Chapter: 48

2.3K 96 47
                                    

AGKTT48


Sa loob ng ilang minuto, wala akong ibang ginawa kung hindi ang matulala na lang doon. Papalit-palit ang tingin ko sa kanila. Kay Muffin, sa kanya at sa inosenteng bata na kanina pa nagtatanong kung bakit umiiyak ang kanyang... ama.

It's so obvious. I can see it. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko sa mga sunod-sunod na luha, hindi ako bulag para hindi mapuna ang perpektong kombinasyon ni Ardleigh at ni Muffin. That girl is stunningly beautiful... with her almond shaped eyes, small but pointed nose, and her perfect reddish lips that look exactly like Ardleigh's.

Mas lalong umawang pa ang labi ko nang lumabi ang bata. Sa simpleng ginawa niyang 'yon, lumabas na agad ang kanyang malalim na dimples sa kabilang pisngit at halos mapatid na ang hininga ko.

No doubt. Kay Ardleigh nga 'to. Napahinga ako ng maluwag at napaiwas ng tingin sa kanila. Binuhat siya ni Ardleigh at lumapit sa direksyon ko. Sumunod agad si Muffin.

Fuck. I admit... and everyone would probably agree with me. They look so perfect together...

Pero tang una... Bakit? Paano? Kailan?

Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?

"I know you have a lot of questions running in your mind... Lahat, Mae, handa kong sagutin... basta 'wag mo lang sana ulit akong takbuhan." I saw how pain etched across his face.

Parang may bara sa lalamunan ko at nahihirapan na akong kapain ang mga tamang salita. I tried to swallow audibly but it doesn't help. Ramdam ko pa rin ang bara, ang sakit, at ang mga tanong na hindi ko alam kung kaya niya ba talagang sagutin.

"Daddy... her face looks so familliar..." anang bata sa gitna ng katahimikan. Pilit n'yang inaabot ang pilit ko ring iniiwas na mukha. "I think, I saw her on your wallpaper."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ngunit agad ko ring binawi 'yon. Alam ko namang wallpaper niya ako sa cellphone niya pero hindi ko alam na 'di pa rin pala niya 'yon pinapalitan. It's been months since we broke up, right? Lalo na sa sitwasyon niya ngayon... dapat wala na akong bakas na ala-ala mula sa kanya.

Tumango ng marahan si Ardleigh at binalingan ng tingin ang anak, punong-puno ng pagmamahal. Parang kinukurot ang puso ko putang ina.

"Yes, baby... She's my best friend." ngumiti ito atsaka siya pinatakan ng halik sa noo.

Of course. I'm his best friend. I'm forever be his best friend.

"Alora, come here. Your Daddy needs to catch up with his..." Muffin looks at me with that unpredictable face. "...best friend. We already talk about this, right?"

Tumango ang bata at lumipat sa kanyang ina. Mahinahon na nagpaalam ang dalawa kay Ardleigh. Tumango-tango ito atsaka muling hinalikan ang mag-ina. Tang ina. Ano 'to? Kailangan ko ba talagang masaksihan ang lahat ng 'to?

Sabagay... heto naman talaga ang hinihiling ko magmula pa noon, eh. Iyong purong katotohanan... at ngayong nakahapag na sa harapan ko, bakit parang hindi ko matanggap?

Bakit puro na lang yata pait ang nalalasahan ko ngayon? Bakit ang hirap-hirap tanggapin kung ganito lang din pala ang sagot sa mga katanungan ko?

Puro bakit... bakit... bakit ganito ang naging kapalaran ko sa pagmamahal?

"M-Mae..." aniya matapos mapansin ang katahimikan ko lalong-lalo na noong umalis na sina Muffin at 'yong bata.

I was too pre-occupied with uncertain thoughts that I didn't notice I'm already scratching my face and roaring in pain. Amputa. Ilang beses ko na bang sinabing hindi na ako iiyak?

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя