Humugot siya ng malalim na paghinga bago siya nagpatuloy.

"He hated you at first. Lalo na nang bumalik dito si Rafael sa unang pagkakataon na sinikap ni Aurelia na ibigay ang buong atensyon niya sa anak niya."

"Hindi ko siya masisisi, Lola," sabi ko na sinundan ng sunod-sunod na paghikbi. "I was mean."

Umupo si Lola sa kama ko saka siya tumingin sa labas ng bintana.

"Nitong nakalipas na mga taon na narito ka sa akin ay panay ang tawag ni Rafael dito. Palihim ka niyang kinukumusta. Tulad din ni Manuel noon kay Aurelia. Masyadong overprotective..." sandaling nahinto sa pagsasalita si Lola at pinuno niya ng hangin ang dibdib niya.

"Hindi itinago sa akin ni Rafael ang ginawa niyang kapangahasan sayo noon na iniisip niyang dahilan kung bakit nagpasya ka na lisanin ang hacienda. Kaya nang makita ko ang ayos ng silid niya kanina ay gayun na lamang ang takot ko na muling naulit ang nakaraan."

"I-I gave myaelf freely... it... it was such a wonderful thing. Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Rafael sa kabila ng galit ko sa kanya."

"Pero ang lahat ay nagbago dahil ipinilit ko sa kanya na magpapakasal ako kay Jako. Pinagbintangan ko rin siya na kaya niya ako inaalok ng kasal ay dahil gusto niyang makuha mula sa akin ang lahat ng kayamanan ng mga Certeza." I bit my lip saka ako tumingin sa nahahapong mukha ni Lola.

Kinakabahan ako na baka lalong makasama kay Lola ang mga ipinagtatapat ko sa kanya.

"Nagalit siya nang husto sa akin. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Oh God, kasalanan ko ang lahat." frustrated na sambit ko habang muling pinupunasan ang mga luha ko.

Hinaplos ni Lola ang pisngi ko. Napasulyap ako sa kanya. Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya ngunit malungkot ang mga mata niya.

"Nasa sa iyo na ang daan kung paano kayo muling magkakasundo ni Rafael, Ivan."

Marahan siyang tumayo saka na nagpaalam. "Gusto ko na munang magpahinga."

"Lola," sambit ko.

Humarap naman siya sa akin at pinagmasdan niya ako sa nakakaunawang tingin.

"Maraming salamat po." sabi ko. "Sa pagmamahal at pag-aalaga."

Umiling siya. "Hindi mo kailangan magpasalamat dahil kahit ano pa man ang natuklasan mo ay mananatili tayong isang pamilya."

"Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Mama. Inakusahan ko siya behind her back. Napakasama ko para paghinalaan sila ng ganun."

"Nariyan si Rafael, iho. Sa kanya ka humingi ng tawad. Mahal na mahal ka niya at sana ay huwag mo nang sayangin pa ang pagkakataon na maging masaya kayo na magkasama."

"Lola," muli ay tawag ko sa kanya. "Thank you so much for caring and loving me sa kabila ng katotohanan na hindi ninyo ako tunay na apo. Sa kabila ng katotohanan na inangkin ko ang pagmamahal ni Mama sa halip na kay Rafael niya iyon ibinigay. No one could have love me better..." muli ay suminghot ako at sa gumagaralgal na tinig ay idinugtong ko: "But you know I love you so much. Kayo ni Mama."

Isang ngiti ang sumilay sa tuyot niyang labi. "You're not that bad. Malambing at mabait ka. Maalalahanin. Kaya nagtataka ako kung bakit masungit ka kay Rafael. You've got me curious for a long time, now I know, you love him."

Humakbang na siya patungo sa pinto. Pagkatapos ay muli siyang lumingon. "And Ivan, I love you too." sabi niya.

Napangiti naman ako saka na siya tuluyang lumabas ng silid ko.

Hinayaan ko muna na makapagpahinga si Lola. Habang nasa bahay ako ay iniisip ko na kung paano ko kakausapin si Rafael.

Alam ko na galit siya sa akin matapos ang masasakit na salita na natanggap ko mula sa kanya. I deserved them.

Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya matapos ang mga natuklasan ko tungkol sa totoong pagkatao namin.

Marami akong naging kasalanan kay Rafael at sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung mapapatawad pa ba niya ako.

Ngunit kailangan kong sumugal. Lalo na ngayon na napatunayan ko na sa sarili ko na mahal ko nga siya.

Hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang lahat ng pinagdaanan namin. Ngunit paano kung ayaw na niya sa akin? Matapos ko siyang pagbintangan ng kung anu-ano.

Nanlulumo ako na napasubsob sa unan ko. Siguro ay kailangan ko nang tanggapin ang magiging kapalaran ko sa sandaling hindi na niya ako tanggapin pa sa buhay niya.

Kinabukasan ay ibinigay ni Lola sa akin ang pangalan ng totoo kong ina. Sinabi rin niya kung saang sementeryo ko matatagpuan ang kanyang mga labi.

Nagtungo ako doon at nagpasalamat sa pagbibigay niya ng buhay sa akin kahit na ang naging kapalit ay ang kanyang sariling buhay.

Kahit hindi ko siya nakilala mula noong maliit pa ako ay nararamdaman ko sa puso ko ang pagmamahal ko para sa kanya.

Matapos kong dumalaw sa puntod ng Nanay ko ay nagpasya na ako na bumalik sa San Isidro upang itama ang lahat ng mali sa buhay ko.

Hindi ko muna isinama si Lola dahil gusto ko munang makasiguro na magkakasundo nga kami ni Rafael.

Sa sandaling hindi niya ako tanggapin ay ipapahatid ko na lamang doon si Lola saka na ako magpapakalayu-layo upang hanapin ang sarili ko.

Hindi ako dumiretso sa hacienda. Nagtungo muna ako sa puntod nina Mama at Papa.

Nagpasalamat ako sa ibinigay nilang pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Humingi na rin ako ng tawad para sa lahat ng naging kasalanan ko sa kanila. Lalo na kay Mama.

Madilim na nang makarating ako sa villa. Masayang sumalubong sa akin si Ryle. Niyakap ko siya at hinalikan.

Pagkatapos ay hinanap ko si Rafael kay Nana Sita ngunit ang sabi niya ay hindi pa raw ito nakakauwi. May importanteng bagay na inasikaso at hindi niya alam kung anong oras na ito makakabalik.

Hinintay ko siya na makauwi. Pinatulog ko na rin si Ryle at dahil sa paghihintay ko sa kanya ay nakatulog na rin ako nang hindi ko namamalayan.

Kinabukasan ay muli ko siyang itinanong kay Nana Sita. Ang sabi niya ay maaga raw dumating at hindi na rin daw natulog.

Nagtungo raw kaagad ito sa manggahan at nanlumo ako nang sabihin niya na kasama nito si Celine.

Beloved Bastard (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt