Mabilis akong lumapit kay Elish na hindi malaman ang gagawin ngayon sa kaibigang si Zara dahil may pasa na rin ito sa mukha katulad ni Blythe.

Parang hindi babae.

“What the fuck is happening?!” tanong ko kay Elish.

Papunta si Mela, Shaeza, Ann, Catryx, Lucy, Jay at Sky sa aking direksyon na may pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Nakatingin si Sky kay Zara at Blythe. “Maliit lang ang pinag awayan ng mga 'yan nang makita ko silang nasasakitan na. Parang mga bata.” inis na usal ni Sky.

Tumingin ako kay Elish na naiinis na rin na nakatingin kay Damon at Kaizer na patuloy pa ring nagkakasakitan.

“Dahil kay Jannah at Trixy kaya nag away 'yang dalawang 'yan.” inis na saad ni Elish habang si Mela naman na hindi mapakali.

Lolay Marvel...” pigil ang iyak ni Catryx na nakatingin sa akin.

“Manang...” sabay na sambit ni Shaeza at Ann sa akin.

Mga nag-aalala sa mga nasasaksihan nila ngayon. Sino ba naman kasing hindi mag aalala? Na yung mga kaibigan namin ay nag-aaway away dahil sa babae? Diyos ko!

Sumenyas ako na hintayin nila ako. Naglakad ako papunta kay Kiro at Akari na pinipigilan si Zara at Blythe na magsapakan. “Sige. Ituloy nyo 'yan.” huminto ang dalawa. “Hindi na kayo mga bata Zara at Blythe. 'Wag nyo akong gagalitin ng husto.”

Lumapit ako sa direksyon nila Ethan at Lucas na inaawat si Damon at Kaizer. Pumagitna ako saka masama silang tiningnan. “Sige, tuloy nyo! Matatapang kayo diba?”

Masamang tinignan ni Damon si Kaizer saka ito dinuro na para bang may agawin lang syang importante sa kanya ay kaya nyang makapanakit at pumatay. Diyos ko. “That shit!”

Kaizer laughed, “I'm not a shit! I'ma not like you! Asshole.”

Aamba ulit sana si Damon nang suntok nang sumigaw si Jannah at Trixy. “Enough!”

“Tumigil na kayong dalawa.” tumingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin din sa amin direksyon. “Sumunod kayong lahat sa'kin. Mag-uusap tayo.”

Pagkalabas naming lahat ay kinausap ko sila saglit na sumakay sila sa kanya kanyang sasakyan at sinundan ako.

Ilang oras ang lumipas nang makarating kami sa beach resort na pag-aari ng aking kaibigan.

Lumabas ako ng kotse saka pumasok sa isa sa mga cabin.

“Vitalis? Where are you?” tawag ko.

Pumasok ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

“Why?”

Seryoso akong tumingin sa kanya. “May mga kasama ako sa labas. Pagamit ako ng isa sa mga cabin mo, mag uusap usap lang kami.”

“What happened? You look so pissed.”

I sighed. “Bullshit. Come with me. Samahan mo ako at baka kung anong masabi ko sa kanila.”

Sinamahan ako nitong lumabas papunta sa aking mga kaibigan na nag-tatalo talo na naman. Nagulat na lamang ako ng lumapit si Vitalis kay Zara saka ito hinawakan sa mukha. “What the fuck happened to your face, Rain?!”

Inis na hinawi ni Zara ang kamay ni Vitalis na nakahawak sa mukha nito. “Mukha ko pa talaga inalala mo.”

Tumingin si Vitalis sa mga kasama ko. “Who did this to you?”

“Wala--”

“Ako pre, bak--”

Hindi na natapos ni Blythe ang kanyang sasabihin nang sinapak ni Vitalis si Blythe. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.

Bullshit! Hindi ko sya pinalabas para dumadagdag sa problema ko!

“Christian! Ano ba?!” sigaw ni Zara saka tinulak si Vitalis kay Blythe nang akma na naman nitong sapakin.

Lumapit ako kay Vitalis saka ito nilayo sa kanila “Tumigil ka nga, Vitalis!”

“Ayang gagong 'yan! Alagang alaga ako kay Rain tapos sasaktan nya lang?”

Nanlaki ang aking mata sa narinig. “Magkakilala kayo?”

Tumiim ang bagang ni Vitalis habang nakatingin kay Blythe na tinutulungan ni Akari ngayon.

“Oo, kilalang kilala ko talaga Girlfriend ko yun eh.”

Damn. What the fuck is happening in this fucking world?!

RUSH

Mavel Morris (Bar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon