Chapter 1

8 0 0
                                        

Chapter 1

"Ready ka na Nieza?" Jillian asked me.

"Oo wait lang. Kunin ko lang book ko."

"Bilisan mo na. Tayo na lang hinihintay. Ang usapan kasi 7 am bakit 6:30 ka gumising?"

Ang nanay mong Jillian galit na naman.

I'm at fault naman kasi talaga. Ang byahe namin papunta sa Arellano is 7 am pero late na ako nagising.

"Girl, nagreview ako kagabi para sa quiz bee na 'to kaya ako late nagising duh."

I defended myself kasi totoo naman. I spent my whole night reading books.

"Oh basta bilisan mo."

Hindi ko alam kung bakit kasi nakalimutan ko pa rito sa school yung isang book. Ang tanga ko kahit kailan. So bale ito na lang hindi ko pa napapasadahan.

"Bilis na Annieza, sakay na sa kotse. Nandun na si Ma'am Jenny." Utos sa amin ng isa naming teacher.

Habang nasa byahe ay pinapasadahan ko ng basa yung book na hindi ko nabasa kagabi kahit na pinipigilan nila ako.

"Ang kulit mo Annieza, tigilan mo na kakabasa, kapag na-mental block ka mamaya. Wala kang masasagot." Paalala sa'kin ni Ma'am Rose.

Sinunod ko na lang. Babawi na lang muna ako ng tulog habang nasa byahe kami.

"Gisingin mo na si Annieza, Jillian. Para makapag-register na kayo. At ng makuha niyo ang pass niyo." I heard Ma'am Rose pero gusto ko pa matulog.

"Oy Nieza, halika na. Nandun na sila Ruel sa loob."

After the registration part ay nakapasok na kami sa venue, they asked us if we can take pictures. Looks like wala naman kaming choice but to take pictures.

Habang naghihintay kami sa pagstart ng laban ay sinimulan ko na ulit basahin yung book na naiwan ko sa room.

"Nieza, try mo nga itali buhok ni Cleigha, hindi niya raw kaya yung gusto ni Sir na style." Utos sa'kin ni Karylle.

After kong itali ang buhok ni Cleigha ay tinawag na kami para dalin sa kanya kanyang classroom na pagdadausan ng kanya kanya naming laban.

"Oh Annieza, hindi na kita panonoorin at baka mapressure ka pa." Sabi sa'kin ni Ma'am Jena.

"Okay lang po Ma'am. Para kapag natalo hindi nakakahiya sa inyo." Biro ko sa kanya kaya naman napatawa silang lahat.

"Aba walang matatalo. May tiwala ako sa'yo anak."

"Ma'am kapag nanalo kami, baka naman may libre dyan." Pasimpleng biro rin 'tong si Ruel e.

"Oo nga po Ma'am, baka naman hehe." Dagdag pa ni Nika.

"Sige basta nanalo tayo. Annieza, sumunod ka na run. Good luck!"

"Good luck Annieza Grace, mwah! 'Wag mong gagalingan." Biro sa'kin ni Marina.

Natawa na lang ako sa kanila. Para bang pupunta ako sa ibang bansa sa paraan ng pagkaway nila sa'kin. Mga malalakas ang tama.

Pagpasok sa loob ng classroom para sa quiz bee ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Ang dami namin, 12 students kami rito sa loob. Kaya ko ba?

"Miss Annieza Grace Juarez from Athena National High School?"

"Yes po."

Tinuro niya sa'kin ang pwesto ko. Girl! Kinakabahan ako, mukhang matalino yung mga kalaban ko.

Ano na ba? Unang tanong nasagot ko naman ng tama. How about the other questions? Kinakabahan ako.

Nakita ko yung score board. Tie kami nung student from Fort Magsaysay sa first place.

"Since tie ang ANHS at Fort Magsaysay, this question will be your tie breaker." The speaker said.

