Chapter 18

7 0 0
                                    

Tanging tunog lang ng tinidor at ang masaganang pagnguya ni Brian ang tanging maririnig sa kanilang mesa sa isang Italian restaurant. Nahihiya tuloy si Blair, sumandok sa cake na inorder ni Brian para sa kanya. 

"This is really good. The last time I ate here, maybe, it was during my final exam last year." Saad ni Brian habang iniinom ang juice. " I'm full"

Nalilito tuloy si Blair kung ano ang sasabihin.

"Why?" Tanong ni Brian ng mapansin na di siya nagsasalita.

"Ahmmm... wala naman. Nakakapanibago lang. " saad nito.

Ngumiti lang si Brian habang nagpupunas ng kanyang bibig.

"Hindi ka ba dinala ni Jorn dito? Most ex-girlfriend of him used to post photos of them together here. "Bigla namang ngumisi si Brian sabay sabi" Don't tell me, naaalala mo memories niyo dito?? Tell me, saang table kayo? Here, or there? " sabay turo sa isang mesa malapit sa isang bintana na may mga rosas. "

Umiling lang si Blair.

"Sa school lang kami nagkikita ni Jorn." Saad ni Blair. "Bookish ako during weekends. At na conclude ko na kaya siguro he finds me boring because he can't date the way his exes do. Gaya ng sabi mo. Pinapahalagan ko yung pag-aaral ko kaysa sa relasyon na yan. Madami akong gustong abutin ngayon. Mainlove mn ako in the future, sana naman sa tamang tao na. " saad nito.

" That was so cheessy Blair. At first, nalito ako ba't ka ex ni Jorn?. And then he told me whole story and yeah, he is really a jerk. Don't worry di na kita irereto ulit sa kanya. He'll be forever your ex." Sabay tayo ni Brian." Let's go.

Kanina pa tapos si Brian sa kanyang binabasang libro pero hanggang ngayon di pa rin maalis-alis ang libro sa kanyang mukha. Kanina pa niya naiisip ang mga sinabi ni Blair. Katulad rin niya, may binubuong pangarap din si Blair. Mali ang kanyang ginagawa. Dapat maging totoo siya sa kanyang mga kaibigan. Di dapat siya nakikipagplastikan. Kung gusto niyang maging Valedictorian, dapat ay mas mag-aral siyang mabuti. Natawa na lng siya sa kanyang sarili sa kanyang planong marumi para guluhin ang pag-iisip Blair at ng ma distract ito sa kanyang pag-aaral. Mali siya. Babaguhin niya na ang kanyang diskarte ngayon.

Tumayo siya at tumungo sa kaniyang banyo. Maliligo siya upang linisin ang sariling may maruming balak noon. Aalisin niya ang kanyang plano.

Naghubad at tinungo ang shower room. Nagpalamig ng sobra at ninanamnam ang tubig sa kanyang katawan. Totoo ngang mas magaan sa pakiramdam na alisin ang galit o anumang negatibong iniisip sa sarili.

Pagkatapos maligo, nagbihis at nagpaalam sa mga maid na may pupuntahan lang at itinaas pa ang cellphone na ipinapahiwatig na tawagan siya kung may kailangan. Tango lang naman ang sagot ng kanyang dalawang yaya.

Sumakay sa kanyang kotse at pumunta sa kanyang paboritong salon. Balak niyang baguhin ang kanyang hairstyle. Nagpagupit at medyo naglagay ng konting hair color sa kanyang buhok si Brian. Gwapong-gwapo siya sa kanyang sarili habang tinitingnan ang bagong gupit niyang buhok. Hinihimas pa niya ang dulo nito.

Napapangiti na lng siya sa tuwing naiisip ang mga posibleng reaksyon ng kanyang mga classmates lalo na si Blair kapag nakita siya.

Umuwi agad siya at sabay na nagpuri ang kanyang dalawang yaya sa kanyan. Kesyo dw ang gwapo na niya masydo. Dapat dw ay nag gigirlfriend na siya. Ngiti lang ang tanging nasagot niya sa dalawang kasambahay. Pero sa loob-loob niya, umaapaw ang saya at kung pwede lang tumalon ay gagawin niya.

Sabay silang nag dinner ng kanyang dalawang maid. Noon pa mn, kapag siya na lang ang naiiwan sa bahay ay pinapasabay niya ang kanyang mga maid sa pagkain. Lumaki siya kasama ng mga ito at di lang maid ang turing niya dito.

Pero minsan ay naiirita siya sa dalawa sapagkat bukambibig nito ang mga foreigner nila na mga jowa. Minsan ay nirereto pa siya sa mga babaeng foreigners. Kaya naiinis siya na sumabay ito sa kanya.

Pagkatapos ng dinner umakyat agad siya. Naglinis ng katawan at muling nagbasa ng mga nobela.

Pagkatapos ay naghanda ng matulog. Ngunit bago pumikit ay kinuha pa ang cellphone at nag selfie.

Gwapong-gwapo nga siya sa kanyang sarili. Natulog siyang may ngiti sa labi.

Kinaumagahan ay excited siyang pumasok. Wala siyang driver ngayon kung kaya't siya ang magdadrive.

May pakanta-kanta pa siyang nalalaman habang nagmamaneho. Pagdating sa eskwelahan ay nahinto siya ng may makitang may nagrarambolan sa gitna ng nakabukas na school gate nila. May nagsisigawan at kalaonan ay dumating ang kanilang school guards. Dahil sa pangyayari ay nilapitan siya ng isang school guard. Kinatok ang kanyang bintana.

Binaba niya naman ito.

"Good morning po Guard" bati niya dito.

"Good morning din. Sir, ako na po ang magmamaneho niyang sasakyan niyo patungong parking lot. 5 minutes at magbebell na. May rambolan po kasing nangyari. Kunin niyo na lng po sa information desk mamaya ang susi niyo. Saad nito sabay scan sa kanyang school I.d. at sticker ng kanyang sasakyan.

Bumaba siya at binigay ang susi pagkatapos ma scan ng kanyang I.d.

Noon niya napagtantong, lahat pala ng estudyante ay nakatingin sa kanya. Yung iba ay napapanganga pa. Kumunot ang noo niya at naisip na 1st time niyang mag drive ng kotse at naninibago lang ang lahat. Lumakad na lamang siya sapagkat may nakahilera pang kotse sa likod niya.

"Nakksss, ang gwapo niya pala."

Biglang napahinto si Brian. Noon niya napagtanto na nagpagupit nga pala siya. Ngumisi siya sabay lakad ulit at narinig niya naman ang mga bulung-bulungan kung gaano siya kagwapo.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya ng pumasok siya ng kanilang classroom.
Naghiyawan pa ang kanyang mga barkadang lalaki at pilit ginagaya ang mga bakla. Napapangiti na lng siya. Ngunit may hinahanap ang kanyang mata. Hinahanap niya si Blair. Wala ito sa upuan niya. Tatanungin sana niya ang kanyang barkada ng may marinig silang tawanan ng mga babaeng papasok sa kanilang classroom. Natigil ang ang tawanan ng ito'y kanyang lingunin.

"Brian"

GOT MARRIED WITH MY EXWhere stories live. Discover now