Kabanata 8: Muling pagtatagpo

16 5 1
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagod ako at umupo sa pinakamalapit na bench at muling bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina pati narin ang masama kung bangungot. Dapat maging matapang ako.. Pinunasan ko ang aking mga luha at nagtungo sa Eiffel Tower. Wala ng tao roon at dahil sa hinx naman na dala ko nakapasok ako. Ngunit pagkatapak ko palang sa tuktok may biglang humablot sa akin at isinandal ako sa pader naramdaman kung may patalim na nakatuktok sa aking leeg.

"S- seraphim "-nauutal kung sambit.

"Isa ka rin bang chimaera? "-tanong niya sa akin at natitigan kung muli ang nagbabagang kulay kahel niyang mata na punong puno ng galit..

"Hindi..hindi ko alam "-nanghihina kung sagot.

"Wag kang magsinungaling sa akin. Hindi bat kilala mo Si Bermstone?! "-kahit galit ang nag- aalab niyang mata masisilayan mo parin ang kakisigan niya ang maganda hubog ng kanyang katawan.

"Sumagot ka! Kilala mo ba Si Bermstone?! "-sa tanong niya naluha nalang ako at muling naalala ang kanina lang na pangyayari.

"Hindi ko alam kung kilala ko ba talaga siya? Sino ba talaga siya ha?! bakit niya ako ginaganito?! "-tumitig ako sa kanya na punong- puno ng katanungan ang aking mata. Inilayo niya ang kanyang patalim at dahil nanginginig ang aking mga tuhod bigla akong napaupo.

"Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko.. hindi ko alam kung sinong dapat na nilalapitan ko.. Sino ba ako ha?! bakit pa ako nabubuhay kung ngayon pa lang puro pasakit ang nararamdaman ko!!"-hinawakan ko ang kamay niya na may patalim.

"Nagmamakaawa ako sayo patayin mo nalang ako upang tuluyan na akong matahimik.Napapagod na ako. "-patuloy ang pag-agos ng aking mga luha masyado akong nasasaktan.

***Kai***

Nabigla ako sa ginawang paghawak ng dilag sa aking kamay na may espada at itinutok ito sa kanyang kanang dibdib. Ang mga luha niya, ang kanyang mga mata puno ito ng katanungang nagsusumamo na masagot at kitang- kita sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya.Ibinaba ko ang aking espada at niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kung nabigla siya sa aking ginawa kahit ako nabigla rin. Hinayaan ko siyang yumakap at umiyak sa akin. Ang mga yakap niya pamilyar sa akin.. hindi maaari..

"Bakit mo ako niyakap?"-tanong niyang habang nakayakap parin.

"Hindi ko rin alam ang dahilan binibini"-sagot ko.

"Pero bakit yong bata sa Greece pinatay mo?"-iniangat niya ang kanyang ulo upang masilayan ako.

"Isa siyang chimaera at pinatay niya ang iba kung mga kasamahan masama siya.Kahit na tila anghel ang kanyang mukha nababalot parin siya ng kadiliman"-paliwanag ko.

"Anong pangalan mo binibini? bakit narito ka gayong malalim na ang gabi? bakit nakikita mo ako anong alam mo tungkol sa Seraphim? "-sunod sunod kung tanong. Umayos siya ng upo bago niya sagutin ang aking mga katanungan.

"Asha Madrigal ang pangalan ko..umalis ako sa amin at hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan"

"Kung yan ang nais mo.Bakit alam mong seraphim ako bakit nakikita mo ako? "-tanong ko sa kanya.

"Marami na akong nabasa tungkol sa gaya mo at ang sabi ni Sari masasama ang gaya niyo. Pero sa tingin ko hindi lahat, kahit na natatakot parin ako sayo.Marahil ginamitan nila ako ng mahika upang makita ko ang mga di nakikita ng mundane "-mahinhin niyang sambit.

"Tama, si Bermstone ang warlock na Chimaera"

"Isa siyang Jinn at hindi chimaera"-sambit niya.

"Yan ang inaakala mo "

"Anong ibig mong sabihin? "-Asha
"Kalimutan mo nalang.Siya nga pala patawarin mo ako binibining Asha kung natakot kita at muntik na kitang patayin."-nginitian niya lang ako.

"Anong pangalan mo siguro naman mayroon ka non? "-Asha.

"Kai"

"Nice to meet you Kai "-naglahad siya ng kamay na ipinagtaka ko.

"Ay dimo ba alam dapat tanggapin mo at makipagkamay ka ibigsabihin ikinagagalak mong makilala ako "-nakakatuwa naman ang pakikipagkamay.

"Binibining Asha mas maganda ka kapag nakangiti "-sambit.

"Salamat "-nahihiya niyang sambit.

"Saan ka nakatira ihahatid na kita"-nagulat siya sa tanong ko.

"Paumanhin umalis ka pala sa inyo "-napangiti nalang siya.

"Mapagkakatiwalaan ba kita? "-ako naman ang nagulat sa tanong niya.

"Oo binibining Asha nakakasigurado akong hindi kita sasaktan o papatayin "

"Kung ganon inaanyayahan kita sa aking tahanan. "-Asha.

"Hindi ba't umalis ka sa bahay niyo? "

"May sekreto akong tirahan bale ito ang pangatlo kung bahay wag mong sasabihin kay Bermstone.. maliwanag? "

"May mahika siya mahahanap ka niya kahit diko sabihin "

"May natutunan akong mahika di niya ako mahahanap "-palihim akong napangiti sa kanya. Binuhat ko na siya at inilipad patungo sa sinasabi niyang tirahan niya itinuro niya ang direksyon sa akin kaya di ako nahirapan.

Enigmatic MnemonicsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum