CHAPTER 6 ~ One Step At A Time ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sayang...malapit na eh!"

"Kapag hindi ka tumigil ididikit kita sa gitna ng kalsada at pasasagasaan kita."-me

"Hindi mo magagawa yan."

"At bakit?"

"Mawawalan ka ng gwapong asawa."

Kumindat pa siya sakin at napailing na lang ako. Papunta kami sa San Pablo, Laguna. Sa Villa Escudero kami pupunta dahil don gusto ni Daddy i-celebrate ang Poseidon's Swimming Party Day niya.

Sumiksik ako sa gilid ng kinauupuan ko. Kanina pa ako nilalamig...ber months pa naman ngayon kaya malamig. Pahapon na kasi..mga alas kwatro siguro. Napaangat ako ng tingin ng may isinuot na jacket sakin si Ice.

Kumunot yung noo ko ng makita kong may number 9 na nakatatak don. Natatandaan ko pa tong pulang jacket na to. Eto yung Varsity Jacket ni Ice non.

"Wag na-"

"Sige na suotin mo na. Since alam kong sisipain mo ako palabas ng bintana kapag niyakap kita."-ice

Nag-iwas ako ng tingin para mapigilan yung sarili ko na matawa. Parang alam na alam na niya kung ano yung mga reflex action ko pagdating sa kaniya.

Sumiksik na lang ako sa gilid at hinigpitan ko yung jacket sakin. Masyado kasing maluwag..obviously dahil maliit lang ang katawan ko kompara kay Ice.

Pakiramdam ko nakayakap siya sakin ngayon...

...

...

"SUMMEEEEEEER!"

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon