Marami pa siyang tanong. Tulad ng kailan nagsimula ang mga pagpatay? Bakit hindi pa pinapasara ang school? Pero ‘di na niya nagawa pang maitanong dahil nag ring na ang bell at hudyat na ito na mag i-start na ang first period nila sa hapon.





***






HABANG nasa klase ay napalingon si Shatile sa katabi niyang si Ianna na matamang nakikinig sa teacher. Tinitigan niya ang mukha nito, talagang maganda ang bago nilang kaklase, ang kinis at ang puti. Matangos ang ilong, bilugan ang mata at manipis ang mga labi nitong namumula.

Bakit kaya hindi nalang sakanya ipinagkaloob ang ganung itsura? Bakit kaya siya biniyayaan ng mga sandamakmak na tigyawat? Napansin rin niya na sabay sabay pumasok sa klase sina Lexi, Ianna, Elai at Lynna. Kung makinis kaya siya? Gusto rin kaya siyang kasama nina Elai?

"May problema ba?" Nagulat siya nang biglang mapatingin sakaniya si Ianna. Mahina at malumanay nitong tanong sakaniya habang nakangiti. Iniwas niya tuloy ang tingin.

"W-wala..." tipid niyang sagot.

"Ikaw si Shatile tama?" Pabulong nitong tanong. Tumango lang siya.

"Ako si Ianna." Napalingon siya dito at nakangiti ang dalaga. Mukhang mabait si Ianna at pala kaibigan. Hindi gaya nina Elai na maganda nga, pangit naman ang ugali.



***



HABANG pauwi si Ianna ay nadaanan niya ang isang bahay na tila may nakaburol. Dadaanan nalamang sana niya iyon ng makitang narito ang nanay niya habang buhat buhat si baby Woni.

"MAMA!"  Sigaw niya at saka nilapitan ang ina para magmano. Binuhat naman agad niya ang kapatid. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Nakikiramay lang sa asawa ni Mareng Susan. Kanina lang kasi nahanap ang bangkay ni Karding e pero last week pa raw itong patay ayon sa mga nag imbestiga galing LGU." sagot nito

"Ah. Tara na ma, uwi na tayo." Pag aaya niya. "Hapon na at baka magkaron pa si Woni ng sipon o di kaya ay lagnat."

"O siya sige, at hindi pa ako nakaka pagluto." Sagot ng ina. Aalis na sana sila pero napahinto siya ng makita niya ang tarpulin ng namatay. Ang letrato ng namatay ay tumatak sa kaniyang isip. Nakita na niya ito. Sigurado siya. Ganun nalamang ang panlalaki ng mga mata niya.

"M-ma?" Tiningnan niya ang ina na para bang nagtatanong.

"Halika na Ianna! Hayaan mo na yung nakita mo noon!" Nanlaki ang mga mata ng ina sa sinabi niya.

"Pero ma, pano niyo—"

"HALIKA NA SABI! UUWI NA TAYO!" galit na sigaw ng ina. Kaya napapaluha nalang siyang sumunod sa ina habang buhat buhat ang kapatid.




***




"NAI-KWENTO mo kay Ianna ang tungkol sa school?" Tanong ni Zon sa girlfriend niya habang sila ay nakahiga sa kama. Hubo't hubad at kakatapos lamang nilang magtalik. Nandito sila ngayon sa bahay nila. Wala kasi ang parents niya kaya naman silang dalawa lamang ang naroon.

"Yes babe." Proud pa nitong sagot. Alam niya ang ugali ng girlfriend, kapag may ayaw siyang babae, kinakaibigan niya ito saka niya ito paglalaruan.

"For what?"

"Para matakot siya, siyempre! Para kusa siyang mag quit sa school." Giit pa nito. Hindi niya masisisi ang girlfriend. Maganda kasi talaga si Ianna at malaki ang chance na malipat ang atensyon ng mga lalaki sa naturang dalaga.

"Babe, hayaan mo na si Ianna—"

"Sabi na nga ba may gusto kay sa Ianna na yon e!" Napabangon pa ang girlfriend sa kama at masama siyang tiningnan.

"What? Hindi sa ganon babe." Hinila niya ang girlfriend at niyakap kahit hubad silang pareho. "Ito naman, ikaw lang sapat na."

Pero sa totoo lang ay hindi lang naman talaga ang girlfriend niya ang na ikakama niya. Kundi maraming babae. Magaling lang talaga siyang magtago ng lihim sa girlfriend niya. Si Marco at Kit lamang na barkada niya ang nakakaalam tungkol sa kaniyang mga side chicks.

Napangisi siya ng halikan siya ni Elai. Mula labi pabababa sa pinakamaselang parte niya. Napaungol nalamang siya sa ginagawa ng girlfriend.




***



"SO totoo pala yung bali-balita ma?" Tanong ni Shatile sa ina tungkol sa nangyari sa kanilang kapitbahay ni sina Aling Susan.

"Oo anak. Kaya mag-ingat ka. Baka nga totoo ang mga aswang na kumakalat dito."

"Ma naman, hindi totoo ang aswang!" Hindi siya naniniwala sa aswang. Tao, sa tao siya mas natatakot.

"Sige, paano mo ipapaliwanag ang nangyari kay Karding? Wakwak ang tiyan at wala lahat ng laman loob!"

Kunsabagay. Tama ang ina, ang mga normal na tao ay hindi magagawa ang bagay na iyon sa kapwa. Maaring aswang o hindi kaya, tao? Taong wala sa tamang pag iisip. Mas sigurado siya doon.

Napangisi si Shatile ng may maalala. Hindi niya kasi makakalimutan ang mga nangyayari sa school nila tuwing Graduation Day. Mga karumal dumal na pagpatay!

Aswang parin kaya ang may gawa ng mga yon? O tao na wala sa katinuan?




-FOLLOW ME FOR MORE-

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now