Kabanata 5: Lihim

8 5 0
                                    

Simula nong makabalik ako sa Prances galing Cezky Krumlov sa Germany nababagabag parin ako sa sinabi ng manghuhula ano bang mayroon sa palad ko. Pinagmamasdan ko ito simula nong nakauwi ako sa bahay at maski dito sa eskwelahan.

"Hoy anong mayroon sa palad mo at kanina mo pa tinititigan?Asha!!"-nabalik lang ako sa realidad dahil sa pagsigaw ni Feira.

"Ano nga ulit yong sinasabi mo? "

"Hmmp lutang na naman yang isipan mo simula nong pumasok ka lagi ka nalang tulala..may problema kaba? "-Feira.

"Ah wala naman pagod lang ako"

"Oh sige,punta muna ako kila Kash makikipagkwentuhan"-Feira

Haay! Alam ko ngayon nakukumbinsi ko Pa siya sa mga palusot ko pero darating ang panahon na magtatanong siya at iyon ang ikinatatakot ko.

     *************

   **Bermstone **

Onti- onti akong nahihirapan itago ang katotohanan sa kaniya dahil sa mga pangyayari sa Cezky Krumlov.Oo alam ko hinulaan siya at natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang lahat.

"Bermstone"-Sari.

"Bakit? "

"Malapit na ang oras kailangan nating maghanda at ang digmaan di na natin iyon mapipigilan.Si Asha ang pagprotekta at pagtatago natin sa kaniya ay di na sapat.Kapag nalaman niya ang natatagong regalo na mayroon siya malalagay siya sa panganib"-Sari.

"Alam ko at marami naring Seraphim ang umiikot at unti- unting inuubos ang mga Jinn at chimaera na nasa mundo mga pagpatay at pagsunog.Paubos na ang mga abo at buto mahihirapan na akong bumuhay at lumikha ng isang hukbo ng mga repeaters."

"Wag mong sabihin na pangungolektahin mo na naman ng abo at buto si Asha?!Alam mong lubhang mapanganib nais mo ba siyang mamatay"-sambit ni Sari.

"Hindi ko hangad ang kamatayan niya. Nais ko lang mapanatili ang lahi natin.Sa tingin mo ba hindi magdududa si Trandor!?Baka malaman pa niya na ang anak ni Meshe ay buhay"

"Ipapasundo ko na siya kay Wavern..Sa tingin ko di ko na mababago pa ang desisyon mo"-Agad siyang umalis at ilang minuto lang dumating na si Asha na handang-handa na para sa sunod na misyon niya.

"Magandang araw"-bati niya.

"Greece ang sunod mong pupuntahan"

"Sige aalis na ako mahaba- habang biyahe rin ito"-Asha.

"Wala ka manlang reklamo o tanong kay Bermstone kung bakit nasundan agad ang misyon mo? "-Sari.

"Bakit pa?di mo rin naman ako sasagutin diba Bermstone.Ang mga lihim ay mananatiling lihim hanggat sa hindi ka gumagawa ng paraan para ito ay malaman."-Asha.

"Hindi lahat ng Lihim ay dapat nating alamin, gamitin natin ang talino na mayroon tayo upang lubos na maunawaan ang lahat.Wag kang gagawa ng hakbang na maglalagay sayo sa alanganin"

"Wag kang mag-alala lahat ng tanong na gusto kung masagot ay hahanapan ko ng kasagutan.At sisiguraduhin kung lagi akong ligtas upang di ka mawalan ng collector"-Asha.

"Sana nga"-sagot ko.

"Hindi ko na alam kung ano ba talagang pinaplano mo"-sambit ni Sari. At lumabas na sa aking silid.

Enigmatic MnemonicsWhere stories live. Discover now