"Madami na ang pinaluto ko para sa inyong lima" sabi niya sa akin kaya naman padabog akong umupo sa may upuan at tsaka binilisan ang pagkain ng kikiam para mas marami akong makain.

Napansim kong nakikipagsabayan sa akin ang batang chanak na iyon kaya naman mas dinoble ko ang pagkain ng kikiam. Kunh ano ang kukuhanin niya ay inuunahan ko siya. Nakatingin lamang siya sa akin, mukhang naguguluhan sa aking ginagawa.

Napaiktad ako ng paluin ni Kenzo ang kamay ko. "Parang gago to, inaaway mo nanaman yung bata" suway niya sa akin.

"Tong chanak na to, nakipagagawan pa sa akin. Palutuan niyo nga yan kay yaya ng fishball" inis na sabi ko pa.

Kaya naman kaagad na dumakot si Tadeo ng kikiam at inilagayn iyon sa plato nung chanak. Dahil sa inis ay kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Halos hindi na niya manguya ang kinakain niya dahil ano mang oras ay sisibi na ito. Fuck, gusto kong matawa dahil sa itsura ng chanak na iyon. Pero nagulat silang tatlo ng kaagad na ngumawa ang bata.

Halos mabilaukan pa ito dahil sa laman ng kanyang bibig. Sa huli ay ako nanaman ang napagalitan nina mommy at daddy. Nakakainis talaga ang batang iyon, bwiset sa buhay.

Nagkahiwa hiwalay kami ng Course pag dating ng college. Kahit iba iba ang course namin ay halos kilala naman kami dahil manghang mangha ang mga ito dahil minsan lang sila makakita ng quadruplets.

"Piero pare, saan ka?" Tanong ni kyle classmate ko sa isang minor subject.

"Sa auditorium lang ako, kasali yung kapatid ko sa pageant, amputa parang gago" sagot ko sa kanya habang napapakamot na lang sa aking batok.

Inis akong pumunta sa auditorium para manuod ng pageant ni Cairo. Nanduon na sina Tadeo at kenzo pag dating ko.

"Oh anak, hindi mo narecieve yung text ko?" Tanong ni mommy sa akin.

Napakunot ang aking noo. "Text po?" Tanong ko sa kanya at kaagad na kinuha ang aking cellphone.

"Tinatawagan din kita, hindi ka naman sumasagot" sabi pa niya sa akin.

Muli akong nayamot ng makita ko kung anong ang text ni mommy sa akin.

"Mommy naman malaki na yung tyanak na yun. Kaya na nun pumunta dito" inis na sabi ko pa. Pero hindi nanaman ako nakaligtas sa panlalambing ni mommy sa akin kaya naman sa huli ay ako na ang pumunta sa may highschool department para sunduin si Sachi at dalhin sa may auditorium.

Tirik na tirik ang araw. Andaming estudyanteng naglalabasan sa may Gate at hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya makita. Hindi nagtagal ay natanaw ko na ito kasama ang ilan sa mga kaibigan niya. Hindi niya ako kaagad nakita dahil walang ginawa ito kundi tumawa at dumaldal. Kung hindi pa ako nakita ng kaklase niya at itinuro sa kanya ay hindi pa ito titigil sa kakadaldal.

Tumakbo ito palapit sa akin. 1st year highschool na pero parang isip bata pa din. Ngiting ngiti siya sa akin kaya naman inirapan ko na lamang siya.

"Tara na, ang init init" inis na yaya ko pa sa kanya.

Walking distance lang ang pagitan ng campus ng college sa building ng elementary at highschool department. Lakad lang ako ng lakad habang nakasunod lang si Sachi sa akin.

"Kuya kuya" tawag niya sa akin at hindi pa siya nakuntento dahil kinalabit pa ako.

"Ano?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Pwede mo ba akong ibili ng ice cream?" Tanong niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko.

"Babayaran kita pag nakuha ko na yung allowance ko next week. Ubos na yung allowance ko eh..." pagpapaliwanag pa niya sa akin.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now