10. I Found You Again

En başından başla
                                    

"Bakit ka nga pala, hindi umuwi kanina?" tanong ko.

"Wala lang. Wala kasi akong tiwala kay Alfie kaya naisipan kong sundan kayo. Mukha pa lang niya, mukha nang gag*."

"Ahh. Salamat talaga," sabi ko. "Alam mo, sa halos tatlo taon kong naghahanap ng lalaki, marami na akong mga nakilala at lahat sila, matitino at may mga respeto. Kaya hindi ko inaakala na mamanyakin ako ng Hayop na iyon kanina. First time lang 'to. Ang inosente at ang amo ng mukha niya pero may kahayupan pala sa katawan. Mabilis kasi akong magtiwala. Alam mo na, ganoon kasi akong klaseng tao kaya hindi ko rin masisisi ang saliri ko."

"Bakit ba kasi naghahanap ka pa ng mga lalaki? 'Di ba, it's better to wait until you finally met the right one? Kaysa, mapahamak ka kakahanap sa kaniya?"

I barely smiled. "Ganito kasi iyan, I believe kasi na I should be the one to find who's destined to me. From 21 of my existence, pagod na akong maghintay nang maghintay ng lalaki para sa akin. Matagal ko nang gustong maranasan ang magmahal or should I say, magka-boyfriend. 'Yon lang naman ang gusto ko, eh. Actually, hindi ko nga alam kung paano kiligin sa mga lalaki. Except sa mga love story movies na napapanood ko, of course. Saka, sa iyo ba talaga nangggaling iyong line na it's better to wait than blahblahblah? Eh, as far as I know, same lang tayo ng ginagawa."

Napakamot siya ng sintindo niya. "Sabagay . . . Oo nga, 'no?" Napangiwi siya. "Pero wala ba manlang nagtangkang mangligaw sa iyo kaya desperada kang magka-boyfriend agad?" curious nitong sa akin.

"Meron naman. Do you want to know how many they are?"

"Ilan?"

"They were 25, actually. Kaya huwag kang maniwala kanina na sa sinabi ko na si Alfie lang 'yong unang taong kumuha ng phone number ko. Niloloko lang kita. At hindi lang din ikaw 'yong pinakauna. But take note, lahat ng nangligaw sa akin ay basted. Hindi nila ma-reach 'yong sign or standard na hinahanap ko if they really the right one whose meant for me. May nakikilala rin ako through dating apps. May nirereto rin mga kaibigan ko sa akin kaso wala talaga sa kanila ang tipo ko."

"25?! Meron naman pala, eh." Hindi makapaniwala nitong tanong. "Wala ka manlang nakatuluyan doon? Bakit?"

"Kasasabi ko nga lang, 'di ba? Wala. Sinubukan ko naman silang i-date lahat kaso hindi ko sila magawang magustuhan, eh. Kahit anong pilit ko. Wala akong makapa. Wala talaga akong maramdaman para sa kanila kahit okay naman sila halos pero parang may hinahanap pa akong iba, eh."

"Ano bang sign 'yong hinahanap mo?"

"Sunod-sunod mga tanong mo, ah? Bakit ka ba curious sa akin? Nanood ka ba talaga ng mga vlogs ko? Nag-upload na ako ng video para doon, ah."

"Hindi ko alam. Minsan lang naman kasi ako manood sa iyo kasi palagi akong busy."

"Okay lang," sambit ko. "Ganito kasi 'yong sign na hinahanap ko sa isang tao. Pero uunahan muna kita, hindi talaga ako naniniwala sa mga sign na iyan pero dito lang sa kaisa-isang sign na 'to, ang pinaniniwalaan ko kasi ako mismo ang gumawa nito noon, eh. Gusto ko, sa una naming pagkikita, alam ko na agad sa sarili ko na siya talaga ang hinahanap ko. Paano? Kapag nahulog na agad 'yong damdamin ko sa kaniya. That's so simple, right? Naniniwala kasi ako sa love at first sight. But from that 25 guys I met, wala. Hindi pa counted diyan 'yong mga nilandi ko noon," nakasimangot kong sabi. "Do you still have a follow-up question? Don't worry, I'll still answer it for you. Kung wala na, sana may nalaman kang bago tungkol sa akin kahit papaano."

"Ang dali lang pala ng sign mo." Bahagya itong tumawa. Pinili ko na lang manahimik kasi 'yong sign na tinutukoy ko ay siya pa lang ang nakakaabot. "Wala ka bang gustong malaman sa akin?" tanong niya.

"Of course, meron. I heard na same content lang daw 'yong mayroon sa mga videos natin. Naghahanap ka rin pala ng pag-ibig? At bakit ka nga ba naghahabap ng lovelife?"

"Yep. Nakanood ka na ba sa mga video ko kahit isang beses?"

"Hindi pa, eh. Sorry. Hindi talaga kita kilala. Lately lang."

"I see . . . " tugon nito. "Hindi talaga ako naghahanap ng mga babae. Hindi ako katulad mo. Meron kasi akong specific na taong pinatatamaan o pinaparinggan mula sa mga videos ko . . . Ikuwento ko muna sa 'yo 'yong pinakauna. Bata pa lang ako, nahulog na agad ako sa isang tao kaso no'ng tumanda ako, hindi ko na siya nakikita kaya naghanap na lang ako ng ibang babae. Kaso 'yong nahanap ko, hindi pala para sa akin. Nagkahiwalay din kami agad. Bumalik ulit ako sa babaeng nagustuhan ko noong bata ako, bumalik rin 'yong feelings ko para sa kaniya, palagi siyang nasa isip ko kahit hindi ko alam kung nasaan na siya. Sinubukan kong pumasok sa Youtube para mag-video lang ng kung anu-anong mga bagay na gusto kong gawin. Mga kalokohan lang. Hindi ko planadong gawin 'yong mga ginagawa ko na ngayon. But eventually, I finally found her and unexpectedly, sa iisang platform pa. Mabuti't namukhaan ko rin siya agad, since bata pa lang no'ng huli ko siyang nakita. Medyo matagal na rin pala siya nag-ba-vlog at sobrang hindi ko rin inakala 'yong laman ng mga content ng mga videos niya. Nga pala, isang buwan pa lang ako sa Youtube no'ng makumpirma kong siya nga 'yong taong hinahanap ko. Nahihiya kasi akong i-approach siya kaya ang ginawa ko, gumawa rin ako ng mga videos na may kinalaman din sa mga videos niya. Kahit papano, pumatok siya sa mga tao. At inakala yata nila na naghahanap din ako ng lovelife kahit ang totoo, nahanap ko na talaga. Sadiyang nagpaparinig lang ako at umaasang mapansin ako ng taong ito. I really missed her kahit hindi niya ako kilala. Actually, ibang-iba na 'yong hitsura niya ngayon. Mas lalo na siyang gumanda." Nakikitaan ko siya sa mukha niya ng kakaibang kulay habang nagsasalita. Tila, halatang hulog na hulog siya sa taong tinutukoy niya.

"Medyo naguguluhan ako," sambit ko. "May nagustuhan ka no'ng bata ka pero hindi ka kilala? Kawawa ka naman, kung ganoon."

"Oo."

"Nays. Paano mo siya nagustuhan no'n?"

"Hindi ko nga rin alam, eh. Basta, kapag nakikita ko siya noon, there's a something strange I felt inside of my chest. Napapasaya niya ako kahit hindi niya alam. Akala ko, puppy love lang iyon kasi bata pa lanag ako pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis-alis 'yong affection ko sa kaniya. Mas lalo akong nahuhulog no'ng nakita ko siya ulit ngayon."

Hindi na ako umimik pa at unti-unting bumababa ang ngiti sa akin labi. Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng kaunting kirot dito. Sino kaya 'yong tinutukoy ni Lenard sa mga sinasabi niya?

"May sasabihin nga pala ako sa iyo." Tumigil ito sa paglalakad niya kaya tumigil din ako. A soft but audible why escaped from my lips. "Itigil na natin ang paghahanap sa tamang tao na para sa atin. Hindi na ako mahihiyang sabihin ito sa iyo ngayon na . . . "

"Ha? Alin?"

"Kasi nandito na ako para sa 'yo at nand'yan ka na para sa akin. Huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. You found me and I finally found you again, we meant for each other. That's a destiny dictated for the both of us. Masaya akong nakakasama na kita ngayon. Hindi na ako hanggang tingin na lang sa malayo katulad noon."

Napaawang ako ng bibig. Hindi magawang tanggapin ng isipin kong ipasok iyong mga sinabi niya sa akin.

Kinikilig ako sa sinabi niya.

-------

all about chancesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin