Kabanata 2: Sino kaba talaga?

34 5 0
                                    

Pagsapit ng bukang liwayway makikita ang kagandahan ng Paris.Maraming nagnanais na makarating sa lugar na ito.Hindi ko maipagkakaila na nasisiyahan ako at dito ako nakatira. Speos Paris Photographic Institute ang eskwelahang pinapasukan ko.Kapag nahahawakan ko ang aking camera ako'y natutuwa sapagkat paborito kung kumuha ng mga litrato.Habang ako ay naglalakad patungo sa aming eskwelahan napapaisip ako ng malalim.

"Bestfriend napakaseryoso mo ata!"-maligayang bungad ng matalik kung kaibigan.Naudlot ang aking pag-iisip.

"Ah wala! wag mo nalang pansinin"-sagot ko.

"Ikaw ah andami mo nang nililihim sa akin nagdadamdam na ako sayo"-umakto siya na malungkot.

"Ikaw talaga Fiera tigilan mo nga ko,lihim nga di ibig sabihin hindi pwedeng ipagkalat"

"Napaka mo talaga.... damot"-sinimangutan niya ako.

"Halika na,Si Ms. Horror Terror ang unang instruktor natin"

"Nakakainis naman,si mangkukulam ang kukunan na naman natin ng litrato yong nakakatakot niyang mukha"-inis niyang sambit.

"Hahahah!!magtigil ka baka marinig ka niya ibagsak ka pa"

"Eeh"

Nagsimula na ang kagimbal-gimbal naming klase. Nakakakilabot, tila nasa sementeryo ka na kumukuha ng litrato ng matandang hukluban na malaki ang mata mas nakakatakot ba sa bruha...

Mabuti nalang talaga hindi siya ang instruktor namin pagdating sa pagguhit dahil di kakayanin ng mata ko at pula kung buhok ang igguhit yang hukluban nayan nagsasabi ako ng totoo.At ang pinakapaborito ko sa lahat kapag nasa eskwelahan ay ang pagkukwento.Ng matapos na ang klase namin kay Ms. Tersya agad akong pinagkumpulan ng mga kamag-aral ko at nasasabik na lumapit sa akin ang matalik kung kaibigan.

"Asya patingin kami ng bago mong iginuhit tapos magkwento ka ulit"-aniya.

"Oo nga kahit nong isang araw na pinagpipilitan mong totoo si Wavern"-sabi ni Yna.

"Ay tama ka yong dragon na nag-aanyong ibon.Kahit hindi totoo na-e-engganyo parin ako"-Kash.

"Eh hindi naman pala kayo naniniwala,totoo naman kasi yon"-pagpipilit ko.Totoo kaya si Wavern siya pa nga ang nagdadala ng mensahe sa akin at nagsasabi kung may ipag- uutos si Bermstone.Kahit sino naman talagang iisipin nilang baliw ako kasi di nila alam ang kinalakihan kung buhay. "Sige pagbibigyan ko  na kayo"-agad kung ipinakita yong mga larawan na iginuhit ko.

"Ang galing mo  talagang gumuhit nakaka- inggit "-Yna.

"Ang ganda naman niya lalo na yong mala-anghel niyang  pakpak.Sino naman siya? "-natutuwang tanong ni Francine.

"Yan si Sari ang mabait na Tagapag-alaga ko at masarap siyang magbake ng croissant"-pagyayabang ko sa kanila.

"Nako nakakasigurado ako isa na naman ito sa nilikha ng kaniyang imahinasyon wag nga kayong nagpapaniwala sa weirdong babae na yan!"-sabat ni Venus.

"Inggit ka lang,pwede ba kung wala  ng lalabas na maganda diyan sa bibig mo lumayas ka dito di namin kailangan ang opiniyon mo"-saad ni Feira.

"Hayaan mo na nga"-suway ko.

"Kung ano ang iginanda ng pangalan siya namang ikinapangit ng ugali maldita"-pagtataray ni Yna.

"So tapang-tapangan ka ngayon ikaw Yna tandaan mo sampid ka lang sa buhay ko kayat wag kang nagtatapang tapangan baka dimo kayanin kapag ibinagsak kita"-matapang na litanya ni Venus.

"Yna anong sampid ang sinasabi ng bruha na yan "-nakayuko ang ulo nakakakuyom ang kamay at hindi nagsasalita si Yna.

"Oh ano? Nasan ang tapang mo umurong na ba pati dila mo? Palibhasa anak ka lang sa labas siguro kagaya mo ang nanay mo malandi (Pak)"

"Wag na wag mong lalaitin ang nanay ko dahil kami ang unang naging pamilya niya at kung hindi ka dumating masaya sana kami buhay pa sana si mommy siya sana ang pinakasalan hindi ang mommy mo kung tutuusin ikaw ang namamalimos ng pagmamahal subukan mo pa akong ipahiya hindi lang sampal ang aabutin mo hinding-hindi na ako papaapi sayo"

"Talaga, at kami ang kasama niya wala kaming pakialam kung ampon,sampid o mahirap siya basta't totoo siya sa sarili niya tatanggapin namin siya.Ikaw bukas na ang pintuan ng impyerno maaari ka nang umalis.. o baka gusto mo samahan pa kita"-pagtataray ni Francine. Agad namang umalis na galit si Venus natawa nalang kaming lahat.Nagpasalamat naman si Yna sa amin dahil di kami lumayo o nagalit sa kaniya dahil sa nalaman namin.

Madali lang naman magsabi ng totoo kaso hindi naman sila naniniwala.Kaya imbis na magsinungaling dinadaan ko nalang sa kwento ang buhay ko kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko.

"Asya!tulala ka na naman diyan"-Feira.

"Nga pala Asya simula nong nag-aral ka dito hanggang ngayon wala parin kaming alam na personal na impormasyon tungkol sayo"-Yna.

"Kasi nga di naman ganon kainteresado ang personalidad ko"-para namang maniniwala kayo pagsinabi kung lumaki ako kasama ang dalawang JINN at WAVERN sa mga iginuhit ko palang ayaw na nilang maniwala.
"Jinn: nakakapag-anyong tao at hayop na may mahika"

"Bakit ba talaga pula ang kulay ng buhok mo?"Kash.

"Simula nong nag-isang taon ako unti unting naging pula ang mga hibla ng buhok ko"-paliwanag ko.

"Nakakamangha naman subalit lubha akong naguguluhan,para bang nababalutan ka ng misteryo kahit matagal na tayong magkakaibigan may isa paring tanong na gumugulo sa akin Sino kaba talaga?"-Kash.

Enigmatic MnemonicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon