KABANATA VIII: Pagsang-ayon

Start from the beginning
                                    

"Do I have?" pagdiin ko sa kanya.

"Mr. Samaniego, just please." pagbulong ni Mr. Lacson sa akin at napangisi muli ako.

"I'm sorry." pagngisi ko. "So, what's the plan? Do we need to postpone it? And if ever that it will be postponed, I will just go with the location department in London." dagdag ko pa't ngumiti na lamang.

"No, you don't have to. Let's just forget everything. We can start filming this Monday." pag-iba ni Xavier nang tila ba hindi naaayon sa reaksyon niya na pawang napilitan na lamang.

"I don't see any problem with that." pagsang-ayon namang ng isa pang producer.

"Okay, is this meeting adjourned?" pagtatanong ko.

"Y-Yes, you may now go. Thank you for coming." pagsagot nito na pawang pagkunot ng noo't pagsalubong ng kilay ang nagagawa niya.

Walang ngiting nalalantay sa kanya, tila bang naiinis ito't ako'y ngumisi na lamang sa kanya. Nagsimulang umalis sa loob nitong kwarto upang makahinga ng maluwag.

"Mr. Lacson, mauuna na kami." paalam kay Mr. Lacson at ito nama'y tumango lamang.

"Direk, babalik ba kayo ng opisina?" pagtatanong ni Yaz nang ito'y lumapit sa akin.

"Oo, chi-check ko ang ibang talents." sambit ko naman sabay pagtango nito.

Nagsimula muling maglakad patungong elevator kasabay si Jim kung kaya't naiwan si Yaz habang naghihintay sa PA ni Mr. Lacson.

Pumasok muli sa elevator sabay ang pagpindot nito. Hindi naman maiwasang pag-usapan ang nangyari kanina't pawang naiinis ako.

"Lakas din ng amats ni Xavier bro no?" pagbiak ng katahimikan ni Jim sabay pagtawa namin kung kaya't dalawa laman kami rito sa elevator.

"Tangina, ano bang akala niya sa atin bobo? Alam kong may binabalak 'yun eh. Malaman ko lang kung anong mga binabalak niya kakalimutan kong may respeto ako sa kanya." pagbigkas ko at napangisi sabay paglabas ng elevator nang ito'y nagbukas.

"Huminahon ka bro baka may makarinig sa'yo." bigkas din ni Jim.

"Pasalamat siya nandito tayo sa lugar niya." sagot kong muli nang kami'y nasa paradahan na ng sasakyan.

"Ako din eh, parang may napapansin akong kakaiba kaso hindi ko malaman kung ano." sambit ni Jim sabay pagpasok namin ng sasakyan at isinara ito.

"Hayaan na lang muna natin. Let's just wait until what will happen." ani ko nang pinaandar na ang sasakyan at umalis.

Ngayo'y binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa paroroonan. Hindi pa rin matapos-tapos ang kwentuhan namin ni Jim tungkol kanina kung kaya't napapangisi na lamang sa pagkakataong ito.

"Ah bro, may sasabihin nga pala ako." pagbaling ko ng aming kwento.

"Ano 'yun? Tungkol saan?" pagtataka niya.

"T-Tungkol kay Xavier bro." bigkas kong muli kaya't nauutal ako.

"May ginawa na naman siya ano? Pag ito---" bigkas nito't hindi ko na pinatapos nang sumagot agad ako.

"H-Hindi ganoon bro, ano kasi---" pag-utal ko.

Tila bang natahimik ng ilang segundo kung kaya't kapag ito'y sinabi sa kanya ay hindi ito maniniwala.

"Ano?" simpleng tanong muli nito't napatingin na lamang sa kalsada.

"Naaalala mo ba 'yung sinabi ko noong nakaraan? Tungkol doon sa kamukha ni---" bigkas kong muli habang nagmamaneho ng matulin kung kaya't hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ito'y nagsalita agad.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now