Chapter 27

8.7K 414 82
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

On the Road

Dahil na rin sa kakapiranggot na pag-asa na magbabago ang ihip ng hangin at sa huli ay mabawi ko pa rin ang villa kay Rafael ay minabuti ko na sundin na lang muna ang clause ng punyetang testamento ni Mama.

Subalit tumanggi si Jako na makisabay sa amin sa kabila ng pakiusap ko sa kanya.

Hindi ko gusto na makasama sa biyahe si Rafael sa loob ng ilang oras pero wala akong magagawa.

Sa loob ng isang oras na biyahe mula nang makaalis kami sa San Isidro ay wala na kaming kibuan.

Si Ralf ay nakatuon ang buong pansin sa daan. Sa sulok ng mga mata ko ay pinagmamasdan ko siya ng lihim.

Tall, big, and sexy. Hindi ko maitatanggi iyon.

I had never met anyone like him.

Kahit si Jako na kung tutuusin ay higit na magandang lalaki kay Ralf. Higit na pino at gentle.

This man is rough and a little bit savage. Bihirang ngumiti at kapag ngumiti naman ay tila ba inobliga lang niya ang kanyang sarili.

Prominente ang square jaw na nangangasul-ngasol mula sa razor blade. A hard face, hawkish like.

I thought that the only thing that look soft sa mukha niya ay ang mga labi niya na napakasarap humalik.

It looked soft and firm and sexy. And it felt soft too.

No man could have a sexier mouth. Ang halik na ibinigay niya sa akin sa hotel ay lubusang tinakpan ang mga halik na ginawa niya sa akin five years ago.

Ang mga mata naman ni Rafael... maiitim na tila nagtatago ng napakaraming lihim bagama't sa maraming pagkakataon ay naroon ang pain and bitterness.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ivan," bigla ay sambit niya saka niya ako nilingon sandali bago niya ibinalik sa daan ang tingin niya.

"You have this habit of staring and watching me silently," hindi ko matiyak kung amusement nga ba ang nahihimigan ko sa tinig niya.

"Pinapanood mo ako mula sa silid mo sa tuwing naglilinis ako ng kuwadra at pinapaliguan ko ang mga kabayo. Lihim mo akong tinititigan sa tuwing magkakasama tayong kumakain sa mesa. And I saw fire in your eyes sa tuwing kausap ko si Tita Aurelia at si Celine at iba pang mga babae na nagpupunta sa villa..."

Napahugot ako ng matalim na paghinga dahil sa mga huling sinabi niya. Nag-alis ako ng bara sa aking lalamunan to say something back pero walang tinig na lumabas dahil sa pagkapahiya. Dahil alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng iyon.

"Minsan ay masarap isipin na kaya ka ganoon ay dahil nagseselos ka kay Tita Aurelia at kay Celine atbsa iba pa." dugtong niya.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng bibig niya nang lingunin niya ako bilang pagngiti.

Hindi siya nanunuya. I am sure that there was something wistful in those eyes.

"Mangarap ka!" asik ko.

Lumapad ang mga ngiti ni Rafael dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ay parang ang gwapo niya kapag nakangiti siya.

"Parati kitang pinapangarap, Ivan." sabi niya at bumaba ang tingin niya sa makikinis kong hita na nakalantad dahil mas pinili ko na magsuot ng may kaiksiang short kaysa magpantalon.

Bakit ba? Uso ngayon ang above the knee na shorts at mainit ang panahon.

Napatingin ako sa kakaibang mga ngiti ni Ralf. Naconscious tuloy ako. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa mga tingin niya. At least mentally.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now