Chapter 22

3 0 0
                                    

Naka upo sa pangdalawahang sofa sila Brian at Blair. Parang isang interrogator naman si Kyle sa harap nila. At nakikinig lamang silang Owe, Ron, at Ericson sa gilid nito habang panay ang asaran.


"Grabe naman kayo mag sikreto sa amin.." pagmamaktol ni Kyle. "Blair, mula elementary tayo na ang sisters for life ah. Bakit ka naglihim sa akin?"

Mula sa gilid ay maririnig naman ang mga mumunting tawa nila Ron at Ericson.

"Hindi naman sa ganun Kyle. Ang drama mo" .. sagot ni Blair.

"Eh anu yun, ilang days ka na palang nililigawan ni Brian bakit di mo sinabi sa amin ni Owe?" madramang tanong ni Kyle.

"Eh kasi.."at hindi natapos ni Ella sapagkat sumingit na si Owe.

"Kyle, ok na yan. Alam naman natin na kung sasagutin ni Blair si Brian, tayo ang una niyang pagsasabihan." singit ni Owe.

"HINDI AH".. singit naman ni Ericson. " Mas kami ang mauunang pagsasabihan niyan"

Lumingon naman si Kyle sa dalawang lalaki pagkatapos ky Blair" Sila nga alam nila na nililigawan ka, syempre, sila din makakaunang malaman na mag-on na kayo" 

"Hindi Kyle, tayo parin unang pagsasabihan ni Blair sapagkat sila Ron ay si Brian na ang magsasbi sa kanila." singit naman ni Owe.

"Ay hindi. Mas nauna pa rin sila." matapang pa rin na sabi ni Kyle.

"Tayo nga kasi si Blair ang magsasabi sa atin"..ungot ni Owe.

"Kami nga mauuna" singit naman ni Ericson.

"Kami nga sabi Ericson" laban naman ni OWe.

"Sila talaga" angal ni Kyle.

"Ki..." naputol ang sasabihin ni Ericson sapagkat sumingit na si Brian.

Napalingon naman ang lahat kay Brian ng tumayo eto. Naguguluhan naman si Blair habang nakatingin kay Brian.

"Para matapos na ang giritan ninyo" ..bigla itong humarap kay Blair.." Blair, I know kulang pa yung mga efforts ko sa panliligaw, pero sana naman nakita mo yung sincerity ko. I am clear with my feelings for you. Gusto kita. I really like you. Sa harap nilang apat, ngayon,." huminga pa siya ng malalim " Can you be my girlfriend?"

Tulala ang apat na nakikinig maskin si Blair sa naging pahayag ni Brian. Kinikilig rin siya. Kumakabog ng husto ang puso niya. Ngumiti muna siya kay Brian bago marahang tumango. Ngunit walang reaksyon ang apat kaya "Oo, Brian. Sinasagot na kita" sabay ngiti niya sa apat pang nakikinig.

"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH" nagulat ang lahat sa biglang pagsigaw ni Brian.

"Congratulations Blair ! I am so happy for you. " At yumakap ito kay Blair. Nagpalakpakan naman ang lahat.

"COngrats BRO! Matinik ka nga" sabi naman ni Ericson kay Brian.

"Congrats ".pagbati naman ni Ron. Napangiti ng husto si Brian at lumapit kay Blair na nakangiti at namumula rin. Inakbayan niya eto sabay harap sa apat. " Oh happy na kayo? Sabay at witness kayo na mag-on na kami. Nasira tuloy plano ko " saad ni Brian sa apat.

"Sorry naman na Brian" sambit ni Kyle. "Naiinis lang ako sa inyo." saad nito.

Nagkatinginan lamang sila Brian at Blair.

Lunes ng tanghali. Kasalukuyang nasa library si Blair at Owe sapagkat may reporting sila sa Thursday. Si Kyle ang nasa dance room dahil may practice ito. Tumunog ang cp ni Blair.

Brian: Papunta na ako diyan. 

Blair: Ok.

Mga ilang minuto din ay dumating si Brian. Ngumiti naman si Owe nito habang patuloy na nagsusulat. Tumabi si Brian kay Blair. Inilapag nito ang bag at naglabas ng notebook. Kung si Kyle ang maglalarawan sa kanilang date, lagi niya itong sasabihang "the boring couple" sapagkat kung hindi nagbabasa ang dalawa, nag-aaral naman silang dalawa. May araw pa, na ang order nilang pagkain ay hindi nila nagalaw sapagkat nalibang sila sa kanilang binabasa.

