Prologue

99 7 6
                                    

***********

Interesado ka bang malaman ang

mga hindi kapani-paniwalang bagay at mga kwento?

Mundong hindi mo inaakala,mga dimensyong iyong makikita.Matutuwa?magtataka?,mamamangha? o matatakot?.Mga mundong punong-puno ng mga misteryo,kakaibang bagay at mga kakaibang nilalang na may katawagan.Sila ang hindi mo aakalain na nakakasalamuha mo pala bilang tao,nadadaanan,nakakausap.Kailangan mo na bang mabahala?

Unti-unti mong alamin ang bawat detalye handa kana ba??

Kung oo simulan mo nang magtago dahil ilan sa mga mababasa mo ay hindi ka patatahimikin hindi mo alam baka nakabantay sila sayo at ika'y sinusubabayan o baka konektado ito sa iyong pinagmulan.....mag-iingat ka dahil ang mga malalaman mo ang maglalagay sayo sa peligro.Tik tak, tik tak,tik tak,tik tak,tik tak!!!!

                         ***************

"Pinagloloko ba ako ng librong ito magtago daw at bakit ko gagawin yon.Mga libro nga naman sadyang kaakit-akit basahin lalo na't napakamisteryoso ng kaniyang pamagat"

"Oh bakit ganiyan ang mukha mo di maipinta?"

"Bakit pintor ka na po ba ha?"

"Ikaw,bata ka napaka pilosopo mo ano na?"

"Teka lang ate Sari mainit agad ang ulo,kasi naman po nakahanap ako ng librong misteryoso ang pamagat niya'y napakalalim tila ba inaakit akong basahin siya"

"Asha patingin ako ng libro baka kinuha mo na naman yan sa silid ni Bermstone,Nako lagot ka na naman sa kaniya"-Sari.

"Hindi ko ito kinuha sa silid niya,binili ko ito sa antique shop malapit sa eskwelahan namin"-inabot ko naman sa kaniya yong libro.Gulat na gulat siya ng masilayan ang libro tila ba nakaramdam siya ng kaba

"Ate Sari bakit??"

"Wag na wag mong babasahin ang librong ito"

"Pero bakit anong dahilan?"

"Basta,wag mo na itong gagalawin mangako ka sakin"

"Napakarami niyong inililihim sa akin labim walong taong gulang na ako... pero hanggang ngayon marami parin akong hindi naiintindihan at mga tanong na wala paring kasagutan"-malungkot kong litanya.

"Asha lahat ng yan may dahilan at kasagutan malalaman mo sa takdang panahon,at si Bermstone ang magpapaliwanag sayo"

"Sana sa takdang panahon maintindihan ko lahat pati narin ang pang-iiwan ng magulang ko sa akin lalo na ang mga lihim na pilit niyong itinatago at mga kasagutang pilit niyong inilalayo"

"Alam ko naman na nababagabag kana ngunit sana maintindihan mo si Bermstone.Ayaw ka niyang mapahamak.Isa kang mundane magsaya ka gaya ng iba mong ka-edad wag mo munang isipin ang mga yan hayaan mo munang si Bermstone ang umintindi sa lahat"-paliwanag ni Sari.

"Oo mundane ako sa madaling salita tao tama?"-tumango siya sa akin.

"Normal nga ako pero ang buhay ko hindi...Kaya hanggang ngayon pinipilit ko paring maging normal ang pamumuhay.Kasama ang mga Warlock, nangongolekta ng abo at buto kapag pinatawag ni Bermstone NORMAL nga ang buhay ko..Mauna na ako"-napailing nalang sa akin si Sari.

Ganito kakomplikado ang buhay ko pero kahit papaano masaya ako.

Enigmatic MnemonicsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang