Naalala naman ni prince Zeno ang pag-uusap nila ni Lady Ezeli nang isayaw niya ito noong nagdaang pagtitipon. Naalala niyang sinabi nito na naghahanda na ito sa kanyang kinabukasan lalo na at nasa tamang edad na ito. Naisip rin ng prinsipe na iba na ang ugali nito kumpara noon na lagi siyang kinukulit at hinahabol.

Hindi rin niya inaway o ipinahiya ang mga babae na naghahabol rin sa kanya, bagkus ay ito pa ang nagpahiya kay Lady Ezeli, sabi niya sa isip.

Narinig pa niya ang ibang sinabi ng Marquess sa duke na ngayon ay parang unti-unti nang sumasang-ayon. Kumunot ang noo ni prince Zeno at hindi na napigilang lumapit rito. Papalapit na siya rito ngunit bago siya makalapit ay may kamay na pumigil sa kanya.

"Ama?" Sambit niya ng pinigilan siya nito sa balikat at tinignan.

Nakangiti ito sa kanya na parang alam nito ang gustong gawin ng prinsipe o ang pakay ng prinsipe sa dalawang nag-uusap.

Lumakad ang hari palapit sa Marquess at Duke kaya hindi na lang tumuloy ang prinsipe. Hindi rin mapigilang mamula ng prinsipe ng mapagtanto niya ang ibig sabihin ng ngiti ng kanyang ama.

"Hm.. Marquess Carik, 'wag mo naman akong pangunahan," pagputol ng hari sa pag-uusap ng dalawa. Si prince Zeno naman ay nakatayo lang sa hindi kalayuan kaya rinig niya pa rin ang sinabi ng ama.

"Alberto, can we talk privately? There is something I need to tell you. Something interesting that might help our kingdom to grow." Nakangiting sabi ng Hari habang ang duke naman ay nagdadalawang-isip man, tumugon ito sa hari dahilan upang kumunot ang noo ng Marquess.

Napatingin ang prinsipe sa kanyang ama. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng ama at kung bakit nito gustong makipag-usap ng pribado sa duke.

Nakita ng prinsipe na umalis ang Marquess habang ang kanyang ama naman at ang duke ay umalis. Gusto sana itong sundan ng prinsipe ngunit napatigil siya ng tawagin siya ng kanyang butler.

"Prince Zeno, nasa Royal Library po ngayon si Lady Ezeli."

Library?

"Salamat, Dussle."

Tumingin muna ang prinsipe sa papalayong pigura ng kanyang ama at ang duke bago umalis upang puntahan si Lady Ezeli.

"TINAWAG mo ako sa aking pangalan, mahal na hari. I assumed that it's a private matter only between us?" Tanong ng duke Hermona sa hari na ngayon ay nakangiti lang.

"Kilalang-kilala mo na talaga ako, Alberto." Natatawang saad ng hari.

"Paano namang hindi, Thaddeus? Ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko simula ng bata pa ako." Natatawa ring sabi ng duke.

"Hindi nga nahahalata ng iba na magkaibigan tayo dahil masyado kang pormal pagdating sa akin, Alberto."

"Ginagawa ko lang ang tamang pagturing ng isang duke sa nakakataas sa kanya, Thaddeus."

Tumango ang hari at kinamusta ang duke sa kanyang buhay. Sinabi nito ang tungkol sa kanyang trabaho at napunta sa kanyang anak na si Ezeli. Hindi na rin napigilan ng hari na itanong kung bakit iyon nangyari at wala ring maisagot ang duke.

Nagkwentuhan ang dalawa bilang isang matalik na magkaibigan na parang binalewala ang kanilang estado sa buhay.

"Oh, ano pala ang iyong sasabihin, Thaddeus? I think it's a private matter so I'll just call you by your name."

The True HeroineWhere stories live. Discover now