Chapter 41

8.8K 377 68
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Napasinghap ako nang mabasa ko ang mga huling kataga. Hindi ko na nakagisnan si Lolo Adolfo ngunit walang nabanggit sa akin sina Lola tungkol sa kanya.

Dala ng kuryosidad ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa diary ni Mama. May palagay ako na narito ang lahat ng kasagutan sa mga bagay na matagal nang bumabagabag sa isipan ko.

Aurelia Certeza's Diary

Sabay na inilibing sina Don Adolfo at Manuel na hindi nadaluhan ni Aurelia dahil sa trauma na sinapit niya.

Nalaman ni Aurelia at ni Donya Corazon mula sa mga kaibigan ni Manuel na ang kasintahan ni Manuel na si Mindy ay pumatol sa ibang lalaki.

Iyon at ang alak at ang droga ang naging dahilan upang magawa niya ang bagay na iyon kay Aurelia.

Upang makaiwas sa eskandalo at sa mga usap-usapan ay ipinadala ni Donya Corazon si Aurelia sa ibang bansa.

Ang mga dating katulong na naroon noong araw na mangyari ang krimen sa tahanan ng mga Certeza ay pinaalis at pinalitan lahat ng bago maliban kay Sita na itinuring na nilang kapamilya.

Ngunit hindi pa doon nagtapos ang lahat. Sa amerika ay nagbuntis si Aurelia at binalak niya iyong ilaglag ngunit napigilan siya ni Donya Corazon dahilan upang magkaroon ng alitan ang mag-ina.

Sa buong durasyon ng pagbubuntis ni Aurelia ay binantayan siya ni Donya Corazon upang hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan nila.

Matapos maipanganak si Rafael ay hindi man lang ito magawang tapunan ng tingin ni Aurelia.

Sa habag ng matanda ay napilitan siya na ampunin ang bata bilang sa kanya. Nakita niya kung paano kasuklaman ni Aurelia ang anak.

Dahil sa labis na pag-aalala ay ipina-therapy ni Donya Corazon si Aurelia at nang tuluyan nang makarecover ay pinauwi na niya ito sa Maynila.

Nagsimula ng bagong buhay si Aurelia. Kinalimutan niya ang lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya. Maging ang anak niya ay kinalimutan na rin niya at hinayaan na sa pangangalaga ng ina.

Bilang mabuting ina ay inalagaan at minahal ng matandang Certeza ang bata. Sa unang taon ay naging masasakitin ito ngunit sa katagalan ay sumigla at lumusog.

Si Aurelia ay pinili na magtrabaho bilang tagapamahala ng furniture factory ng mga Certeza. Namuhay siya na malayo na ang loob sa ina dahil sa mga panenermon nito sa kanya dahil lang sa bata na ayaw niyang makita.

Grade one na si Rafael nang makilala ni Aurelia si Lyndon. Isa sa mga mahuhusay na salesman ng kanilang kumpanya.

Nagkaroon ng lihim na pagtingin ang dalagang puso ni Aurelia para sa makisig na lalaki. Ngunit hindi niya maaaring aminin iyon dahil si Lyndon ay may asawa na at kasalukuyang buntis sa magiging anak nila.

Tinanggap naman ni Aurelia ang katotohanan na hindi na sila maaaring magkatuluyan pa ni Lyndon. Ngunit hindi nila tinapos ang pagkakaibigan nila. Maging si Teresa na asawa ni Lyndon ay nakagaanan na rin niya ng loob.

Sa kabila ng pagiging maingat ni Aurelia tungkol sa kanyang nararamdaman ay nahalata pa rin siya ni Teresa at nang minsan naagkasarilinan sila ay kinausap siya nito.

"Babae ako, Aurelia. Nararamdaman ko na may pagtingin ka sa asawa ko. Kahit ganun ay wala akong maipipintas sayo." sabi ni Teresa.

"Hindi ko gusto na makasira sa pamilya ninyo. Totoong nahulog na ang loob ko kay Lyndon ngunit nang malaman ko na may asawa na siya ay sinikap ko na itago iyon at tanggapin na lamang ang katotohanan na hindi kami maaaring magmahalan."

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now