Kabanata 4: Palaisipan

18 5 0
                                    

Sumapit na ang takdang oras na pagkikita namin diko inaasahan na mapapaaga siya.

"Hans?"-bungad ko.

"Ikaw ba ang ipinadala ni Bermstone hahaha!! isang babae na mukhang labing anim na taong gulang"

"Bakit naduduwag ka sa gaya ko? "

"Magdahan dahan ka iha hindi mo Pa ako lubusang kilala... Ikaw siguro yong batang babae na nasa tahanan ni Bermstone. Malaki narin ang pinagbago mo nong huli kitang makita"

"Ikaw naman walang pinagbago masama ka parin "

"Masama nga ako pero baka di mo alam mas masama ka pa pala"-tinitigan ko siya ng may pagtataka. "Mukhang nabagabag ka sa aking tinuran. Isantabi mo muna yang mga katanungan mo at simulan mo na ang pakay mo"

"Patingin ako niyang buto at abo"-agad kung ininspeksiyon ang mga buto at abo na nasa  malaking sisidlan.Gaya ng dati walang palya mataas ang kalidad. Ibinigay ko naman ang nararapat sa kaniya ang Runix na ninanais niya.

"Maraming salamat binibini mag-iingat ka sa lugar na ito kung ikaw ay magtatagal pa.Kung may mga katanungan ka hindi ako ang kailangan mo kung sino man siya diko kilala"-siya'y umalis at nag- iwan ng isang palaisipan sa akin.

Mas masama pa ako sa kaniya, may isang taong makakasagot sa katanungan ko.Pero wala manlang akong ideya kung sino siya at kung saan ko siya matatagpuan.

Asar sumasakit ang ulo ko. Sa kalagitnaan ng pagiikot ko sa lugar may aleng lumapit sa akin at inakay ako sa lugar na maliit ang espasyo.

"Maupo ka iha "-umupo naman ako.

"Bakit niyo po ako inakay dito?"-pagtataka ko.

"Napansin kita dahil sa kilos mo mukhang may bumabagabag sa iyo nais kitang hulaan kung iyo akong papayagan sisingilin lamang kita sa maliit na halaga."-wala namang mawawala bakit diko subukan.

"Sige po "

"Amina ang mga palad mo"-agad ko namang ipinakita sa kaniya at sinimulan niya ng basahin.

"Isang babaeng may natatagong nakaraan,Mga palaisipang bumabagabag na wala paring kasagutan,mga lihim na di masabi sa kaibigan. Masasaktan ka ng isang taong mahal mo sa pisikal at damdamin pangungunahan ka ng galit makakagawa ka ng maling desisyon. Pag- asa.."-tumigil ang Ale.

"Bakit po anong mayroon sa pag-asa?"

"Iyon ang pagkakakilanlan mo "

"Diko po maintindihan"-sambit ko.

"Asha"-pagkasambit niya ng pangalan ko bigla akong nakaramdam ng init sa palad ko para akong napaso dahilan para bitawan ako nong Ale.

"Iha umalis kana dito "-nagmamadali siyang itinulak ako.

"Bakit po? anong nalaman niyo? "

"Ingatan mo ang mga palad mo maaring yan ang maging dahilan upang makasakit ka at maging dahilan ng pagkawala ng kanilang Pag-asa.At  ang pangalan mong Asya ay nangangahulugang pag-asa. "-,hindi na ako nakapagtanong dahil agad niya akong sinarhan ng pinto. Tinitigan ko ang mga palad ko na kanina'y nakaramdam ng init .

"Ano bang mayroon sa kamay kung ito"

Pagkatapos kung mag-ikot agad akong nagpunta sa stasyon ng tren oras na para umuwi tapos na ang misyon ko. Misyong nakatulong para mas lalo akong maguluhan. Kailan ko ba maiintindihan ang takbo ng buhay ko lalong lalo na ang nakaraan.Anong saysay ng buhay kung ito sa mundo kung ako mismo diko alam . Sino bang nakakaalam?

Enigmatic MnemonicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon