Chapter 26

2 0 0
                                    

Bakit uhaw sa'yong sayaw, bakit ikaw?
'Di bibitaw, sa'yong-sa'yo, laging ikaw
Ako'y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

Mga boses ng mga pinsan ni Blair na dumayo pa sa kanila para makipista sa kanila. Yan ang nadatnan nila Brian ng dumating sila kasama sina Owe,Kyle,Ercison, at Ron. Medyo nahiya pa sila kasi medyo madami pala ang bisita nila Blair. Buti na lang at naisipan nilang magdala ng cake.

"Pasok kayo mga anak" pansin sa kanila ng Tiyahin ni Blair. At siya namang paglabas ni Blair."Iha, mga kaklase mo ata eto.Dalhin mo na dun at ng makakain." sabi pa neto.

Ngumiti naman si Blair. " Opo Tiya. Sige po" sagot niya dito. "Pasok na kayo" imbita niya dito.

Pagpasok nila sa sala nila Blair ay naroon ang kaniyang Papa kasama ang mga kaibigan ata nito. Tumingin ito saglit sa kanila.

"Papa, mga classmate ko po" pagpapakilala ni Blair sa mga kaibigan.

Ngumiti naman ang ama at isa isa namang nagmano sina Owe at Kyle. At parang tuod naman sina Brian,Ericson, at Ron. Napansin naman sila ni Kyle. " Guys, magmano kayo ky Papa Novel" utos ni Kyle. " Ganito talaga kami dito"

Natawa naman ang Papa ni Blair. " Salamat naman Kyle at di ka nagbago. Nahihiya ata silang magmano sa akin" sambit pa ng Papa ni Blair.

Dali-dali namang lumapit si Brian at nagmano agad sa Papa ni Blair." Pasensya na po. Ako nga po pala si Brian" pagpapakilala ni Brian sa kanyang sarili. Lumapit naman sila Ericson at Ron sa ama ni Blair at nagmano din. 

"Ako po si Ericson" "Ako po si Ron" pagpapakilala ng dalawa. 

Natawa na lang sila Kyle sa inasta ni Brian. "Kaawaan kayo ng Diyos mga Iho. Sige na Blair, pumunta na kayong kusina para makakain na kayo"

"Sige po Papa." sagot naman ni Blair sabay inaya ang mga kaibigan.

Pagdating sa kusina, nadatnan nilang abala ang Ina nito sa paghahanda ng mesa.

"Mama, mga kaibigan ko po. Naalala niyo pa po ba si Kyle?" tanong niya sa Ina.

Ngumiti naman ang Mama ni Blair habang inaayos ang mga hinugasang plato. "Oo naman, sino ba naman ang makakalimot sa batang ito" sagot naman ng Ina nito. "Maupo kayo at ihahain ko lang ang kanin."

"Mama Ailey, may dala po kaming cake. HAPPY FIESTA !" masiglang pagbati ni Kyle at lumapit sa ina ni Blair para magmano at para na rin ibigay ang dala nilang cake.

"Naku nag-abala pa kayo, pwede namang hindi na magdala eh. Salamat sa cake mga anak." pagpapasalamat ng ina ni Blair.

"Walang anuman po yun" umupo naman na si Kyle habang sinisipat ang mga putahi sa mesa.

"Salamat po Mama Ailey" sagot naman ni Kyle. " Eto nga po pala si Owe, si Ericson,Ron, at si Brian po. " pagpapakilala  ni Kyle sa mga kaibigan sapagkat tumulong pa si Blair paghahanda ng mga pagkain sa mesa.Ngumiti naman ang apat sabay upo sa hapagkainan. Nang mahanda na ang lahat ay umupo na din si Blair. Katabi niya si Brian.

"Anak, maiwan ko muna kayo ah. Sasali lang ako sa kwentuhan ng mga Tita mo." pagpapaalam nito.

"Sige po Ma" sagot naman ni Blair. 

"Salamat po Mama Ailey" pahabol na sigaw ni Kyle.

"Ang ingay mo Kyle" rekalamo ni Ron. Sabay sandok ng kanin. Natawa naman ang lahat sa reklamo ni Ron.

"Sige na, kain na kayo." pag-aaya ni Blair.

Kanya-kanya ng sandok ang mga kaibigan ni Blair. Nanunuod lamang siya habang iniinom ang kanyang softdrinks.

"Ayaw mong kumain?" tanong ni Brian sa tabi niya ng mapansin siya.

"Busog ako. Tsaka kumakain kasi ako konti kanina habang nagluluto sila."sagot naman niya.

"Pang ilang bote ng softdrink mo na yan ? " tanong ulit ni Brian. " Alalahanin mo baka magkaroon ka ng UTI niyan." dagdag pa nito.

"Pangngalawa ko to ngayon. Karne kasi ulam kaya mas bet ko uminom ng softdrinks ngayon." sagot naman ni Blair.

"Last mo na yan" saad pa ni Brian.

"AWEEEEEEEEEEEEEEHhhhhhhhhh" pang-aasar naman ni Owe sabay tingin sa dalawa. Napapangiti naman sina Kyle, Ron, at Ericson.

"Ron, ganyan ka ba kay Mia? " pang-aasar na tanong ni Ericson. Tumawa naman si Ron.

"Sweet pala itong si Brian tol," sagot naman ni Ron. "Gagayahin ko nga siya mamaya kapag ka facetime ko na si Mia" sagot naman nito habang natatawa.

Natawa naman si Blair " Asus Owe ah, kapag kayong tatlo nagka jowa , aasarin ko talaga kayo." natatawang saad ni Blair.

Natawa naman ang apat. " Kung hindi ka naging kaibigan namin Pres, until now, masungit pa rin description ko sayo." saad naman ni Kyle.

"Ako din. Tahimik ka kasi tapos parang ayaw mong makipagkaibigan sa amin" dagdag ni Owe.

Natawa naman si Brian habang sumusubo ng pagkain."Ang sama ko naman sa paningin niyo." sagot ni Brian.

"Ako din" sabi din ni Blair. "Minsan ko lang  kasi kitang makita na kasama sina Ron." dagdag ni Blair.

"Tama" saad naman ni Kyle. " Tapos itong dalawa, ang aangas, akala niyo kayo lang may motor na bigbike sa school natin."

"Hoy bibig mo Kyle" depensa naman ni Ericson. "Di lang talaga namin kayo napapansin noon."

"Ganun? tsaka niyo na kami napansin ng nakakasama na namin si Blair?" balik na tanong ni Kyle sa dalawa.

"Kilala na namin kayo, pero alangan naman lapitan ka namin noh?" sagot ni Ericson at natawa naman sila sa sagot nito.

"Kaloka ka Ercison, seatmate tayo last year, pero ngayon mo lang talaga ako kinaibigan" sabi naman ni Kyle.

"Di pa namin feel na maging kaibigan kayo Kyle" singit ni Ron. "Kung hindi tayo naging classmate ngayon, baka hindi talga tayo ganito ka close.

"Namimili kasi kayo" saad naman ni Kyle.

"Hoy Kyle" depensa ni Ericson. "Hindi ah, bibig mo baka subuan kita nitong lumpia." pananakot nito.

Natawa naman sila Brian. "Kumain nga kayo ng matiwasay diyan. Baka marinig pa tayo dito ng magulang ni Blair" saad ni Brian. 

"Ganito na lang Ericson, para makabawi kayo, paki abot naman ng letchon at pakidagdagan ng suka" utos ni Kyle na lalong nagpatawa sa kanila.

"Inutusan ka tol" sabi ni Ron. " Halika ka Kyle, subuan ka namin para hindi ka na magtampo." pagbibiro naman ni Ron kay Kyle. Natawa na lang silang lahat sa kabaliwan nila.

"Subuan mo ako, pero wag yang kutsara mo, eto ang gamitin mo" saad naman ni Kyle habang winawagayway ang kutsara niya.

Puro tawa at asaran lang silang lahat sa mesa.

GOT MARRIED WITH MY EXWhere stories live. Discover now