"Tie breaker question, what is the full name of the father of double entry bookkeeping?"

I write down my answer kahit hindi ako gaanong sure sa spelling.

"Okay times up. Raise your answer."

"The answer is Fra Luca Bartolomeo de Pacioli. Who got the correct answer and spelling?"

"Athena National, Miss."

I won. Oh my. Kahit wala yun sa binasa ko. May natutunan naman pala ako sa school. Ang galing.

"Congratulations Miss Annieza Grace Juarez of Athena National High School. 1st placer."

After she announced that ay nagpicture taking kami. She told us na sa stage ang awarding kaya naman bumalik na ako sa gymnasium ng Arellano.

Naabutan ko run si Cleigha na mukhang kabado sa buhay.

Nagkunwari ako na malungkot. I just want to tease them. Lalo na si Ma'am Jena na nakatingin sa'kin ngayon.

"Oh Annieza tapos na agad? Kumusta? Nanalo ba tayo?" Sunod sunod na tanong sa'kin ni Ma'am Jena.

It's acting time.

"Wala Ma'am, talo po. Pang 7th place, hindi ko po natandaan yung mga nareview ko e." Sabi ko pa habang malungkot na nakatingin sa kanila.

"E ilan ba kayo sa loob? Okay lang 'yan."

"12 po. Ang gagaling nila Ma'am. Halos maperfect nung Fort Magsaysay." Sabi ko pa. Totoo naman kasi.

"Oh Annieza kumusta? Panalo ba tayo?" Bati sa'kin ni Ma'am Jenny.

I smiled at her. Si Ma'am Jena ang sumagot sa kanya. Natatawa ako sa itsura ni Ma'am Jenny kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagalpak ako ng tawa.

"Joke lang po yun Ma'am. Panalo po ako, panalo po tayo." I can't help it. Yung itsura ni Ma'am akala mong tuwang tuwa pa, at bumaba ng ilang porsyento ang chance na manlibre siya.

"Totoo ba anak? Delikado ang bulsa mo Ma'am Jenny at mukhang panalo rin yang mga alaga mo." Asar pa sa kanya ni Ma'am Rose.

"Opo, totoo nga po." Sagot ko kay Ma'am Rose.

"Pang-ilan anak?"

"1st po hehe."

"Aba magaling. E kayo Ruel pang-ilan?" Bumaling siya kila Ruel na busy sa pag-uusap kung saan aayain si Ma'am Jenny mamaya.

"1st din po. Paano ba 'yan Ma'am Jenny? Kahit Jollibee na lang." Mahanging sabi pa ni Ruel kay Ma'am Jenny.

"Oo nga po Ma'am Jollibee na lang po." Tulong naming pamimilit.

"Karylle!!" Sigaw ko dahil mukhang naliligaw ang kaibigan naming presidente. Sa itsura ni Karylle mukhang nanalo rin 'to at maganda ang ngiti kay Ma'am Jenny.

"1st 'yan for sure Ma'am." Sabi ni Marina.

"E kayo ba ni Jillian? Partner kayo ah?"

"Aba Ma'am, 1st placer din kami. Kaya wala po kayong kawala."

Bwiset na bibig ni Marina na 'yan. Tawanan tuloy ang lahat.

"Ma'am Jenny tara na ba?" Tanong dito ni Karylle.

Sabi ko na nga ba at panalo rin 'to.

After that ay nag-award na sa stage. Overall champion ang Athena National.

Kaya naman eto kaming lahat ngayon sa Jollibee, mga ngiting ngiti.

Napahawak ako sa dibdib ko. Eto na naman yung pagsakit sakit ng dibdib ko. Palagi na lang akong sinisikmura kaya nadadamay yung dibdib ko.

"Oy Nieza? Okay ka pa ba?" Tanong sa'kin ni Marina.

I just gave her a thumbs up.

"Ruel, kilala mo yung Miguel Chavez?"

Love Me Before February Where stories live. Discover now