🌹CHAPTER 11🌹

747 17 1
                                    


Sinalubong kami ng malakas na hiyawan mula sa labas ng court dahil may paliga pala ngayon. Oo nga pala taon-taon na ginaganap ang mga palarong katulad neto. Pag dating namin sa loob ng basketball court ng school, agad kaming nag hanap ng pwesto kasi kanina pa nagrereklamo itong mga kasama ko, sakto naman na may umalis sa bandang harap sa pinakauna kaya doon kami pumwesto.

Saktong pagkaupo namin ni Belle at iba pang kaibigan mga namin ay naghiyawan ulit ng malakas ang audience at napatingin ako sa ginta ng court na kung saan hawak ni Tra- Zach ang bola at seryosong seryoso ito sa pag  lusot mula sa kalaban at hindi naman nabigo ang mga taga hanga nya dahil nalinlang ang kalaban sa ginawang move ni Zach.

Hangang hanga naman ako sa galing nya. Hindi naman ako mahilig manood ng basketball sa katunayan napilit lang ako nila Belle dahil sa libre syempre sino ba naman ako para tumaggi grasya na ang lumalapit mga pips.

Hindi maipagkakailang magaling talaga siya at ang iba pa nilang ka team.

Goooo Zach!!! AAAAHHHHH

GOOOO BABYYYY NUMBER 21!!!

yan ang mga maririnig mo ngayon dito sa court at halos mag wala na ang mga fans nila at syempre hindi din magpapatalo ang fans ng kalaban nila Zach at halos mag paligsahan na sila sa palakasan ng pag cheer.

"Grabe ang galing talaga ni Zach walang kupas ang galing nya" Tuwang tuwa na sabi ni Reeza na kulang nalang tumalon na sya mula dito sa bleachers pababa sa court

"Oo nga, halos nasakanya na ang lahat ng katangiang pinapangarap ng lahat ng babae" pag sa-sangayon naman ni Rhea kay Reeza.

Hindi naman ako nag salita at nag focus nalang sa panonood ng laro kasi painit na ng painit ang laban.

"Balita ko uuwi dito sa Pilipinas ang lolo ni Zach next week para sunduin sya, alam nyo namang matagal na syang pinipilit na manirahan sa abroad pero matigas ang ulo ni Zach" Pagsisingit naman ni Belle na syang naka agaw ng pansin ko, kaya pinagpatuloy ko ang pakikinig sakanila.

"Nako manood nalang muna tayo tignan nyo dalawa nalang ang lamang ng kalaban" Singit ni Jaira at napatingin naman kami sa score at totoo ngang dalawa nalang ang lamang ng kalaban sa team nila Zach.

Napatingin naman ako sa gawi ni Zach na kasalukuyang nakatalikod sa gawi namin at nakikinig sa sinasabi ng coach nila, makikitang pagod na pagod na ito, siguradong kanina pa sya naglalaro.

Bumalik na ulit sa gitna ng court ang mga manlalaro at nagsimula na ulit ang laro.

Napatingin ako sa oras at nanlaki ang mata ko ng makitang last 30 seconds nalang. Nag hiyawan muli ang entablado nang maagaw ni Xavier ang bola mula sa kalaban at ibinato ito kay Zach agad namang tumakbo si Zach sa ring at nang i sho shoot na ito

"GOOOO TRAVIS!!! PAG HINDI MO ISHINOOT  YANG BOLA ASAHAN MONG HINDI NA TALAGA KITA PAPANSININ FOREVERR!!" Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako ng pagka lakas lakas, maging ang mga nanonood ay napa tahimik din.Nakakahiya ang awkward lahat sila ay nakatingin saakin. Pinagdarasal kong sana lamunin nalang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Napatingin naman ako kay Zach na nakatingin din ito saakin at naka ngisi pa kumindat muna sya bago ito shinoot at hindi kami nabigo kasi naka 3 points sya. Ang team nila ang itinalang champion. Naghihiyawan at nag wawala sa saya ang mga tao sa loob ng court dahil sa pagkapanalo nila Zach.