Pagkatapos ng kalahating oras, tumunog ang bell hudyat na tapos na ang break kaya nagsitayuan na sila. Si Brian naman ang kusang nagsuli ng mga libro na hiniram ng dalawa.At sabay silang pumuntang classroom.

Uwian na. Ngunit dahil umulan, kanya-kanya na sila ng uwian.Hindi nakapagdala si Brian ng kanyang sasakyan sapagkat coding ito. Nauna munang pinasakay si Owe at Kyle sapagkat dumaan na ang jeep na dadaan sa barangay nila. Si Ron naman sumabay sa motorsiklo ni Ericson.

Tumunog ang cp ni Brian. 

"Hello Dad" sagot nito habang nakatayo sila ni Blair kasama ang ibang estudyante na naghihintay din ng masasakyang jeep. Nakikinig lang si Blair kay Brian habang nakamasid sa patak ng ulan.

"Sige po.Bye" paalam ni Brian sa ama. Lumingon ito kay Blair. 

"Kelangan ka na ba sa inyo?" tanong ni Blair. "Ok lang naman na akong umuwi mag-isa, baka emergency yun sa inyo." saad nito.

"Hindi naman. May gathering lang sa opisina nila. Nandoon kasi mga ninong ko. Pinapapapunta ako." sagot nito.

"Baka namiss ka ng mga ninong mo Brian." saad naman ni Balir.

"Hatid muna talaga kita. Tsaka hanggang 11 pm pa naman yung party dun. Makakahabol pa ako." sagot nito sabay ngiti kay Blair.

Ngumiti naman si Blair sabay tango kay Brian. " Salamat" sagot nito.

After mahatid si Blair sa bahay nito, mabilis din namang nakauwi si Brian sa kanilang bahay. Nagpahinga saglit bago naligo para maghanda papuntang opisina. Kinakamusta na talaga siya ng mga ninong niya at sanay na siya na kapag nandun mga ninong niya, pupunta talaga siya.

Pagkarating sa opisina, nakita niya agad ang kanyang Mommy. Lumapit siya neto sabay halik sa pisngi. Ngumiti ang Mommy niya sabay sabi " Oh mga mare, nandito na ang inaanak niyo." Lumingon naman si Brian at isa -isang humalik sa mga pisngi nito.

"Ang gwapo mo talaga Iho" saad ng Ninang Lorraine niya. Ngumiti naman si Brian nito.

"Oo nga. Ilan na ba ang napaiyak mong babae Iho?"pagbibiro ng Ninang Betty niya. Nagtawanan naman ang mga kasamahan ng Mommy nila sa biro ng Ninang Betty niya.

"Hay naku Mare, alam mo naman si Greg, ayaw niya pa itong mag gf sapagkat may nireretong babae ito sa kanya" singit ng Mommy niya sa mga kasamahan nito. "Usapang lalake daw, di ko alam kasunduan nilang dalawa"

Nagulat man konti ang ibang ninang niya pero naiintindihan naman nito sapagkat sa pamilya nila, kung hindi Arrange Marriage, ay Marriage for Convenience naman. Maskin ang Mommy at Daddy niya ay arrange marriage ito. Huli na nilang nalaman ng sinabi ng Daddy nila na may inihahanda na itong babae sa Kuya niya. Good thing is nanalo ang Kuya niya sa kasunduan ng Daddy niya, at naipakasal talaga ang Kuya niya sa babaeng mahal talaga nito. Nilukob tuloy siya ng kaba at lungkot ng maalala ang sitwasyon niya. Kailangan niyang maging Valedictorian. Kailangan niyang manalo. Ayaw niyang matulad sa Daddy at Mommy niya. Ayaw niyang matulad sa ibang pinsan niya. Dapat katulad ng mga Kuya niya, siya ang dapat magwagi sa huli. Bumigat pa lalo ang dibdib niya ng makita si Jorn. Nakalimutan niyang may gusto pa pala ito kay Blair at nagpapatulong ito sa kanya. Katulad din niya, may kasunduan din sila Jorn ng parents niya at ewan kung ano ang kasunduang iyon. Ang saklap ng mga buhay nila pagdating sa lovelife. 



GOT MARRIED WITH MY EXWhere stories live. Discover now