Tumingin lahat kami nang tawagin ni Trixy ang atensyon ni Damon.

“Yes?” ngiting sagot nito saka umakbay kay Trixy.

Naglakad naman si Zara papunta sa direksyon ni Trixy at Damon. Kung titignan parang kontrabida si Zara kay Damon at Trixy. Para syang kabit sa eksena ng dalawa, extra kung baga.

“Anong babe ka dyan? Gusto mong mawalan ng ngipin?” panghahamong tanong ni Rain kat Trixy.

Pumagitna si Damon at saka tumingin sa akin na para bang humihingi ng tulong.

I sighed and smiled before called Zara's attention. “Zara...”

Nakangiti naman itong humarap sa'kin kaya sinenyasan ko na lumabas si Damon at Trixy. When I looked to Zara's eyes. Damn, she creeps me out.

She smirked bago humarap ulit kay Trixy at Damon. “Walang aalis.” ani nito.

Tumingin sa akin si Zara saka ngumiti and it creeps me out. “I got ya there Inang.”

Tumawa na lang ako saka tumango. Wala dapat ikatakot dahil kaibigan ko sya, kaibigan namin sya.

“Nakakatakot naman 'to si Lolay.” masamang tiningnan ni Zara si Catryx nang tawagin sya nitong 'Lolay'

“Ano bang sabi ko sayo? 'Wag mo nga akong tawaging Lolay!” singhal nito dito.

Tumawa si Catryx. “Sige, pagalitan mo na ulit sila Lolo Damon.”

“Shit, anong lolo ka dyan?!”

Hindi na pinansin ni Zara si Catryx. Lumapit si Zara kay Trixy para tingnan ito nang maigi. “Layuan mo si Errol.”

“Bakit ko naman gagawin yun? Partner ko sya.”

Zara laughed before make a face. “H'wag mong akong paulitin.”

“Hey!” asik ni Lucas para kunin ang atensyon ng dalawa. Naramdaman na rin siguro nito ang tensyon sa dalawa. “Brother Zara, that's enough.”

Lumapit si Kiro kay Zara “That's enough, Ulan.”

Habang si Kaizer, Blythe at Ethan ay nakatingin lang sa kanila. At ang mga babae naman ay nakatingin lang din dito.

Si Jannah na katabi ko ay nakatingin kay Damon. Kinalabit ko ito. “You okay?” tanong ko.

Tumango lang ito habang ang mata ay nakatutok pa rin kay Damon na hindi malaman ang gagawin. Problemado ka ngayon boy. Wala akong alam tungkol kay Zara at Damon pero alam ko hindi sila mag karelasyon. Nasisigurado ko iyon.

“Enough.” may diin kong pigil bago lumagok ng isang boteng beer. “H'wag nyo akong galitin pokemoon.

Hindi ko na alam kung anong sagot nila dahil nakatutok na lang ako sa iniinom ko nang tumabi sa'kin si Ethan at Kaizer. “Ano bang meron sa dalawang yun?” Kaizer asked.

“Dude, kung hindi mo alam. Mas lalong hindi ko naman alam.” Ethan said.

“Umalis nga kayong dalawa dito, ang ingay nyo.” sabi ko saka pinagpatuloy ang pag inom.

“Alcoholorist ka?”

Masama kong tinignan si Kaizer nang sinabi nya yun.

Maybe haha!

“Hindi ba obviouserist fucking Kaizer?”

Inis ko silang binatukang dalawa. “Umalis na nga kayo sa tabi ko, namomoblema na nga yung tao, eh.”

Sabay tumawa si Kaizer at Ethan. “Tao ka pala?” sabay nilang sabi at saka sabay rin ulit nilang tawa.

Inis na nilapag ko ang baso sa mesa. “Anong akala nyo sakin? Hayop?” inis kong tanong.

"Oo! HAHAHA!!" sagot nila habang tumatawa at bago tumakbo paalis sa tabi ko.

Tumayo ako at itinaas ang aking gitnang daliri sa kanila at sumigaw, “H'wag lang kayong tatabi sa'kin kung gusto nyo pang mabuhay!”

Sumigaw si Kaizer “Natatakot na kami Mama Mavel!” sigaw nya saka sila sabay ulit tumawa.

Umupo na lang ulit ako at hindi na sila pinansin pa.

“Mga siraulo.”

May tumabi sa akin, si Jannah. “Parang gusto ko ng may ka-partner, Mama Mavel.”

Kunot noo ko syang tiningnan. “Bakit mo naisip agad yan ngayon?”

“'Di ba, once na ma-in-love ka mahirap na yun pigilan? Mahirap nang i-unlove ang isang tao? 'Yong taong mahal mo?”

“Yeah, why?”

Tinungga ni Jannah ang liquor na nasa baso nya pero hindi ito naubos dahil may pumigil dito. “Tigilan mo na kakainom Jannah, nakakabadtrip.” anang ng lalaki naumalis rin pagkatapos.

Nakatingin ako sa likod ni Damon habang papaalis ito matapos pigilan si Jannah na inomin ang alak, nasana ay ubos na ngayon. Sayang naman.

Tumingin ako kay Jannah. “Alam ko na ang ibig mong sabi-”

Tumango at pilit na ngumiti si Jannah sa akin. “Yeah.. I think I'm in love..I'm in love with Damon Errol Saul.”

Magbestfriend pa ang nagkagusto sayo Damon. Diyos ko.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang marinig ko ang boses ni Trixy na ikagulat din ng lahat lalo na si Jannah na tumulo na ang luha.

“I'm in love with you, Damon. Please, love me back.” seryosong sabi ni Trixy kay Damon na nanlalaki ngayon ang mata. “Tatangapin ko na natalo ako sa larong 'to pero sisiguraduhin ko na akin ka bandang huli at ako naman ang mananalo sa pagkakataon na yun...”

Problemado na ako sa Boss ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko, pati ba naman dito sa mga kaibigan ko?

Oh, God. Help me to solve this shit.

RUSH

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now