Nagulat ako kasi tumakbo papunta sa gawi namin si Zach, ako naman ay hindi ko alam ang gagawin ko kasi nahiya ako nang maalala ang kahihiyang ginawa ko kanina.

Nang makatapat sya saamin, nakatingala sya ngayon saakin at malaki ang ngiti. "Wala manlang bang tubig jan babe?" Pilyong sabi niya at ngiting ngiti pa ang loko

"Oy Sam tubig daw sabi ni BABE mo" Hindi ko namalayang napatulala na pala ako at inemphasize pa talaga yung babe. Aangal pa sana ako kaso tinulak tulak na nila ako pababa.

Hawak ko parin pala yung tubig na dala ko kanina at may bawas ito ng kaunti. Ngayong kaharap ko na sya hindi ko alam kung anong gagawin ko nagulat nalang ako ng inagaw nya ang bottled water na hawak ko sabay inom ng dire diretso.

"Paano ba yan na shoot ko yung bola. Ano, bati na ba tayo?" Tanong ni Zach na hindi mawala wala ang ngiti sa labi nya. Naisip ko naman yung ginawa nyang kabutihan noong nakaraan at yung pag walk out ko kaya papatawarin ko nalang sya. Isa pa masyadon naman akong mababaw kung pinag patuloy ko pa ang pag snob sa kanya.

"Sige pinapatawad na kita basta ipangako mong hindi mo na ulit ako hahalikan" Sabi ko pa nakangiti naman syang tumango. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila palabas sa court, narinig ko pang tinatawag sya ng team mates nya pero hindi nya pinansin ang mga ito. "Hoy saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya ngunit pinagpatuloy lang nito ang pag hila saakin.

Napansin kong papunta sa parking lot ang daang tinatahak naming kaya hindi nalang ulit ako nag salita. Nang makarating kami sa tapat ng kotse nya pinag buksan nya muna ako ng pinto bago sya pumunta sa drivers seat.

Nnag paharuthutin na nya yung sasakyan hindi ko na napigilang mag tanong “S-saan tayo pupunta?” Sumulyap sya saakin saglit bago binalik ang tingin sa daan. Sa bahay, dun tayo kakain. Maikling sagot nya at parang biglang nawala sya sa mood.

"Pero baka hanapin ka ng mga kaibigan mo, isa pa bakit dun pa sa bahay nyo kung pwede naming sa labas nalan--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla syang tumingin saakin. "Ayaw mo ba?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at yung mata nya ay parang nagungusap na pumayag nalang ako.

"Hindi naman sa ganon pero kasi baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo" Sagot ko sakanya. "May pag uusapan tayo mamaya kaya naisip kong sa bahay nalang kita dadalhin." Sagot niya. Ako naman ay na curious kung ano kaya ang pag uusapan namin.

Tango nalang ang sinagot ko sakanya, tabging ang radiyo lang ng kotse ang nag bibigay ingay sa buong sasakyan. Habang binabagtas naman naming ang daan papunta sa bahay nila may mga  nadadaanan kaming malalaking bahay na nagpamangha saakin dahil ang tatayo at ang gaganda ng disenyo ng mga bahay. Maya-maya pa ay hininto nya ang sasakyan sa pinakadulong bahay sa village.
Namangha ako sa sobrang laki ng bahay at para saakin ito ang pinaka Malaki at pinaka magandang bahay sa village kumpara sa iba pang mga bahay na nadaanan nila.

"Welcome to my home". Sabi nya at bumaba na sya ng sasakyan at pinag buksan ako ng pinto. Agad akong lumabas at pinagmasdan ang modernong struktura na nasa harapan ko ngayon.

Yan munaaaa

[ON-GOING]ARRANGED MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon