Chapter 24

8.1K 404 106
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Hindi ko matiyak kung tama nga ba ang narinig ko. Nakita ko na muling naglakad patungo sa bintana si Ralf saka siya tahimik na tumanaw doon.

"H-hindi ba kayo... nag... nagkakamali lang, Attorney?" nauutal na sambit ko.

Sinulyapan ko si Ralf na nanatiling nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana. Kung ano man ang tinatanaw niya sa labas ay hindi ko alam.

Huminga ng malalim ang matandang abogado pagkatapos ay may nakita akong simpatya sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

"This will was executed five years ago, Ivan. Sa harapan mismo ng Papa mo. Pero may kundisyon na naka-attached sa testamento." sabi niya.

Hindi ko natatandaan na tinanong ko ang tungkol sa kundisyon. Basta nakatulala lang ako sa labas ng bintana kung saan nakatanaw si Ralf.

Ilang sandali pa ay binasa pa rin ng abogado ang kundisyon kahit na hindi ako nagbigay ng pahintulot.

"Ang sabi dito sa testamento ay nasa pagpapasya pa rin ni Rafael kung ililipat niya sa iyo ang karapatan na magmay-ari nitong villa. Iyon ay kung pagkatapos basahin ang testamento sa harapan mo ay mananatili kang naninirahan sa bahay na ito kasama ni Rafael sa loob ng tatlong buwan. O di kaya naman ay kung hindi mag-aasawa si Rafael sa loob ng tatlong buwan na iyon. Ngayong araw ang simula nito."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa loob ng silid. Binasag na lang iyon ng matandang abogado nang marahil ay mainip siya.

"Hindi ko alam kung anong alitan ang mayroon sa pagitan ninyong dalawa ngunit maipapayo ko na sana ay maayos ninyo ang problema ninyo. Kung may kailangan kayo ay tawagan na lamang ninyo ako. Alam ni Rafael ang numero ko." sabi ng abogado.

Hindi ko na namalayan pa ang pag-alis ng matanda. Shock is an understatement sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Nanlalamig ang buong katawan ko at gusto kong sumigaw nang malakas upang maibsan ang bigat sa dibdib ko.

"Ivan," narinig kong sambit ni Ralf sa pangalan ko.

"Shut up!" galit na sigaw ko sa kanya.

Nagbabaga ang mga tingin na ipinukol ko sa kanya kasabay ng pamumuo ng mga luha ko.

"Hindi ko alam kung paano mo na-manipulate si Mama na gawin ang bagay na ito! At lalong hindi ako makapaniwala na sinang-ayunan ni Papa!" sigaw ko sa kanya.

Buong panlulumo kong iniikot ang paningin ko sa loob ng malaking silid na kinaroroonan namin.

"This is my home," halos bulong na lang na sabi ko nang tuluyan na akong maiyak. "Ikaw ang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay iniwan ko ang bahay na ito. Hindi bale na ang ibang materyal na bagay na nawala pero ang bahay na ito... I grew up here... I... I..."

Hindi ko na naituloy pa ang ibang sasabihin ko dahil sa matinding panlulumo. I sobbed painfully.

At sa dalawang hakbang ay nasa tabi ko na si Rafael. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya ako itinaas.

Wala na akong sapat na lakas para tabigin pa siya. Nanghihina na nang husto ang buong katawan ko.

Nagulat pa ako nang bigla na lamang ay yakapin ako ng mahigpit ng lalaking kinamumuhian ko.

Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nagkakadikit kami ng ganito ni Ralf.

"Maniwala ka, Ivan. Hindi ko alam ang tungkol sa testamento ni Tita Aurelia." aniya sa garalgal na tinig.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now