidad dito.

"Copy, sir!"

"At Axel...please tighten your security around Austine's house. Kahit sabihin ni dad na hindi na niya gagalawin ang pamilya nila, hindi pa rin tayo makakasigurado doon. " Pakiusap ko dito. I'm not there to protect him or his family and I won't be at ease kapag naiisip ko na anytime pwede silang galawin ni dad.

"Don't worry. Ako na ang bahala diyan." Sagot niya sa akin.

"Wala na bang ibang suggestions?" Tanong ko sa kanila. Umiling silang lahat.

I got three folded papers from my suit. Inilatag ko ito lahat sa harapan nila. Pabalik-balik nila akong tiningnan at ang papel.

"What the heck is this?" Kinuha ni Axel ang papel at binasa 'yon. Ganun rin ang ginawa ni Francis at Ian.

Ilang minuto rin ang ginugol nila sa pagbabasa ng mga ito. Nakakulamos at hindi maipinta ang mga mukha nila habang binabasa ang sulat.

"What the fuck? Is this a fucking love letter? Hindi naman ito galing kay mom ah." Ang naguguluhang tanong ni Francis sa amin.

"Before dad married mom he had a relationship for 7 years with a guy named Christian Balbueno. They planned to get married secretly in the U.S but lolo caught them before they did." Pagkwe-kwento ko sa kanila.

"Kailan at saan mo 'to nakuha?" Taas kilay na tanong ni Axel sa akin.

"Nakuha ko ito sa likod ng isang bookshelf sa library ng mansion last month."

"So what now? Nahanap mo ba ang taong ito? What do you intend to do with him?" Ang sunod-sunod na tanong ni Ian sa akin na nginisihan ko lang.

"I'm already looking for him. Wala naman akong gustong gawin sa kanya, I just want him to talk with dad."

Ang totoo'y nahirapan akong hanapin ang taong ito but yesterday, I received a call from Derick. Nahanap daw nito ang taong nagngangalang Christian Balbueno na umalis ng bansa 30 years ago na naging schoolmate ni papa for 8 years. I'm determined to find him and ask him to convince our dad.

"Seriously, hindi ko talaga ma-imagine si dad. Bakit wala man lang silang sinabi tungkol dito?" Tanong ni Francis sa akin.

"Tungkol saan?" Napalingon kaming lahat sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Taas noong naglakad ito papalapit sa amin at umupo sa sofa katabi ni Ian.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon