Chapter 7.3

25 2 0
                                    

Aral

Aral

Aral


Yuko dito-basa doon-buklat jan-sulat dito

Yan ang routine namin ngayon ni Brian dito sa library. halos tunog lng ng pagbubuklat ang maririnig.


Mga ilang minuto din ay nag-unat si Brian. Napagod ata siya.


" Tara, punta tayong canteen." pag-aanyaya niya habang nagliligpit ng kanyang gamit.

" Di pa ako tapos, sige kaw na lang muna" sagot ko naman sa kanya.


"Eh, hintayin na lang kita. Ang boring naman ata kung ako lang mag-isang kakain dun." sagot niya.


"Ah, hindi na. Nakakahiya naman sayo. Una ka nadun tsaka di pa ako gutom" sagot ko din at nagpatuloy sa pagsusulat.


" Ok lang talaga na maghintay kahit isang oras ka pa jan" sagot na niya man.


Nangongosensya naman ata to oh.



"Ah eh sige na nga. Samahan na kitadun" sagot ko habang nagliligpit na rin ng gamit ko.


"Yun naman pala eh, Tara, treat ko" sabay tayo at ayos niya ng kanyang damit at buhok.



At yun nga naglakad na kami papuntang canteen.


"Hanap ka ng mauupuan natin. Bibili lang ako ng makakain ah" sabay punta sa counter.

Ako naman heto nakaupo lang habang tinitingnan siyang mamili ng makakain. Tsaka ko lang napagtanto siya pala yung nakalaban ko Scince Quiz Bee noon. Ah kaya pala parang familiar siya sa akin.

Dumating na siya na may dalang mga pagkain. Sandwich tsaka juice lang naman yung binili niya. Snacks lang naman kasi.Hehehe.


"Ready ka na ba sa competition? " tanong niya habang ngumunguya ng sandwich.


"Siguro. Tsaka dapat lang eh. ikaw?" tanong ko naman.


" Oo" sagot niya.


Nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay.

GOT MARRIED WITH MY EXМесто, где живут истории. Откройте их для себя